bituing pinapangarap,
Ilapat ang iyong palad
Sa lupang nasa ilalim ng iyong mga paa
Lupang ipinaglaban at patuloy na ipinaglalaban
Iyong pakiramdaman ang tunog ng lupa
Ito ang hymno ng Inang Bayan
Na siya ring bawat tibok ng iyong puso
Bakit?
Bakit ikakahiya ang sariling tunog at sariling wika?
Bakit itatatwa ang dugo na dumadaloy sa iyong mga ugat?
Humayo ka’t
Balutin ang sarili sa kulturang Pilipino
Kulturang iyong-iyo
Palayain ang iyong dila
na kinadena ng mga banyaga
at magsalita ng wikang nakatakda
Literary: Nakatakda

0 comments: