astraea,
Magandang maging maganda
sa lipunang bukas
ang mga mata
sa pagtingun sa
panlabas na anyo
ngunit hindi naman
mulat sa
pag-unawa ng kalooban.
Magandang maging maganda.
Sino ba naman kasing hindi magnanais
hangaan at kagiliwan?
Kung ikaw ay maganda,
hindi mo na kailangang
mamroblema pa.
Kaunting pakiusap lang,
hiling mo'y sasagutin agad
ng taong nabihag
ng 'yong kariktan.
Magandang maging maganda.
'Di ka na mahihirapan
'pagkat ikaw na ang lalapitan
ng dagat
ng mga taong
Handang sagupain
ang alon
malapitan ka lamang.
Magandang maging maganda
hanggang sa
Mapaso ka sa tilamsik ng
mga tingin, salita at hiling
na pinaningas
ng inggit.
Dahil sa iyong ganda
maraming naaakit, lumalapit;
kumakapit
sa pag-asang
sila'y 'yong mapapansin
kung ika'y kanilang
kaibiganin.
Mapapalapit
ka sa kanila.
Mapapalapit
ka nang hindi mo alam
ang tunay nilang pakay.
Mapapalapit
hanggang sa
makapante na ang iyong loob.
Mapapalapit
hanggang sa
mapalayo.
Mapapalayo
ng pagpapahayag nila
ng kanilang damdamin.
Lalayo
sila dahil sa
sakit
mula sa iyong pagtanggi;
habang ikaw naman ay
masasaktan
dahil sa kanilang
paglayo.
Ika'y mapapaisip kung
ang pagmamalasakit
na kanilang pinaramdam
ay tunay nga ba talaga
o tangka lang
upang mahulog sa kanila
ang 'yong damdamin.
Sa kanilang paglisan,
binunot nila ang
dating itinanim na
mga pagsasama
mula sa'yong puso
hanggang sa ito'y
dumugo.
Ipamumukha nilang
hindi mo kailangang mag-alala
'pagkat marami ka naman daw
kaibigan.
Ngunit ang hindi nila maintindihan
ay ikaw rin ay nasasaktan.
Tulad ng bulaklak
kukupas din
ang hiwaga ng iyong kagandahan.
Hindi na ito tatalab
upang mabawi pa
ang natatangi
niyong pagsasamahan
na dali-dali lang nawala.
Sa ganitong mga pagkakataon,
maganda pa nga ba maging maganda?
Literary: Hinagpis ng Magaganda
Magandang maging maganda
sa lipunang bukas
ang mga mata
sa pagtingun sa
panlabas na anyo
ngunit hindi naman
mulat sa
pag-unawa ng kalooban.
Magandang maging maganda.
Sino ba naman kasing hindi magnanais
hangaan at kagiliwan?
Kung ikaw ay maganda,
hindi mo na kailangang
mamroblema pa.
Kaunting pakiusap lang,
hiling mo'y sasagutin agad
ng taong nabihag
ng 'yong kariktan.
Magandang maging maganda.
'Di ka na mahihirapan
'pagkat ikaw na ang lalapitan
ng dagat
ng mga taong
Handang sagupain
ang alon
malapitan ka lamang.
Magandang maging maganda
hanggang sa
Mapaso ka sa tilamsik ng
mga tingin, salita at hiling
na pinaningas
ng inggit.
Dahil sa iyong ganda
maraming naaakit, lumalapit;
kumakapit
sa pag-asang
sila'y 'yong mapapansin
kung ika'y kanilang
kaibiganin.
Mapapalapit
ka sa kanila.
Mapapalapit
ka nang hindi mo alam
ang tunay nilang pakay.
Mapapalapit
hanggang sa
makapante na ang iyong loob.
Mapapalapit
hanggang sa
mapalayo.
Mapapalayo
ng pagpapahayag nila
ng kanilang damdamin.
Lalayo
sila dahil sa
sakit
mula sa iyong pagtanggi;
habang ikaw naman ay
masasaktan
dahil sa kanilang
paglayo.
Ika'y mapapaisip kung
ang pagmamalasakit
na kanilang pinaramdam
ay tunay nga ba talaga
o tangka lang
upang mahulog sa kanila
ang 'yong damdamin.
Sa kanilang paglisan,
binunot nila ang
dating itinanim na
mga pagsasama
mula sa'yong puso
hanggang sa ito'y
dumugo.
Ipamumukha nilang
hindi mo kailangang mag-alala
'pagkat marami ka naman daw
kaibigan.
Ngunit ang hindi nila maintindihan
ay ikaw rin ay nasasaktan.
Tulad ng bulaklak
kukupas din
ang hiwaga ng iyong kagandahan.
Hindi na ito tatalab
upang mabawi pa
ang natatangi
niyong pagsasamahan
na dali-dali lang nawala.
Sa ganitong mga pagkakataon,
maganda pa nga ba maging maganda?
0 comments: