filipino,

Literary: Sandali

11/30/2019 08:14:00 PM Media Center 0 Comments




Sandali at hindi pa handa si Maria
Na iwanan ang mukha ng kaniyang mga kaklase
Nais pa niyang dagdagan ang mga panahong
Mga ka-batch niya ay makasama

Sandali at kulang pa ang mga klase
Na bagaman tinutulugan lang ni Dante
Inaabangan naman ni Petra
Dahil nakikita niyang ito’y kawili-wili

Sapagkat dito’y palagi silang natututo
Mga kaklase ay nakikilala pa nila nang husto
Katulad na lang si Gregorio na nagtatala ng aralin
Habang si Manuel ay sinasabihan ka lang ng, “Inaantok na ako.”

Si Constantino nama’y kukulitin ka sa pagtanong kung anong oras na
Sasabihing nababagot na at uwing-uwi na siya
Dahil hindi pa siya mulat at wala siyang ideya
Na dapat ang oras sa paaralan ay pahalagahan pala

Iilan lamang ito sa mga maaaring maranasan
Sa pagpasok, araw-araw sa kanilang paaralan
Ikatuwa man nila o kainisan ang kanilang mga gawain
Darating ang oras na kailangan na nilang lumisan

Kaya’t sana’y ang nalalabing oras nila dito sa gusali
Magdulot ng mas maraming ngiti
Dahil ang mga sandaling natitira para sa kanila
Maaaring hindi na nila mabalikang muli

You Might Also Like

0 comments: