filipino,
Literary (Submission): Media Center? Mahirap 'yon.
Gusto kong sabihin sa inyo, mahirap maging parte ng Media Center.
Hindi madaling magsulat ng mga literary na magpipiga sa utak mo hanggang madaling araw, o magsulat ng mga balita, feature, o opinion na kailangan mong i-edit agad dahil kailangan mong ipasa kinabukasan. Hindi madaling mag-isip at gumawa ng banner at teaser sa tuwing may pub kayo. Minsan pa’y mamadaliin mong gawin dahil late magpasa ng lits ang ibang writers niyo. At mas lalong 'di madali ang tanggapin ang mga salitang "NOT FOR PUB" ang nakatatak sa ideya o likha mo.
Mahirap. Minsan gusto mo na lang sumuko. Gusto mo na lang matapos na lahat.
Pero unti-unti, masasanay ka. At sa pagdaan ng maraming papel, marming bersyon ng iyong sulatin, may makapapansin na mas gumagaling ka. Mas nagiging mulat ka sa bawat isyu ng lipunan, sa nangyayari sa ating kapaligiran, at magkakaroon ka ng pakialam sa kaunlaran ng ating paaralan.
Pero sa totoo lang, hindi lang kamulatan at katalinuhan ang makukuha mo sa sa pagiging Media Center.
Sa loob kasi ng apat na sulok ng kwarto ng Media Center, hindi lang mga ideya, balita, sulatin, at research ang nabubuo. Hindi lang away, iyakan, at mga natutulog na estudyante ang nakita nito.
Nasubaybayan nito ang isa-isang pagkabuo ng mga pangarap, pagkakaibigan, at samahan ng bawat isang estudyanteng nanatili rito.
Darating sa punto na mas gugustuhin niyo na lang mag count off kasi kahit sino namang maging kagrupo niyo ay okay lang. Darating sa punto na kahit sino sa loob ng MC ay pwede niyo nang pagkwentuhan kasi alam mong tanggap ka nila.
Sa loob ng MC, magkakaroon ka ng pamilya.
At kapag dumating na ang araw na lilisanin na ang apat na sulok ng silid nito, babalik-balikan mo ang bawat alaalang nagawa mo rito. Mamimiss mo. Pero sa pagtatapos, bitbit ng bawat isa ang turo ng Media Center sa ating puso't-isipan.
Mahirap man ang trabaho ng Media Center, pero it's worth it.
0 comments: