news,
Isinagawa ng Media Center Batch 2018 o MC2018 ang kanilang pangalawang MCLive na may temang Afterglow sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 3-6 Bulwagan noong Pebrero 14, kasabay ng selebrasyon ng UPIS Days.
Layunin ng programa na palaganapin ang Ang Aninag Online at ibahagi ang mga talento ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado ng kani-kanilang sariling kathang pampanitikan pati na rin ng kanilang talento sa musika.
Bumigkas ng kanilang mga akda sina Carlos Laderas, Eunice Ruivivar, Isa Isip, at Logan Sampang.
Nagtanghal naman ang mga bandang FLL, Smilky, at Tripolar. Nagbahagi rin ng kanilang talento sa musika sina Addie Sajise at Jana Garcia, Sam Agaran, Faith Austria at Caitlin Noroña, at Onise Manas.
Pagkatapos ng mga nakaprogramang performer, nagkaroon ng pagkakataon ang mga manonood na ibahagi ang kanilang talento sa open mic. Sumayaw sina Julian Taloma at Zach Jugo, habang talento naman sa musika ang ipinakita ng duo nina Em Gacad at Stephen Sanchez, Yanna Reblando at Keio Guzman, solo performance ni Julia Reyes, at grupo nina Hillary Fajutagana, Em Gacad at Aldous Dela Peña. Pati ang mga emcee na sina Marianne Sasing at Dane Jamandron ay kumanta bilang pagwawakas sa programa.
Bukod sa mga pagtatanghal , mayroon ding mga concessionaire mula sa iba’t ibang grado na layong makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng bawat batch. May nagtinda ng pagkain tulad ng cupcakes, beef pares, at carrot cakes, at ilang dry goods gaya ng bookmarks at glowsticks. Mayroon ding nag-tarot reading at nagtayo ng photobooth.
Pinasimulan noong nakaraang taon ng MC2018 ang MCLive na ambag ng kanilang batch sa mga MC tradition.//nina Wenona Catubig at Rain Grimaldo
MC2018, idinaos ang kanilang pangalawang MCLive
PUNO NG DAMDAMIN. Itinanghal ni Eunice Ruivivar ang kaniyang tulang "Gunita" sa MCLive noong Araw ng mga Puso. Photo Credit: Geraldine Tingco
|
Isinagawa ng Media Center Batch 2018 o MC2018 ang kanilang pangalawang MCLive na may temang Afterglow sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 3-6 Bulwagan noong Pebrero 14, kasabay ng selebrasyon ng UPIS Days.
Layunin ng programa na palaganapin ang Ang Aninag Online at ibahagi ang mga talento ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado ng kani-kanilang sariling kathang pampanitikan pati na rin ng kanilang talento sa musika.
Bumigkas ng kanilang mga akda sina Carlos Laderas, Eunice Ruivivar, Isa Isip, at Logan Sampang.
Nagtanghal naman ang mga bandang FLL, Smilky, at Tripolar. Nagbahagi rin ng kanilang talento sa musika sina Addie Sajise at Jana Garcia, Sam Agaran, Faith Austria at Caitlin Noroña, at Onise Manas.
Pagkatapos ng mga nakaprogramang performer, nagkaroon ng pagkakataon ang mga manonood na ibahagi ang kanilang talento sa open mic. Sumayaw sina Julian Taloma at Zach Jugo, habang talento naman sa musika ang ipinakita ng duo nina Em Gacad at Stephen Sanchez, Yanna Reblando at Keio Guzman, solo performance ni Julia Reyes, at grupo nina Hillary Fajutagana, Em Gacad at Aldous Dela Peña. Pati ang mga emcee na sina Marianne Sasing at Dane Jamandron ay kumanta bilang pagwawakas sa programa.
Bukod sa mga pagtatanghal , mayroon ding mga concessionaire mula sa iba’t ibang grado na layong makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng bawat batch. May nagtinda ng pagkain tulad ng cupcakes, beef pares, at carrot cakes, at ilang dry goods gaya ng bookmarks at glowsticks. Mayroon ding nag-tarot reading at nagtayo ng photobooth.
Pinasimulan noong nakaraang taon ng MC2018 ang MCLive na ambag ng kanilang batch sa mga MC tradition.//nina Wenona Catubig at Rain Grimaldo
dabest pa rin yung performance nina ate zach!! hehehe
ReplyDelete