filipino,

Literary: Knock, Knock

3/16/2018 08:31:00 PM Media Center 0 Comments





“Knock, knock!”

“Walang tao,” sabi ko at ‘di ko nilingat ang tingin ko mula sa librong aking binabasa.

“Eh, ‘wag ka namang killjoy. Dali na, knock, knock!” ulit niya sa akin at umupo siya sa tabi ko.

“Walang pinto.” Alam kong nakabusangot na siya sa ’kin nang marinig ko siyang suminghal.

“Dali na kasi. Dali, last ko na ‘to promise.”

Pinanlisikan ko siya ng mata. “Weh...”

“Oo nga. Last na talaga.”

Nagbuntonghininga na lang ako. Hindi ko talaga mapigilan ang pangungulit niya. “Fine. Who’s there?”

“Anana.”

“Anana who?”

Huminga siya nang malalim at biglang kumanta, “Anana o nana, I left my heart in the ana—“

“Okay, tama na,” iritadong pagpigil ko sa kaniya.

“Tawa ka muna,” sabi niya sa ’kin habang pangiti-ngiti.

“Ha, ha, ang funny mo sobra, layuan mo na ako, panira ka ng araw,” sabi ko nang tuloy-tuloy at walang preno.

“Araw-araw naman akong nagsasabi sa ’yo ng knock, knock joke, eh.”

“Kaya nga, sirang-sira buong araw ko araw-araw dahil do’n.” Patuloy akong nakatingin sa librong hawak ko. ‘Di ko na ito mabasa nang maayos, ang kulit naman kasi ng katabi ko.

“’Di mo lang gets kung ano’ng ibig sabihin ng mga jokes ko kaya ‘di ka natatawa.”

Nakakunot-noo akong humarap sa kaniya.

“Seryoso ka ba? Bakit, may napaka-deep ba na meaning ‘yang mga knock, knock jokes mo? Kailangan ko bang mamilosopiya para magets ko ‘yung jokes mo?”

“Oo.”

Sinara ko ang librong binabasa ko at hinarap ko siya.

Sa unang pagkakataon, sa siyam na araw niyang pagbibiro sa akin ng mga walang kuwenta niyang knock, knock jokes, nakita ko ang seryoso niyang mukha.

“Sige, ipaliwanag mo nga sa ‘kin.”

“Naaalala mo ba ‘yung unang knock, knock joke ko sa ’yo?”

“Malamang kinalimutan ko na sa sobrang corny.”

Napabuntonghininga siya. Nilabas niya ang isang notebook mula sa bulsa niya at binulatlat ang mga pahina nito. “Knock, knock.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Uulitin ko lahat ng knock, knock jokes ko sa ’yo para maalala mo. Knock, knock.”

Hindi ko siya magawang barahin. Hindi kasi siya nakangiti habang sinasabi ‘yung knock, knock joke.

“Who’s there?”

“Ginabing kokey.”

“Ginabing kokey who?”

“Just dance, GINABING KOKEEY~” matinis niyang kanta. ‘Di ako natawa. Well, pinipigilan ko. Okay sige, medyo natawa ako kasi ang seryoso ng mukha niya nang kantahin niya ‘yun.

“Knock, knock.”

“Seryoso ba talagang uulitin mo

“Knock, knock.”

“Who’s the—”

“Uber.”

“Uber who?”

“Because tonight will be the night that I will fall for you UUUBER agaaiiin~”

’Di ko alam kung ba’t ako natawa, pero malakas akong napahalakhak sa sinabi niya. Kada bato niya ng knock, knock joke niya, sobrang benta sa akin.

Sa panlima niyang biro ay napapangiti na rin siya habang sinasabi sa akin ‘yung mga knock, knock jokes niya. Ang totoo halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa.

“Knock, knock.”

“Who’s there?”

“Anana.”

“Teka, alam ko na ‘to.”

“Sagutin mo na lang kasi!”

“O, sige, Anana who?”

“Anana o nana, I left my heart in the anana o nana~”

Natawa ako sa sa ginawa niya, e, paano ba naman sumayaw siya sa harap ko habang kinakanta ‘yung joke niya.  “Umupo ka nga! Nakakahiya ka!” natatawa kong sabi sa kaniya.

“Tingnan mo, sabi ko sa ’yo nakakatawa mga jokes ko, eh,” sabi niya at umupo sa upuan niya.

“’Oo, sige na, natawa na ako. Ano na’ng malalim na kahulugan ng mga knock, knock jokes mo, ha?” ‘Di mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Inilatag niya sa harap ko ang notebook niya.  “Tingnan mo ‘yung mga unang letra ng mga ginamit ko sa knock, knock jokes ko.”

Ginabing kokey
Uber
Sinigang, kare-kare
Tutubi at kakanin
Orasan

Kangkungan
Itlog na bilog
Tinapang basa
Anana

Natatawa pa rin ako kaya’t ‘di ko nagets agad ang sinabi niya. Nakangiti ako sa kaniya at pinupunasan ang mga luha ko. “Teka, so ano’ng meron?”

“Subukan mo kayang sabihin na parang salita para magets mo.”

Pinagsama-sama ko ‘yung mga letra at sinabi ko nang malakas.

“Gusto kita?”

“Gusto rin kita.”

Minsan ang mga biro ang nagsisilbing daan para masabi ang mga lihim na damdamin.

You Might Also Like

0 comments: