filipino,

Literary (Submission): Paalala lang naman

11/16/2019 08:03:00 PM Media Center 0 Comments




Sa panahon ngayon, mahirap maging mabait. Gagawa ka na lang nga ng mabuti, ikaw pa ang makukutya.

Magpapakain ka. “Cheap.”
Magvo-volunteer tumulong. “Bida-bida.”
Magsasabi ng totoo. “Mapanakit.”

Kung hindi ka naman kutyain, aba, 'yong iba, aabusuhin ka.

Manlibre ka isang beses, gagawin ka na nilang buhay na wallet.
Magbuhat ka minsan ng grupo sa presentasyon, magpapabuhat na lang talaga sila palagi.
Magpatawad ka, uulit-ulitin nila ang pananakit sa' yo.

Sa panahon ngayon, mahirap maging mabait.
Gayunpaman, maging mabait ka pa rin.

Bakit? Dahil lahat ng tao ay nangangailangan ng pagmamahal. Lahat tayo ay nangangailangan ng kaunting pagmamalasakit.

Hindi natin mababago ang pag-uugali ng ibang tao. Pero ang paguugali mo ay makokontrol mo. Hindi ka man nababahagian ng pagmamalasakit ng iba, ang magagawa mo lamang ay masigurong ikaw ay makapagbibigay nito sa iba.

Sa mundo ngayon na puno ng manggagamit at manhid, maging mapagbigay at mapagmahal. Bagama’t ang mundo ay malupit at mapanakit, manatiling marahan at magiliw. Mahirap manatiling mabuti ngunit sikapin na gawin ito.

Sa mundo ngayon na puno ng mga ganid at malulupit, ‘wag ka nang dumagdag . Ang laban kontra sa kasamaan ay magsisimula sa iyo.

You Might Also Like

0 comments: