news,

Ramar Foundation, naghahanap ng scholars

3/02/2018 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



PAGTULONG. Nakikipag-ugnayan ang ilang guidance counselor ng UPIS sa ilang kasapi ng RSFI para sa paghahanap ng mga bagong iskolar. Photo Credit: Wenona Catubig

Nagpunta ang mga kasapi ng Ramar Scholarship Foundation, Inc. (RSFI) sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) upang maghanap ng mga iskolar noong Pebrero 10.

Kinapanayam nila sa Student Services Office ng UPIS 7-12 Building ang ilang estudyanteng nais maging parte ng kanilang samahan. Ang mga mapipili ay tatanghaling iskolar ng kanilang organisasyon na bibigyan ng sustento para sa kanilang edukasyon sa kolehiyo.

Ipinaalam nila ang batayan sa pagpili: pinansyal na kakayahan ng pamilya ng estudyante, General Weighted Average (GWA) na hindi bababa ng 2.5, panayam, at sanaysay.
“We are trying to help as many as we can. Ang plano ko, 100 students,” pahayag ni Primo S. Quesada, ang tagapagtatag at kasalukuyang presidente ng RSFI na isang UPIS alumnus.

Dagdag pa niya, “Our goal is that they will get their college degree […] so that they can help themselves, their family and be successful so that they can help others when the time comes.”

Nagsimula ang RSFI noong 2007 at kasalukuyan na ngayong sumusuporta sa 60 estudyante mula sa iba’t ibang paaralan. Ang pangalanang ‘Ramar’ ay mula kina Ramon at Maria Quesada, ang mga magulang ni Primo Quesada.

Para sa mga impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng RSFI sa link na ito: ramarscholarship.org/ph/index.html //ni Wenona Catubig

You Might Also Like

0 comments: