drenisse moleta,

Leonin ng Grado 5, nanguna sa UPIS Days Quiz Bee 2018

3/02/2018 07:55:00 PM Media Center 0 Comments




NAGWAGI. Nagsama-sama sina Adrian Bornilla (emcee), Chijmes Leonin, Lander Suguitan (Kamag-Aral
officer), Zach Jugo (emcee), at Robert Ambat (Kamag-Aral officer) matapos ang “Pa-THINK- karan” noong
selebrasyon ng UPIS Days. Photo Credit: Elane Madrilejo


Nagwagi si Chijmes Leonin ng 5-Apo sa “Pa-THINK-karan ng Kulay” o quiz bee na idinaos sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Quadrangle noong Pebrero 15 bilang bahagi ng selebrasyon ng taunang UPIS Days.

Natalo ni Leonin ang humigit-kumulang na 80 estudyante mula Grado 3 hanggang 10 na lumahok sa paligsahan.

Binuo ng dalawang yugto ang quiz bee. Sa una, tinanong ang mga kalahok tungkol sa iba’t ibang paksa at pinapili ng sagot sa apat na opsyong A, B, C, o D. Ang mga nagkamali ay awtormatikong tinanggal sa laro hanggang sa isa na lamang ang matira na siyang tinanghal na panalo.

Sa pangalawang bahagi naman, pinapili si Leonin kung “Kuwadro o Buslo” ang gusto niya. Ang “Buslo” ay may taglay na sari-saring school supplies at pagkain. Ngunit pinili niya ang isa sa apat na “Kuwadro” o kahong may mga letrang U, P, I, at S na maaaring maglaman ng dalawang patatas, mga tinapay ng Gardenia, powerbank, o Php 3,000 na gift card mula sa Fully Booked. Sa dulo, nakuha niya ang premyong powerbank mula sa “I” na kahon.

Ayon kay Leonin, masaya at nakakakaba ang naturang quiz bee. Nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa kanyang pagkapanalo, “Dapat [ay] updated sa social media [at] dapat mabilis makaisip ng sagot.”//nina Elane Madrilejo at Drenisse Moleta

You Might Also Like

0 comments: