filipino,

Literary (Submission): Hangganan

11/23/2019 08:11:00 PM Media Center 0 Comments




Torpe ka lang naman diba
Kaya ka nahihirapan sabihin sa kanya
Na nagugustuhan mo siya dahil sa personalidad niya
Dahil ang bait-bait at ang ganda-ganda pa niya

Sinabi na sa iyo ng kaibigan mo
Na ‘wag kang matakot kasi wala ka namang ikatatakot kapag umamin ka sa kanya
Pero sabi mo na nahihirapan ka kasi ayaw mong masaktan ng taong ‘to
Pero hindi ba mas masasaktan ka kung hindi mo aaminin ang totoo?

Tinanong mo na ang mga kaibigan ng taong nagugustuhan mo kung ano ang ugali ng taong ‘to
Pero hindi ka pa rin naniniwala sa mga sinasabi nila
Sabi mo na hindi ka pa handa dahil hindi mo pa siya gaanong kilala
Ngunit alam mo naman na nahulog ka na para sa taong ‘to

Lahat na ng taong kakilala mo at kakilala ng nagugustuhan mo
Sinabi ang totoo sa’yo na maganda ang personalidad ng taong ‘to
Kaya ikaw na lang ang hinihintay ng mundo
Aamin ka ba o hahayaan mo lang na maging hangganan mo ang pagiging torpe?

You Might Also Like

0 comments: