filipino,
Minsan may isang ina
Lagpas sa daliri ang mga anak
Buong araw nag-aaruga,
Sinisiguradong lahat ay lumalaki nang tama.
Minsan, tanging tanghalian lamang ang pahinga
Sinusulit ang bawat minuto,
Mag-aayos ng buhok, magpapalamig ng ulo,
Bago muling bumalik sa pag-aalaga ng mga supling nito.
Ngunit isang gabi, munting ina’y napaisip
“Lahat ba ng ito’y sulit?”
Nalito at naguluhan,
Kung nais niya pang mag-alaga kinabukasan.
Pero huminto ay hindi niya magawa
Hinaharap pa rin sila nang may ngiti sa mukha
Kahit pasikretong nahihirapan,
Hindi niya ito ipinapakita, hindi kailanman.
Dahil siya’y isang ina
Na lagpas sa daliri ang mga anak
Kahit hindi niya kadugo,
Hinding-hindi susuko dahil mahal niya ang pagtuturo.
Literary: Bilang Isang Ina

0 comments: