filipino,

Literary: Sayang

3/16/2018 08:55:00 PM Media Center 0 Comments





“Hi Bes!”
Ang pagbati mo sa ’kin,
Sabay upo sa aking tabi
Matagal na pala tayong magkakilala
Ikaw ang una kong naging kaibigan
Dahil madalas tayong magkatabi
Daldalan sa chat hanggang hatinggabi

“Bes, tara, kain tayo!”
Sabay tayong kumakain tuwing tanghali
Mga usapan natin tungkol sa crush mo
Kay ganda ng ngiti mo habang nagkukuwento
Sumasayaw sa ligaya ang iyong mga mata
Kung minsan tungkol sa Keeping up with the Kardashians
Makikinig ako kahit ‘di naman ako interesado sa kanila

“Bes, kumusta ka na?”
Tanong mo habang tayo’y magkatabi sa dyip
Ngingiti ako at guguluhin ang buhok mo
Sabay pisil sa pisngi mong matataba
Hahampasin mo ako at tatawanan lang kita

Hindi mo puwedeng malaman ang sikreto ko

Hindi muna.

Itatago ko muna ang aking nararamdaman
Ayokong mabulilyaso ang ating pagkakaibigan
Kahit na bumibilis ang tibok ng aking puso
Sa ngiti mong kay ganda
Ang tawang humahagikgik, musika sa tenga
Sinusubukan kong pigilan ang aking bibig
Sa nararamdamang umuusbong

Tuwing tayo’y nagkaklase
Iniiwasan kong tayo’y magkatabi
Nais kitang layuan dahil isa kang panganib
Sa aking pusong marupok
Tuwing nagkakalapit ang ating mukha
Ako’y natutuliro, natataranta
Huwag mo akong lapitan, puwede ba?

Tititigan muna kita mula sa malayo
Marami akong gustong iparating
Isip ko’y puno rin ng tanong
Ngunit kung darating ang pagkakataon,
Iisa lang ang nais kong sabihin,
“Mahal kita, pero ang baho ng hininga mo.”

You Might Also Like

0 comments: