edgewright,

Literary: Panunumpa Ko

8/24/2019 08:44:00 PM Media Center 0 Comments




“Ako ay Pilipino”
Ipinanganak at pinalaki sa Pilipinas, at kahit ako’y mapunta sa ibang bansa
o kahit saan man ako mapunta, ito’y nasa aking isip at puso.

“Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas,
at sa bansang kaniyang sinasagisag”
Madalas nating sabihin, pero kadalasa’y hindi natin naisasabuhay at naisasapuso,
Maging ang ating pinuno mismo ay dayuhang bansa ang ipinaglalaban
Dayuhang bansa kung saan siya’y tapat, dayuhang bansa na sa atin ay maaring bumihag

“Na may dangal, katarungan at kalayaan”
Tatlong bagay na sa panahon ngayon ay naipagkakait at unti-unting nawawala
Nawa’y tayo ay kumilos, manindigan at patuloy na lumaban

“Na ipinapakilos ng sambayanang Maka-Diyos…”
Magkakaiba man ang ating paniniwala
Huwag mawalan ng pag-asa, tayo’y magkaisa at tanggalin ang mga gapos

“Makakalikasan, Makatao at Makabansa ”
Tatlong bagay na hindi na rin nabibigyang halaga sa kasalukuyan,
ating patuloy na isabuhay at ipaglaban
At higit sa lahat, huwag natin hayaan na tuluyang mawala

You Might Also Like

0 comments: