aldric de ocampo,
Ito na naman tayo sa isang paksang madalas kinagagalitan, kinatatakutan, pinagdududahan, o kaya nama'y iniiwasan ng karamihan sa ating mga Pilipino. Ang tinutukoy ko ay ang paksa ng aktibismo.
Ito ang tatalakayin ko sapagkat nagkaroon ng isang system-wide walkout ang University of the Philippines (UP) noong Agosto 20, 2019 para ipagtanggol ang academic freedom nito sa pamantasan mula sa militarisasyon ng mga pulis at sundalo na galing sa labas ng unibersidad.
Sa halip na gawing pokus ang ipinaglalaban ng mga nagprotesta sa walkout, ang magiging pokus nitong artikulo ay ang kilos ng pagpoprotesta mismo. Sa kasalukuyang panahon, hindi na dapat maging debate ang mga batayang karapatang pantao. Lahat naman kasi tayo siguro ay hindi nais ang makulong nang dahil lang sa may sinabi tayong hindi gusto ng iba. Ang mas makabuluhan na maaaring talakayin ngayon ay ang kritisismo sa kaangkopan ng aktibismo sa loob ng UP.
Bago ang lahat, ano ba ang aktibismo?
Ayon kay Brian Martin sa kanyang artikulo na "Activism, social and political," wala itong isang tiyak na depinisyon. Malawak ang sakop nito kaya pwedeng iba-iba ang ideya ng mga tao tungkol sa bumubuo sa aktibismo. Maaaring maipakita ang aktibismo sa malawakang pakikibaka ng mga mamamayan at pagmamartsa sa kalsada, pero maaari ring maipakita ang aktibismo sa pagtanggi ng isang estudyante sa unipormeng pinipilit ipasuot sa kanila ng paaralan.
Ang mahalagang salitang maiuugat sa konsepto ng aktibismo ay ang salitang "aksyon." Sa kahit anong anyo ng aktibismo, lagi't laging makikita ang pagkilos ng mga tao, sa pamamagitan ng isang aksyon man o reaksyon, sa isang pangyayari sa lipunan. Maaaring nakikibaka ang mga mamamayan para hamunin ang isang polisiyang hindi sila sang-ayon, o maaari ring pinapapurihan nila ang gusto nilang batas. Kahit ang pagpaparaya ay isang uri ng aksyon, dahil hinahayaan nila ang ibang mga tao na kumilos para sa kanila, at nagdudulot naman ito ng pagpapanatili sa status quo.
Sa ganitong pagtingin sa aktibismo, makikitang natural lamang na magkaroon ng ganito sa mga bansa. Mayroon kasing mahalagang papel ang aktibismo sa sistema ng lipunan kahit hindi ito isa sa mga kumbensiyonal na pamamaraan sa politika. Hindi ito kumbensiyonal dahil lagpas pa ito sa arena ng nasabing istruktura. Dinadawit ng aktibismo ang iba pang mga sektor at institusyon ng lipunan para makibahagi ang mga ito at maging aktibo rin sa pagpapasiya ng magiging kalakaran sa pamamahala ng bansa.
Pero bakit ang sama ng tingin ng mga tao sa aktibismo, at kung hihigitan pa, sa UP? Ano ba ang kritisismo ng mga karaniwang mamamayang Pilipino rito?
Una sa lahat, sabi ng mga kritiko, sayang lang daw ang perang inilalaan ng bayan para sa mga iskolar ng UP. Kaysa sayangin ang kanilang oras sa pagmamartsa, bumalik na lang daw sila sa kanilang pag-aaral.
Ang tugon dito ay nag-aaral naman talaga ang mga iskolar ng bayan. Hindi naman nila inilalaan ang kanilang buong apat hanggang limang taong pananatili sa UP para lang mag-rally. Sadyang kaakibat talaga ng tinuturong pag-iisip sa UP ang aktibismo.
Malalim kasi ang pagkakaugat ng pananaw na "walang saysay ang inaaral sa klase kung hindi naman ito gagamitin sa tunay na buhay" sa tradisyon at kultura ng UP. Para magamit nila ang kanilang natutunan sa pamantasan, kinakailangan ang aktibong pakikilahok mula sa mga iskolar ng bayan. Para makapagdulot ng isang pagbabagong panlipunan, nauunawaan ng UP na kailangan nito ang aktibismo.
Para sa isang estudyante ng UP, isinasapuso niya ang bukal-sa-loob na responsibilidad niyang magbalik ng serbisyo sa bayan para ito ay umunlad. Pero para makamit ito, naiintindihan niya ring kailangan niyang kumilos, kahit hindi siya tuwirang dinidiktahan na kumilos siya.
Dahil sa ganitong pagkakasunud-sunod ng lohika at pagkakahubog ng mga kaisipan, mahirap talagang paghiwalayin ang UP at ang aktibismo. Sa sobrang tagal ng ganitong kultura sa unibersidad, nabansagan na itong "bastion of activism" at ang pinagmumulan na rin ng mga "tibak" noong dekada '60 hanggang dekada '70.
Ang ipinagmamalaking katangian ng UP, na sa kasamaang palad ay naipagyayabang na rin nito, ay ang pagkiling nitong maging progresibo. Hinahasa ng pamantasan ang pagkamulat ng mga estudyante sa mga isyu ng lipunan para mas lalo itong mapag-isipan nang malalim. Dahil sa ganito, laganap na talaga sa kultura ng UP na maging kritikal ang mga iskolar ng bayan. Isang halimbawa ng kung saan makikita ang paghubog ng ganitong pag-iisip sa mga estudyante ay ang mga General Education (GE) subjects ng unibersidad.
Kung tutuusin, ang makalumang pananaw rin sa pag-aaral talaga ang humahadlang sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga estudyante. Hindi pumapasok ang mga tao sa paaralan nang dahil lang sa diploma o kaya sa grado. Ang tao ay pumapasok sa paaralan para matuto. Kung ganito ang pananaw natin sa pag-aaral, magiging malinaw ang lohika ng UP kung bakit mahalaga ang aktibismo.
Sa katunayan, may mga unit naman din sa UP mismo na tutol na sa aktibismo. Kahit maiuugnay sa kritikal na pag-iisip ang pinatutungkulang depinisyon ng aktibismo rito sa artikulo, mayroon naman ding mga taong ayaw na talagang maugnay sa mga rally at protesta. Sa ganitong diwa, mahirap nang lahatin na ang mga taga-UP ay nakikibaka sa mga martsa at protesta para ipamalas ang aktibismo.
Liban dito, may karapatan naman din ang ibang mga taga-UP na magtipon-tipon para sa kanilang mga adhikain. Nakalagay sa Artikulo III Seksyon 4 ng Saligang Batas ng 1987 na may "freedom of expression and speech" at "right of the people peaceably to assemble" na hindi dapat hinahadlangan ng pamahalaan. Sa ganitong kondisyon, malaya dapat na mag-rally ang mga gustong mag-rally basta't payapa ito.
Ang isa pang akusasyon ng mga kritiko sa aktibismo ay bayaran lamang ang mga dumadalo rito. Maaaring itugon dito na wala naman talagang litaw na ebidensya ng ganitong pagkilos sa mga aktibista. Kung sakaling mayroon ngang bayaran, mahinang argumento pa rin ito dahil isa itong di-makatwiran na paglalahat. Ang nakararami pa rin ay dumadalo sa mga rally dahil sa kanilang mga ipinaglalabang pananaw. Bukod dito, nililinaw din mismo sa pamantasan na boluntaryo ang pagmamartsa, kaya hindi dapat ito napipilit sa mga estudyante.
Kaakibat din ng akusasyong ito ang argumento na "na-brainwash" lang ng grupong aktibista ang mga estudyante ng UP. Tulad ng nabanggit, boluntaryo ang pakikilahok sa mga rally at protesta kaya napapahalagahan naman ang kalayaan ng mga iskolar ng bayan sa kanilang mga paniniwala. Mayroon ding mga diskurso ang mga estudyante bago magsimula ang rally katulad na lang ng sa walkout noong Agosto 20, kaya nagkakaroon din ng lugar ang mga nagkakatunggali o di nagkakaintindihang mga opinyon sa aktibismo.
Mahalaga ring ipunto na ang mga kritiko ng aktibismo ay nagpapakita rin ng selective bias at false dichotomy sa kanilang mga akusasyon. Dinidirekta nila ang atake sa mga aktibista, ngunit hindi lang naman ang mga aktibista ang maaaring maging bayaran o na-brainwash.
Dagdag dito, depende sa pananaw ng isang tao ang maaaring masabing "na-brainwash" dahil nasa prinsipyo nakasalalay ang pagtingin sa isang mapang-aping ideolohiya. Maaaring sabihin ng mga kritiko na na-brainwash ng mga komunista at leftist groups ang mga estudyante, lalo na ang mga taga-UP. Ngunit pwede naman ding masabi na na-brainwash ng mga kapitalista at pamahalaan ang mga karaniwang mamamayang Pilipino.
Ang kabalintunaan nga'y komunista naman ang Tsina, na kinakaibigan ngayon ng kasalukuyang administrasyon. Sa ganitong pagtingin, nakapagdududa rin isipin kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan.
Ngunit sa kabuuan, ang gusto lang naman ng lahat ng Pilipino ay mabuhay nang mabuti, mapa-ganid man na tao o mapagbigay. At para makamit ito para sa pangmatagalang panahon, hindi maipagkakaila na kailangan ang pagbabago, na mangyayari lang kung may gagalaw sa atin sa lipunan.
Sa ganitong pagtingin, masasabing lahat naman tayo ay aktibista sa ating sari-sariling mga paraan, iskolar ng bayan man o hindi. Ito ang tunay na diwa ng aktibismo na nabanggit ni Marion Nicole A. Manalo na estudyante ng UP sa kanyang artikulo sa Inquirer noong 2011; na hindi lang ito limitado sa mga protesta at mga rally sa kalsada. Isang anyo lamang ng aktibismo ang mga demonstrasyon at walkout, ngunit labis pa rito ang tunay na halaga nito.
At kung natural na kabilang talaga ito sa buhay natin para sa serbisyo sa bayan, bakit natin ito kailangang pigilan? Bakit ba natin kailangang masamain ang mga bagay na nakabubuti naman talaga para sa atin? //ni Aldric de Ocampo
Opinion: Huwag Matakot sa Nakikibaka
Credits: Cyñl Tecson

0 comments: