Literary: Sa Dalampasigan
4/28/2021 07:04:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 07:04:00 PM Media Center 0 Comments
Kapiling ng dalampasigan,
nakamasid sa mga umiindak na alon,
tanaw ko ang agos na walang-katapusan,
mga mananayaw sa dapit-hapon
Walang-humpay ang pag-indayog
ng tubig sa init ng baybayin,
Ito ang sinaunang pag-iirog:
puti at bughaw -- pag-iisahin
Sa bawat pagyakap sa’kin ng dagat,
sa buong dibdib ko’y ramdam kita
Kada pag-indak ng tubig-alat
pinapaalala’y kasayaw kita
Sa bawat bulong ng mga alon
naririnig ko ang boses mo
Sa paghinga ko’y ito ang rason:
ang pangako ng ikaw at ako
Ang lamig ng dagat sa umaga
ginigising ang aking katawan;
pinupuno ako ng sigla’t aruga,
aking luha’t pighati ay pinapasan
Aking balikat ay marahang hinihimas,
balat ko’y lunod sa maingat na haplos
Pamilyar na lambing na walang-kupas,
pag-ibig na kasintapang ng milyong unos
Dama ko ang ginhawang dala nito,
na pwede pa kitang yakapin --
dahil walang araw na ‘di nagtagpo
ang dagat at ang buhangin
Kapiling ng dalampasigan,
alam kong hindi ako nag-iisa
Isinasayaw pa rin kita, sinta,
kahit lamang ang iyong alaala
Literary: You Are Still Here
4/28/2021 06:58:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:58:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Maalala mo kaya
4/28/2021 06:55:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:55:00 PM Media Center 0 Comments
Naaalala mo ba no’ng lagi tayong nasasaraduhan
ng pinto sa umaga?
Sabay na pumipila kapag may flag cem
tapos lima lang tayo sa linya?
Naaalala mo bang pagkatapos no’n eh
nasa klasrum na dapat tayo?
Pupunta raw sa banyo ngunit ang totoo,
may gusto kang madaanang seksyon, ano?
Naaalala mo ba ‘yong excitement kasi
may bagong seating arrangement?
Aayusin ang bag at tatayo muna sa harapan.
Dati, nang tawagin ang pangalan, napabulong sa sarili ng “dito na naman?”
Naaalala mo ba ang mga gurong
para na rin nating mga nanay at tatay?
Madaling lapitan at sabihan ng mga pinagdadaanan sa buhay,
Istrikto kapag nagtatalakay kaya ‘pag maingay, ay nako, patay!
Naaalala mo ba na tumatabi ako sa’yo tuwing magsusulat ng notes?
Dahan-dahang lilipat kapag magka-count off dahil may pangkatang gawain.
Palihim na bibilangin ang mga upuan para alam kung anong numero na ba ang babanggitin.
Kaya nang sabihing number three ka, sakto ako rin!
Naaalala mo ba na magkagrupo din tayo sa eksperiment sa chemistry?
Pupunta tayo sa likod ng klasrum, magsusuot ng goggles at apron (pipili pa ‘yan kung berde o pula).
Mangingialam sa grupo ng iba, magtataka,
“Bakit yung sa atin, ‘di gumagana?”
Naaalala mo ba kapag nasa sabjek naman tayo na bago magtanghali?
Patagong o-order ng pagkain sa Grab o Foodpanda
tapos aalukin ang iba, ang tapang nating seksyon;
pati ba naman si Ma’am inaya.
Naaalala mo ba si Bebot, ‘yong klasmeyt nating laging tulog?
Minsan magpapalakpakan, tapos siya’y magugulat,
magpapanggap na nagdadasal lamang
o kaya magsisipag-alis ang lahat para siya lang ang maiwan.
Naaalala mo ba tuwing naghihintay tayo sa labas ng klasrum
bago matapos ‘yong klase sa loob?
Kinakawayan, binibidyohan, binubuksan pa ang pintuan
Pagkatapos ay magtatanungan, “Anong ginawa ninyo? ‘Yong quiz ba mahirap sagutan?”
Naaalala mo ba ang mga bluebook na ikaw
lagi ang pinagdi-distribute?
Maglalakad-lakad sa klasrum, ‘di pwedeng tingnan ang score ng iba,
“Asan si Perez? Absent ba siya?”
Naaalala mo ba noong wala kang nadalang calculator,
triangle, modyul, o iba pang pinadalang materyales?
Kakatok sa ibang seksyon para manghiram muna
“Ibalik mo agad ah, gagamitin ko din ‘yan mamaya.”
Naaalala mo ba ang mga biglaang earthquake drill
sa mga ‘di inaasahang oras?
Todo isip ka sa pagsusulit tapos may tutunog bigla nang malakas.
Ipagpapatuloy ba ang pagsagot o magdu-duck, cover, and hold sabay pila sa labas?
Naaalala mo ba kapag nasa mga sabjek na pagkatapos ng lunch?
Sadyang dadalawin ng antok kaya nagsisipagyuko na ang iba.
Kung nakaupo man nang maayos ay nakapikit naman ang mata, umuuguy-ugoy pa.
Mapapatanong ka na lang talaga sa katabi mo kung time na ba.
Naaalala mo ba tuwing lumilipat tayo ng silid,
nadadaanan natin yung drinking fountain?
Sa sobrang baba ng tubig halos mahalikan na ito.
Minsan nama’y lagpas-lagpas o kahit ‘di apaka’y may lumalabas akala mo tuloy ika’y minumulto.
Naaalala mo ba ang iba’t ibang sulok sa paaralan?
Ang sigla ng gym, ang preskong hangin sa balcony,
ang samu’t saring kwentuhan sa canteen, ang himbing ng tulog kapag nasa library,
ang mga palusot natin para magpalamig sa auditorium, AVR, o faculty?
Naaalala mo ba ang kaginhawaan sa quad, ang madalas niyong upuang stone bench,
ang huling paalam mo kay Kuya Guard, ang bahay ni klasmeyt tuwing may pagkikita,
ang mga pagpupulong sa UP Town Center,
Vinzons, at Science Complex?
Hindi ko maibabalik ang nakaraan at hindi ko nakikita ang kinabukasan.
Ngunit nais kong muling maranasan
ang mga alaalang nag-iwan ng marka at ngiti sa aking mga labi
kahit malabo na itong mangyari.
Patuloy na tumatakbo ang oras,
huwag sanang sa harap ng screen magwakas
dahil nais pa kitang makasama
bago tayo mag-iba ng landas.
Literary: Kailan kaya muli
4/28/2021 06:52:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:52:00 PM Media Center 0 Comments
Pagsapit ng malamig na umaga’y nakagisnan ko na
Patayin ang maingay na alarma’t ayusin ang magulong kama
Bumangon, maligo, at kumain ng mainit na hain ni Mama
Sabay labas ng bahay at magpaalam kay Papa
Pedicab ang aking unang sinasakyan
Paakyat sa tuktok ng aming malubak na kalsadahan
Doon nag-aabang kapwa ko mga pasaherong nag-uunahan
Kay Manong Ikot kahit na siya’y wala namang laman
Pagdating sa babaan ay lalakad nang dali-dali
Hanggang masilayan ang aming matayog na paaralang tila bumabati
Papasok sa loob at ngingiti sa mga aligagang kawani
Sa aming silid, susubukang umidlip kahit na kaunti
Biglang mapuputol ang himbing dahil mag-uumpisa na
Ang seremonya naming kay tagal nang ginagawa
Ito ang nagsisilbing hudyat ng panibagong simula
Para sa bawat mag-aaral, guro, at iba pa na matuto’t magkasama
Halos walong oras ang ginugugol namin sa pag-aaral araw-araw
Pagkatapos nito, kanya-kanyang hanap na ng pantawid-gutom at uhaw
Ang ilan sa amin ay pupunta sa kantina upang bumili ng matamis na palitaw
Habang ang iba naman ay sa mga tindahan sa labas nakadungaw
Pagkakuha ng mga binili ay pipili na kami ng tambayan
Minsan sa payapang pasilyo, madalas sa batong upuan
Magtutugtugan, magkukuwentuhan, at mag-iiyakan
Hanggang sa dumilim na ang kalangitan at ‘saka mag-uwian
Ngunit hindi ko inaakalang iyon na pala ang huli
Kung alam ko lang sana’y pinahaba ko pa ang gabi
Upang makasama ang lahat sa huling mga sandali
Kailan kaya magkikita ang bawat isa sa atin muli?
Literary: Tambayan
4/28/2021 06:49:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:49:00 PM Media Center 0 Comments
Tambayan;
Lugar na laging pinagpapasyalan.
Lugar na laging pinupuntuhan
Doon nagkakainan
At malimit na nagkakatuwaan.
Hindi rin malilimutan,
Ang masayang jamming at kantahan
Na nag-iiwan ng ngiti
Na mababakas sa kanilang mga mukha.
Lugar kung saan na nag-uumapaw ang kasiyahan
Ng mga magkakaibigan.
Dito nagkukwentuhan
Na madalas ay puno ng asaran.
Balot ng maraming alaala
Na maaaring baunin hanggang sa pagtanda
Hindi kailanman malilimutan
Ang sobrang pagsasamahan.
Kung papapiliin man ako
Sa lugar na nais kong puntahan,
Sigurado’y babalik at babalik ako,
Rito, ang ating tambayan.
Literary: My Sweet Retreat
4/28/2021 06:46:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:46:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Para Sa Aking Nakaraan
4/28/2021 06:41:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:41:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: From You, From Space
4/28/2021 06:36:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:36:00 PM Media Center 0 Comments
From you,
From Space
April 25, 2021
We had always wanted to see outer space. Why? Our childhood was solitary, and so was the outside of planet Earth. We spent our younger years inside the K-2 library, as we never really made friends nor ever spoke a word to our classmates or anyone at all. And so, we were labeled a loner. No one dared to approach us. We didn't take it personally, though. Instead, we took it as a compliment, as we truly enjoyed being alone in the depths of row after row of bookshelves that we called our very own galaxy, with the books serving as the stars.
Our favorite book was the one named The Big Book of Space, containing 132 pages precisely, all about the beauty of the solar system. We read about constellations, that Halley’s Comet from 1986, space equipment, how gravity works, and space probes. Even the layers of our atmosphere and what elements it contained, which would later be useful in our higher-grade-level studies. Because of these wonders, we dreamed of becoming an astronaut—wanting to see, not just read about outer space.
And of course, this was along with wanting to look at one of the most gorgeous and breathtaking formations of gas residing millions of lightyears away—the nebula, which we later discovered cannot be seen by the naked human eye.
Moving on from that disappointment, we took the nebula as an inspiration to start drawing and painting. Our very first piece was a poorly watercoloured nebula. Despite it being crappily drawn, we were finally able to express ourselves. It may not have been with words, but drawing later opened many opportunities and experiences in our lives. The first and most memorable one was when someone decided to join us—our first friend.
They found us humorous when we decided to duck under the bulletin board of the K-2 hallways during an earthquake drill. They then attempted to become our friend by borrowing glue for an activity conducted by our teacher. And when we sat alone on the bus during the K-2 school field trip, they asked if they could sit with us, which we gladly allowed. Though, we didn't know that they wanted to be our friend—with every interaction, we only nodded, no words were spoken, and it wasn't until they asked to be, a year later when we answered with another nod, that we found out.
Eventually, we learned that they, too, enjoyed drawing, making our friendship more exciting. This common interest later became our main bonding activity. Since then, our life expanded and revolved not only around the K-2 library, but even around other beautiful planets like the multi-purpose hall where we ate lunch with our first friend, the new building's corridors where we cried and had someone to pat us back to comfort us, and Aling Norm's old selling spot in UPHS Katipunan where our first friend simply talked and told stories—unknowingly helping us form and speak words out loud. And now, instead of becoming dizzy when a stranger walks our way, or becoming a stuttering mess and just nodding when someone speaks to us, we finally have enough courage to approach and socialize with other individuals. We’ve even expanded our circle with supportive people who are genuinely ecstatic to see our drawings. All of these made us who we currently are: an artistic yet introverted and socially anxious individual.
Which makes me wonder: if given another chance, past self, what would you have done differently? Would you still have painted that piece?
Personally, I like where I am right now. Sometimes I do wish that I could interact with others easily, though I've embraced moving at our own pace.
Past self, I wish you well. Do keep in mind that things won't always turn out the way we expect, as the world works in unpredictable ways. I mean, who knew you'd turn out becoming artistic? That you'd eventually make cherished friends? That you'd finally have the courage to speak even a few words out loud? And that from becoming an unseen nebula, you'd become a brilliant supernova?
You hid in the corners of the kindergarten library, where no one ever found you despite being surrounded by glowing stars. So, keep reading, Nebula, and eventually, you'll find yourself. And when the time comes, Supernova, other stars will find you and shine with your glow.
Millions and millions of lightyears away resides an apprehensive, somehow sociable, and improving form of a human body yet to be known.
— the future you
Literary: Part of the Climb
4/28/2021 06:33:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:33:00 PM Media Center 0 Comments
Tick tock tick tock
There goes the wonderful clock
Counting down how long ago
Since my thoughts left to walk
From Manila to Cebu
Maybe even to Peru
Wherever my thoughts go
They always end up on you
But the time wasn’t right
Maybe just not quite
But for now I leave those thoughts
And knock out for the night
But even as I enter a new day
From my eyes I rub the sleep away
I think of the time I admitted to you
How with your feelings I would not play
But mysterious are the ways the world works
And oh boy is it full of jerks
Who took away the only one
Who could handle all my quirks
But again maybe it wasn’t the time
Despite how everything was sublime
We’ll see clearly soon enough
Maybe with the help of a signal chime
That whatever love we left behind
The one that had our hearts intertwined
Is one that is young and shallow
Just waiting to be redefined
The past is only a part of the climb
To our great future not together
Towards things that’ll last a lifetime
But thank you my past lover
Our memories I will treasure
You’ve taught me that maybe
It’s not so bad to trust one another
Literary: The Familiar Stranger
4/28/2021 06:30:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:30:00 PM Media Center 0 Comments
have we met before?
for your eyes twinkle
a gentle shine i adore
your smile so bright,
a gentle light to my darkest lores
and your voice so heavenly,
a gentle call i can’t ignore
i want to hold your hand,
to not let go anymore
would your hand feel the same
as theirs did before?
a familiar feeling
that once led my heart to war
though now there’s nothing left
but a lovely battle scar
a great love that's been lost
no longer makes my heart sore
yet i find my thoughts drifting
back to them once more
from seeing you, stranger,
someone i thought i knew before—
wait, stranger
don’t leave, stranger
stay a while longer,
and we can talk some more
‘til our stories get worn
i can't say i know you well,
but we’ll be up ‘til dawn
learning each other’s folklores and myths
until all is said and done
you’ll say something i won't catch,
i’ll sit and stare as you ramble on
i’ll look into your eyes,
to your soul, i’d feel drawn
and just like that,
i’d feel all my worries have gone
forgive me for my daydream—
a while has passed, i’m sure
since i last saw a stranger
who shared the same soul
as the one whom i wished
had stayed for evermore
after all the dances,
their two left feet i so adored
after watching the starry skies—
even then, they shone more
being with them sent me to heaven,
the greatest blessing i could ask for
but they had to let go
and we turned into strangers,
nothing left of our adventures
so it makes me wonder
will this end up
like how it did before?
or will this be different?
is this worth fighting for?
they gave me a warmth
that made my heart leap and soar
while you give me a warmth
that comforts, embraces
a warmth i know is pure
and now i am sure of
the hope that's grown
from meeting you, stranger,
a familiar figure
who feels like home
i promise you stranger,
if you drift away like the one before
i will keep searching for you
from dusk ‘til dawn
from spring ‘til fall
and one day i hope
i find my way back
to the familiar figure
who feels like home
but do tell me this, stranger,
for i fear the unknown:
why does my heart ache and long
for things i have never known?
Literary: Sana
4/28/2021 06:27:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:27:00 PM Media Center 0 Comments
Kung maibabalik ko lang
Mga oras na nasayang
Mas marami pa sana akong nagawa
Kung maibabalik ko lang
Mga panahong malaya pa
Sa mas malayo pa sana ako pumunta
Kung maibabalik ko lang
Mga minutong kasama sila
Mga halakhak nila’y mas pinakinggan ko sana
Kung maibabalik ko lang
Mga pagkakataong lumipas
May magagawa pa kaya akong iba?
Kung maibabalik ko lang
Mga segundong lumipas
Ngunit hindi ko na maibabalik pa
Literary: As If We Never Met
4/28/2021 06:22:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:22:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Kung.
4/28/2021 06:19:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:19:00 PM Media Center 0 Comments
Kung nasa palad ko lang
Ang mga numero sa orasan,
Dadagdagan ko
Ang mga minuto
Nang ang pagod mo’y mabawasan.
Kung nasa palad ko lang
Ang lahat ng kalungkutan,
Dudurugin ko ito
At itatago mula sa iyo
Nang ‘di mo na muling maranasan.
Kung nasa palad ko lang
Ang mga bituin sa kalawakan,
Ireregalo ko
Ang mga ito sa iyo
Nang ang ngiti mo’y muling masilayan.
At kung nasa palad ko lang
Ang distansya sa’ting pagitan,
Buburahin ko ito
Nang masabi ko na sa’yo
Ang dalawang salitang sa’yo lamang nakalaan.
Ngunit wala sa palad ko
Ang ating kapalaran.
At alam kong sa dulo
Ng ating kwento
Walang maligayang katapusan.
At wala sa palad ko
Ang kinabukasan.
Hindi ko mababago
Ang kalagayan ng mundo
At ang distansya sa’ting pagitan.
Ngunit kung nasa sa palad ko lang
Ang kasalukuyan,
Babaliktarin ko
Ang ikot ng mundo
At ang hulma ng kasaysayan.
Dahil kung nasa palad ko lang
Ang nakaraan,
Babawiin ko
Ang bawat segundo
Na hindi ko na mababalikan.
At kung nasa palad ko lang
Ang kamay ng orasan,
Uulit-ulitin ko
Ang huling mga minuto
Bago kita hinayaang lumisan.
Literary: high tide
4/28/2021 06:14:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:14:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Mother's Love
4/28/2021 06:09:00 PM
Media Center
1 Comments
4/28/2021 06:09:00 PM Media Center 1 Comments
Literary: Isang Daang Salita ng Kahapon
4/28/2021 06:06:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:06:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Rain Karne Nation
4/28/2021 06:03:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:03:00 PM Media Center 0 Comments
Nasa punto na ako ng buhay ko
Kung saan napapaisip kung bakit nga ba ako nasa mundong ito.
Habang papunta sa aking destinasyon,
ano nga ba ang aking naging kahapon?
Ako ba’y dating prinsipe sa isang kaharian?
Marangya ang pamumuhay at laging pinagsisilbihan.
Maaring ako’y naging isang matsing
dahil pareho naman ang aming tunog sa tuwing ako’y humahatsing.
Matching!
Dati ba akong surot na kasinlaki ng kulangot?
Sumisiksik sa bawat kulubot
Sumisipsip ng dugo kapag nababagot.
Maaaring ako ay dating ampalaya.
Laging nilalait, dahil ako raw ay pangit,
Kulubot na nga, ang lasa pa’y mapait.
Awit!
Sa susunod kong buhay, gusto ko na lamang maging isang artista tulad ni Liza!
Gusto kong maging isang morena na malaki ang kinikita
Sinusundan ng kamera kahit saan makita
O kaya naman ay puting rosas;
May amoy na humahalimuyak.
Kaya lang, nalalanta sa hindi inaasahang oras.
Dumating na ako sa aking destinasyon,
Sa lupa, ako ay ibabaon.
Dumilim na ang paligid, binalikan ang aking nakaraang panahon-
Bakit ko ba naitanong kung ano ako noon
Kung sa susunod na mangyayari’y wala naman itong koneksyon.
Bakit nga ba ako nabuhay sa mundong ito?
Isang katanungan na hindi pa nasasagot sa loob ng ilang daang siglo.
Literary: No Stalgia
4/28/2021 06:00:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 06:00:00 PM Media Center 0 Comments
I don’t want to go back in time,
but nostalgia is a time machine
Listening to music
takes me back to when I was thirteen
“Closer” by The Chainsmokers
reminds me of 2016,
of 7th grade when I tried to open up,
when I let myself be seen
It didn’t last long;
I was a dandelion flower blooming
just to end up as a seed being blown away
I knew I should have kept trying
“Dancing Queen” by ABBA
reminds me of a wasted year of being seventeen.
Pre-quarantine, I should’ve been young and sweet,
but now, time has passed and I’m eighteen
In the past, we always think,
“Things can never get worse than this.”
We wasted time overthinking
now all we can do is reminisce
I don’t like regrets,
and I’d rather not feel,
but certain items keep nudging me,
saying, “Remember those aspirations that could’ve been real?”
My Converse backpack
stuck with me even when it got a hole or two,
reminds me of when I was too scared to change,
to let people see what they weren’t used to
They say being scared is a good thing
for it shows that you care
But I cared too much, I was too scared
fearing change didn’t get me anywhere
The clicking of my keyboard
takes me back to when I was passionate to write,
when I was full of motivation and purpose
now, I’m writing a poem that is due tonight
This poem could’ve been better,
I could’ve socialized more;
I could’ve gone into the room of opportunities,
before time ran out, closing the door
I don’t want to keep on remembering,
I don’t want to change anything;
I don’t want to be haunted by memories,
I’d rather let them go than let them cling
I want to stop feeling,
want to forget what could’ve been;
I want to live in the moment,
want to keep looking forward
Ditch the time machine
We think time is too slow
until it has already passed
Nostalgia is just here to laugh at me,
reminding me that nothing really lasts
I’m not going back in time,
I’d rather go ask for more—
More time to let the seeds grow,
more time on the dance floor
‘Cause if I’d end up regretting anyway,
why not just do whatever?
If I end up wondering what could’ve been again,
why not live life and see if it can get better?
Nostalgia as a time machine is not the way to go
since regrets are all it can give
I’ll acknowledge my mistakes, I’ll learn from them
Literary: Maikling pasabi para sa mga nagkamali
4/28/2021 05:55:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 05:55:00 PM Media Center 0 Comments
Literary: Retrospection
4/28/2021 05:50:00 PM
Media Center
0 Comments
4/28/2021 05:50:00 PM Media Center 0 Comments
Welcome
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
Featured Post
Blog Archive
-
▼
2021
(
183
)
-
▼
April
(
37
)
- Literary: Time Stays
- Literary: Sa Dalampasigan
- Literary: You Are Still Here
- Literary: Maalala mo kaya
- Literary: Kailan kaya muli
- Literary: Tambayan
- Literary: My Sweet Retreat
- Literary: Para Sa Aking Nakaraan
- Literary: From You, From Space
- Literary: Part of the Climb
- Literary: The Familiar Stranger
- Literary: Sana
- Literary: As If We Never Met
- Literary: Kung.
- Literary: high tide
- Literary: Mother's Love
- Literary: Isang Daang Salita ng Kahapon
- Literary: Rain Karne Nation
- Literary: No Stalgia
- Literary: Maikling pasabi para sa mga nagkamali
- Literary: Retrospection
- Literary: Lakbay-oras
- Literary: SEESAW
- Literary: Algae
- Literary: A Short Trip
- Literary: Walang Preno
- Literary: Ligaw
- Literary: Nais na Muling Mabuhay
- Literary: Her Again
- Literary: Disney
- Literary: Lullabies
- Literary: yonder
- Literary: New Normal?
- Literary: Biyernes
- Literary: Yesterday
- The Replay
- Press Rewind
-
▼
April
(
37
)
0 comments: