filipino,
Ang gubat na Kwel’tali
Probisyon at tahanan ang nais ibahagi
Sa taglay nitong kagandahan,
Kahit sino’y gugustuhing manatili
Sa higit pitong libong puno na bumubuo rito
Hindi na bago ang makaakit ito ng dayo
Bagaman ang Kwel’tali ay likas na mapagbigay
Ang mga dayuhan ay labis itong inaabuso
Lumipas ang anim na siglo
Ang mga dayuha’y hindi nakuntento
Pang-aabuso nila’y hindi tumigil
Patuloy nilang inaangkin ang mga puno
Ngunit wala masyadong ginagawa ang gubat na Kwel’tali
‘Pagkat umaasa itong uusbong ang mga bayani
Na papalisanin ang mga mapang-abusong dayuhan
Kahit na kaya naman talaga nitong protektahan ang sarili
Literary: Pitong Libo

0 comments: