filipino,

Literary: Ang Bantay ng Dagat

8/24/2019 08:47:00 PM Media Center 0 Comments




Parang umalingawngaw na kulog,
Na gumigising sa natutulog,
Ang tawag ng ating mga mangingisda,
Sino ang magtatanggol sa ating dagat na payapa?

Responsibilidad na mabigat,
Protektahan ang ating dagat!
Nandito na ang mga manloloob!
Pagtataboy, sino'ng maglalakas-loob?

Mahal na Inang Bayan, ‘wag kang kabahan,
Bantay ng Dagat, iyong maaasahan!
Naghahanda na ang Bantay ng Dagat,
Handang magbigay at tumanggap ng sugat.

Poprotektahan ang dagat, maging ang singil,
Pag-agos ng dugong walang tigil.
Dugo ng bayaning ‘di nababawasan,
Parang tubig ng dagat, walang katapusan!

Tuwing lilingon sa langit at mga alapaap,
Mga bayani ng nakaraan, muling sinusulyap.
Bantay ng Dagat, gaya ng bayani ng nakaraan,
Ang mga manlulupig ay handang harangan

Mahal na Inang Bayan, ‘wag kang kabahan,
Bantay ng Dagat, iyong maaasahan!
Naghahanda na ang Bantay ng Dagat,
Handang magbigay at tumanggap ng sugat.

You Might Also Like

0 comments: