dawson,

Literary: Gaano Kita Kamahal

3/16/2018 08:52:00 PM Media Center 0 Comments





Mahal na mahal kita
Mas mahal kita kaysa sa:

Pagmamahal ng araw sa buwan
Ang walang katapusang habulan
Ang patuloy na pagbabago ng kulay ng langit
Ngunit sa tuwing maglalapit ay hindi nakakakapit
Ang pagsalungat sa lamig at init na bigay
Ang tuluyang pagbalanse ng buhay

Pagmamahal ng saya sa pighati
Ang walang dulong kalungkutan ngunit nakangiti
Isang mahigpit na yakap bago ang huling paalam
Isang pag-ibig na tunay ngunit kayo lang ang dapat makaalam
Tuwing nag-iisa at kalooban ay parang kulang
Pupunan ng isa ang pusong may puwang

Pagmamahal ng tamis sa pait
Tsokolateng itim at asukal na malagkit
Ang kaunting sakit sa dila na ‘di alintana
Sapagkat nasa isip na kalauna'y sasaya
Pagsubok na handang harapin kahit kailan
Dahil ang sarap sa dulo'y hinding-hindi kayang tapatan

Pagmamahal ng pangarap sa realidad
Isip ay nasa kalangitan, paa'y sa tubig nakababad
Ang walang hanggang posibilidad na maaaring tahakin
Ngunit ang tunay na takot ang bumabalot sa akin
Matapos ang daan-daang hiling at dasal para sa pagkakataon
Nawala sa isang iglap ang lahat ng salitang aking naipon

Mahal na mahal kita
Ngunit sa ngayo'y ‘wag na muna
Hindi ko kayang masabi ang aking mga lihim na damdamin
Dahil ika'y sa kanya at kailanma'y ‘di naging akin

You Might Also Like

0 comments: