geraldine tingco,

Garnet, Saturn, inuwi ang korona sa Mr. & Ms. Hue-niverse

3/02/2018 07:58:00 PM Media Center 0 Comments


RAMPA NG KARAPATAN. Ipinakita nina Vergel at Porto ng 6-Garnet at Betito at Cabrera ng 7-Saturn ang kanilang sertipiko ng pagkapanalo sa Mr. and Ms. Hue-niverse GROUPose Edition noong selebrasyon ng UPIS Days 2018. Photo Credit: Geraldine Tingco


Itinanghal na kampeon sina Annika Mikaela Porto at Karl Vergel, Jr. mula 6-Garnet at Klyssa Betito at Carmelo Dean Cabrera mula 7-Saturn sa Mr. and Ms. Hue-niverse GROUPose Edition (Group Rampa) noong ikatlong araw ng UPIS Days, Pebrero 15, sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Grounds.

Ngayong taon, isinagawa ang rampa sa pamamagitan ng pagbuo ng grupo na may apat na miyembro mula sa elementarya at hayskul. Nagpresenta sila ng group skit na nagpapakita ng kanilang adbokasiyang napili sa layuning mamulat sa iba’t ibang isyung panlipunan ang mga mag-aaral.

Napili ng grupo mula sa 6-Garnet at 7-Saturn ang adbokasiyang “Pagkakaroon ng Pantay na Pagtingin sa mga Magsasaka” dahil sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng mga magbubukid na mahalaga ang papel sa kabuhayan ng mga Pilipino ngunit hindi napagtutuunan ng pansin sa kasalukuyang panahon dahil sa industriyalisasyon at teknolohiya.

“Siguro po sa simpleng hindi po pagsasayang ng pagkain puwede na po nilang matulungan ang mga magsasaka natin,” pahayag ni Betito kaugnay ng parte ng mga estudyante sa pagsulong ng adbokasiya.

Sa panayam naman ukol sa kanilang panalo, sinabi ni Betito: “Siyempre po nakaka-overwhelm kasi [...] Grade 7 pa lang kami tapos first time [...], nanalo na po agad.”//nina Wenona Catubig at Geraldine Tingco

You Might Also Like

0 comments: