4ever,

Literary: Pilipino

8/24/2019 08:03:00 PM Media Center 0 Comments




Filipino ang wikang pambansa
Simbolo ng ating kasarinlan
Buong pusong sinasalita
Saan mang sulok ng bansa

Ngunit minsan ay nakaliligtaan
Ang halaga ng sariling wika
Mga wikang banyaga’y lubos na tinatangkilik
Mas pinahahalagahan, mas minamahal

Hindi naman masama
Ang pag-aaral ng ibang wika
Lalo pa’t nakatutulong ito
Sa pag-unlad ng ating kaalaman 

Huwag lang sana nating kalimutan
Ang ating pinagmulan
Sariling wika’y ipagmalaki
Sariling wika’y pagyamanin

You Might Also Like

0 comments: