james tolosa,

Mga estudyante ng UP Diliman, buong-loob na nakibaka sa Walkout

8/28/2019 09:00:00 PM Media Center 0 Comments



PANININDIGAN. Magkakasama ang mga mag-aaral at guro nang matibay nilang kinakapit ang kanilang mga karatula. Photo credits: James Tolosa

Nagsama-sama ang mga estudyante at guro ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) bilang pagtutol sa militarisasyon ng kanilang paaralan sa UP Day of Walkout and Action noong Agosto 20.

Pinamunuan ni College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) SALiGAN Ivan Sucgang ang naturang walkout sa AS Lobby ng Palma Hall. Ipinaliwanag niya ang mga ipinaglalaban tulad na lamang ng pagpigil sa nais ng gobyerno na militarisasyon sa loob ng paaralan.

Nagbigay naman ng talumpati sina UPD Student Council Councilor Froilan Cariaga at CSSP Representative Joshua Dy tungkol sa pagbabanta sa kalayaang pang-akademiko ng mga state university. Tinalakay rin nila ang mga posibleng kinahinatnan ng pagpapatuloy ng batas-militar sa Mindanao at mga sinusulong ng Philippine National Police (PNP) na mandatory drug testing at Reserve Officers' Training Corps (ROTC).

Pagkatapos nito, nagmartsa ang mga estudyante at propesor mula AS Steps hanggang Mendiola. Sumama rin sila sa Day of the Mourning sa Liwasang Bonifacio noong ika-3 n.h. upang gunitain ang pagpatay sa mga magsasaka sa Negros noong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Sucgang, “The system-wide walkout is a clear manifestation of student, faculty, staff, and alumni unity in dissent and opposition towards increasing threats and attacks by the state to critical minded individuals, organizations, and institutions.” Dinagdag din ng mga mag-aaral mula sa CSSP na hindi sila “bine-brainwash” ng New People’s Army (NPA), kundi ginagamit lamang ang kanilang kritikal na pag-iisip.

Bukod dito, iginiit nila na ang pagpasok ng militar at pulis sa campus ay maaaring magdulot ng banta sa mga estudyante.

Dumagdag din sa mga bantang ito ang mula sa batas na ipinasa noong panahon ng paghihimagsik ng mga Hukbalahap. Ayon dito, ang sinumang magsagawa ng mga rebelyon at pagreklamo sa gobyerno ay maaaring ikulong. Naibasura na ito noong napatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos ngunit nais muling ibalik ang ng kasalukuyang administrasyon.

Kamakaila’y nagpahayag ng kasunduan si kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga estudyante-ralyista ukol sa pagsusog ng Security Act sa kasalukuyang Saligang-Batas, at kabilang din dito na maaaring makulong ang isang tao ng sampung araw hanggang isang buwan kahit walang warrant of arrest. Aniya, kung papayag sila sa mga pagbabago, ipawawalang-bisa ang batas militar sa Mindanao. Bilang kapalit, ipatutupad ang ROTC sa senior high school.

Bilang pangontra, ipinaliwanag ng mga mag-aaral na lumahok sa rally na ang ROTC ay hindi dapat bilang depensa sa mga maralita kundi sa mga “kaaway” ng bansa. Higit pa rito, ang pagkawala ng warrant of arrest ay pagpapatuloy lamang ng “ipawawalang-bisang” batas militar.

Kabilang din sa mga ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang budget cut sa edukasyon at pabahay. Sa halip na pakinabangan ng mga mamamayan ay binibigay lamang ang pera sa mga militar.

Nagkaroon din ng kasabay na mga walkout at protesta sa iba’t ibang constituent universities tulad ng UP Baguio, UP Cebu, at UP Los Baños. //nina Mariel Diesta at James Tolosa

You Might Also Like

0 comments: