filipino,
Dahan-dahang lumabas sa may kusina
Upang kumuha ng mga plato't tasa
Maglalaro kami ng aking kaibigan
Ng lutu-lutuan
Tahimik na bumalik sa kuwarto
Dala-dala ang iba't ibang mga kagamitan
Dahan-dahang pumasok upang ‘di ako marinig
At mahuli ng aking nanay
Dali-daling inilapag ang gamit at sinabing
"Ssshhh, baka tayo marinig."
Ang aking kaibigan, hindi naman sumagot
Kaya’t patuloy lang ako sa aking pag-aayos
Tuwang-tuwa kami habang naghahalo ng tubig na kunwari'y sabaw
Siya ang nagtitinda, ako naman ang kanyang suki
Abot-tainga ang ngiti sa kanyang mukha
Bihira lang kasi kaming magkita
Kami'y biglang nagulantang sa pagbukas ni Mama ng pinto
"Ala-una na! Bakit ka pa naglalaro?"
"Ngayon lang puwede ang aking bestie," sagot ko.
Luminga-linga ang mga mata ni mama at sinabing
"Wala ka namang kasama."
Literary: Kaibigan

0 comments: