roel ramolete,
Sports: UPIS JFMBT, kinapos sa unang laro kontra DLSZ
Naging mahirap sa UPIS Junior Fighting Maroons Basketball Team (JFMBT) na matalo ang De La Salle Zobel (DLSZ) sa unang laro nila sa UAAP Season 82 sa Paco Arena noong Nobyembre 13.
Nagpalitang ng puntos ang dalawang koponan hanggang sa kalagitnaan ng unang kwarter. Unti-unting umabante ang DLSZ mula sa 15-10 na score hanggang umabot na ito sa 26-10 sa huling dalawang minuto. Sa kulang-kulang dalawang minuto, nakakuha ng apat na puntos ang UPIS kumpara sa pitong puntos ng DLSZ. Sa pagtunog ng buzzer, natapos ang unang kuwarter sa score na 33-14.
Nagsimula ang ikalawang kwarter sa isa na namang run ng DLSZ na nagpalobo ng lamang nila sa UPIS sa score na 39-14 sa ikawalong minuto ng 2nd kwarter. Sinagot ito ng panandaliang run ng UPIS sa huling limang minuto kung saan nakakuha sila ng 11 na sunod-sunod na puntos. Ngunit paglapit ng huling dalawang minuto ng laro, nagpalitan na lamang ang pagpuntos ng dalawang koponan, at natapos ang unang half ng laro sa score na 50-36 na abante ang DLSZ.
Nagpatuloy ang bakbakan sa ikatlong kwarter kung saan muling nagpalitan ng puntos ang dalawang team hanggang sa dulo ng kwarter. Nagkaroon muli ng panandaliang run ang DLSZ at UPIS at natapos ang ikatlong kwarter sa score na 68-60 na lamang pa rin ang DLSZ.
Sa huling kwarter ng laro ay hindi na nakalapit ang UPIS sa DLSZ at tumaas ang agwat ng dalawang koponan sa 13 puntos. Tinangka ng UPIS na makabalik sa laro pero sa bawat puntos ng UPIS ay nakakasagot rin ng puntos ang DLSZ. Kaya sa huli ay natalo ang UPIS laban sa DLSZ sa score ng 84-72.
Ang susunod na laro ay gaganapin sa Nobyembre 16 sa naturang arena. Ang magiging kalaban ng UPIS ay ang Adamson University (ADU). //ni Roel Ramolete
0 comments: