jasmine esguerra,
Sumabak sa kauna-unahang pagkakataon ang ilang miyembro ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Pep Squad sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 Streetdance Competition sa SM Mall of Asia (MOA) Arena noong Marso 11.
Ito ang unang beses na kasali ang juniors (mga mag-aaral sa hayskul) sa nasabing taunang kompetisyon kung saan una silang nagtanghal bago ang kanilang mga counterpart na seniors (mga mag-aaral sa kolehiyo).
Nakaharap ng UPIS Pep Squad, na kinilala bilang University of the Philippines (UP) Junior Streetdance Team, ang Adamson Cauldron Dance Company, Zobel Dance Crew (De La Salle University), Baby Tamaraws Dance Company (Far Eastern University), National University Underdawgz, University of the East Street Warriors, at University of Santo Tomas Galvanize.
Girl power ang tema ng koponan, katulad ng Zobel Dance Crew, na layuning mapalakas ang loob at kumpiyansa ng kababaihan.
Ayon sa team, biglaan ang kanilang paglahok dahil sa imbitasyon ni Coach Paolo Mendoza ng UPIS Basketball Team. Si G. Arjay Calso, guro ng PE at kanilang coach sa Pep Squad, ang siyang gumabay sa kanila para sa paligsahan.
Upang suportahan ang koponan, nagsilbing choreographer si Bb. Abbi Gayagoy, isang miyembro ng UP Streetdance Club at alumna ng UPIS. Kasama niyang nagturo ng routine ang ilan niyang kaibigan at teammates mula sa UP Streetdance Club.
Bukod sa isang buwan lamang ang panahon para makapaghanda, matindi rin ang naging hamon sa UPIS Pep Squad dahil hindi sila sanay sa pagsayaw ng streetdance na iba ang estilo sa cheerdance. Gayunpaman, ibinigay nila ang buong makakaya upang irepresenta ang paaralan.
Inaasahan nila na sa mga susunod pang taon ng kompetisyon, magkakaroon pa rin sila ng pagkakataong lumahok. Kaya naman nais nilang gumawa ng panibagong team, ang UPIS Streetdance Team, para sa mga estudyante na forte ang pagsasayaw ng streetdance.
Nagwagi ang UST Galvanize na may iskor na 82.30, lamang nang 10.8 puntos mula sa pumangalawang team. Nakamit ng Baby Tamaraws Dance Company ang puntos na 71.50 bilang 1st runner up. Habang ang UE Street Warriors naman ay nakakuha ng 71.10 puntos para sa ikatlong puwesto. Kasunod ay ang Zobel Dance Crew, National University Underdawgz, Adamson Cauldron Dance Company, at huli ang UP Junior Streetdance Team.
Samantala, sa seniors division, kampeon ang FEU Street Alliance, pangalawang puwesto ang La Salle Dance Company-Street, at pumangatlo ang UP Streetdance Club.//nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: UP Junior Streetdance Team, lumahok sa UAAP Streetdance Competition

0 comments: