gian palomeno,
Lumahok ang mga miyembro ng Econ Varsity mula sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa ECONVERGENCE 2018 na ginanap sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) Campus, Laguna noong Pebrero 24-25.
Binubuo ng mga mag-aaral na mahusay sa larangan ng ekonomiks ang UPIS Econ Varsity.
Ang nilahukan nilang kompetisyon ngayong taon ay may temang Bridging the Gap Towards Accessibility to Quality Education: Assessing the Role of the Comprehensive Tax Reform.
Nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak sa nasabing kompetisyon. Lumahok si Joelle Victoria Catibog ng 9-Neon sa essay writing contest, si Jelena Micah Basilio ng 9-Xenon sa poster making contest, si Isabelle Ann Isip ng 9-Xenon sa impromptu speaking competition, at sina Gaudette Ann Garcia ng 9-Xenon at Gabrielle Elise Cabalu ng 9-Argon sa quiz bee.
Nagkaroon din ng debate competition na nilahukan ng dalawang grupo ng mga mag-aaral. Kabilang sa unang pangkat sina Robert Edward-Jacob Ambat ng 9-Neon, Bree Catibog at Diane Joyce Francia ng 9-Argon. Sa ikalawa naman ay sumabak sina Aeschylus Nario ng 9-Argon, Krissie Marie Ebdane at Blaine Cosico ng 9-Neon.
“Masaya ‘yung experience. Hindi ako bitter na natalo kami kasi magandang experience ‘yung competition. Marami rin kaming nakilala from different schools at nakilala din namin ‘yung counterpart [natin sa UPLB na] University of the Philippines Rural High School,” sabi ni Blaine Cosico.
Ang ECONVERGENCE ay isang taunang kompetisyon para sa mga mag-aaral ng hayskul na nais ipakita ang kanilang galing sa larangan ng ekonomiks na pinangungunahan ng UPLB Economics Society.//nina Rain Grimaldo at Gian Palomeno
UPIS Econ Varsity, sumali sa ECONVERGENCE 2018
KALAHOK. Masaya ang naging karanasan ng mga miyembro ng UPIS Econ Varsity matapos ang isinagawang ECONVERGENCE 2018 sa UP Los Baños. Photo credit: Robert Ambat |

0 comments: