filipino,
Isang araw
Napakaganda mo, Pilipinas
Napaliligiran ka ng mga kabundukan,
Punong nagsisitaasan,
Malilinaw na tubig-dagat
Isang araw
Napakayaman mong bansa
Pero puno ng magnanakaw ng iyong kagandahan
Puno ng mga sakim at makasariling nilalang
Puno ng mga taong pumapatay sa kalikasan
Palihim na ginagawa’t nagtatago sila sa iyong ganda
Isang araw
Paunti-unting nawala ang iyong kariktan.
Nauubos na ang mga kabundukan,
mga puno’y putol na.
Malinaw na dagat, napuno ng basura
Isang araw
Mga mangingisda mo’y ‘di na makapaglayag sa sariing dagat
Sa halip, mga banyagang barko
na pilit kang inaagaw sa mga Pilipino.
Itinatago’t pinagtatakpan pa sila ng gobyerno
Baka isang araw
Hindi ka na para sa mga Pilipino
Literary: Isang Araw

0 comments: