filipino,

Literary (Submission): Simpleng Salamat

8/31/2019 09:25:00 PM Media Center 0 Comments




Sa mga gabi na hindi matahimik ang mga boses sa likod ng aking isipan, sa mga gabing hindi mapakali ang mga kamay kong nanginginig, sa mga gabing may mga luhang hindi magawang lisanin ang aking mga mata… sa mga gabing ito, wala akong malapitan. Walang iba kundi ang panulat kong tahimik na humihimlay sa aking lamesa, katabi ang aking mapagkakatiwalaang kuwaderno.

Ang mga gabing ito, hindi ko matatanggi, ay ang pinakamadidilim na gabi. Tila ako ay nasa kalagitnaan ng kawalan at hindi ko matiyempuhan ang mga ulap na kumukubli sa aking paningin. Tila ako’y lumulutang, nawawala, naghahanap pero hindi alam kung ano ba ang aking kailangan.

Pero nakaraos ako. Nakaraos ako, salamat sa aking panulat na ginawang sining ang mga salitang nagkabuhol-buhol sa aking utak, sa aking kuwaderno na ginawang makasaysayan ang mga hindi pinapansin, kahit ng aking sarili, na mga kaisipan.

At nakaraos ako dahil sa MC. Pinatibay niya ang aking loob noong nawalan ako ng tiwala sa sarili. Nagawa niya akong aluin sa mga gabing ako’y nangangamba. Noong nararamdaman ko ang kalumbayan na hindi ko matakas-takasan, naroon siya upang samahan ako’t ipadama na hindi naman ako nag-iisa.

Nakaraos ako dahil napadama ng MC sa akin na may halaga naman pala ang aking mga salita. May halaga ang aking mga nararamdaman. May halaga ako.

Kaya salamat, MC. Salamat talaga.

0 comments:

english,

Literary (Submission): For A Love That Stays

8/31/2019 09:21:00 PM Media Center 0 Comments




Like any other night before the deadline, I stare at a blank page. I type in a few words, but I still end up pressing the backspace button halfway through the whole thing. I have done this more times than I can count and it never gets easier.

During our years in MC, we wove stories mined from the depths of our hearts and revived from the back of our minds. And no matter how many stories we've told, there's always enough for another pub night.

We wrote of love, joy, pain, sadness, anger, and many other things that kept us up at night. But being the impressionable teens that we were and maybe still are, we wrote mostly about love.

Tonight, I write about a different kind of love.

The love for writing after graduation is a love that surprises you. It's not the kind of surprise that you secretly anticipate, that you know is waiting for you despite how elusive it tries to be. It's the kind of love that knows its place in your heart and so has no need for any flashy comebacks. It's the kind of love that sits comfortably in its little nook, waiting for you to call upon them. It surprises you because of how well it fits into everything despite how things have changed.

I admit that I have become rusty. Words don't come as easily as they used to. But they do come eventually! Bits and pieces from old articles and old lits come to mind and find their place in scripts and letters. Words like "rather" and "seemingly" and "plethora" are scattered around reflection papers and reports. And each time such words make an appearance, I am always amazed.

I once thought that I had to go on long voyages to find these words again, thinking that they were lost and no longer to be found. It's the same thing with my memories in Room 115. I wondered where they went and how I could even dare to forget the (almost) 24 hours and 7 days a week that I spent thinking about the magic made in that room and the people we made it with.

But as I meet friends I made in that very room after months since graduating from all that orderly chaos, I realized that some things are not meant to be found, simply because they were never lost. Memories and words come so easily when called upon and even as you write the most mundane of papers or the simplest of scripts, and as you see your writers and fellow editors in parties or along hallways, you remember the love that keeps them afloat.

And so, the love for writing never leaves because the memories and words always find ways to stay.

Thank you, MC, for a love that stays.

Love,
Ms. Takes

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): MC Ako Noon Eh

8/31/2019 09:18:00 PM Media Center 0 Comments




Bawat tama ng daliri sa teklado
Lubog sa mga sulatin at artikulo
Kahit ‘di nila alam ang aming pangalan
Kami ang nagsisilbing boses ng paaralan

Miss ko pa rin hanggang ngayon
Revise dito, revise doon
Pasa kay ME, LE, AE. EIC, LC
Basta ma-pub, alam kong ‘di na magsisisi

Kada artikulo, balita, opinyon, feature, sports o editorial
Kita sa bawat isa ang husay at dangal

Maraming kinuha, marami ring ibinigay
Salamat, MC, nagsilbi ka bilang gabay
Saan man ako mapadpad sa mundong ito
‘Di ko makalilimutang magsulat para sa’yo

0 comments:

english,

Literary (Submission): Backspace

8/31/2019 09:15:00 PM Media Center 0 Comments




Writing
dry heart the Bleeds
soul the Stirs
write we Because
love Of
pain Of
both of absence the of And

us. to matter that things of write We

memories of Even
happened never that those of And

us. to matter who those for write We

heart shaken, Soul
dry Bled
accomplished words the Have
not? could we What

write to learned having regret not do I
Except
wish— I

apart me tears still pain bittersweet the —And
late— too was I but learned, I Knowing

I should
Have been writing
To you

0 comments:

english,

Literary (Submission): UPIS Work Program (Decades Ago)

8/31/2019 09:10:00 PM Media Center 0 Comments




I remember being a features contributor for Ang Aninag back in 4th year high school, but I really cannot recall what I wrote about (it has been more than 3 decades). All I could remember was what I experienced during the writing process. I spent a lot of time behind the desk with a pen and paper thinking of what to write about. Since there were no computers at that time, we had to write our drafts on paper and type the final article using a manual typewriter. You could just imagine what we had to go through without computers wherein editing would mean typing an entire article all over again. Well, the advancement of technology has its pros and cons but of course, this is entirely a different topic to dwell on (perhaps someone from the current Media Center could write about this).

I had slight difficulty when our program adviser would ask me to submit an article in Filipino. Being blessed with a father who was fluent in Tagalog since he grew up in Bulacan, I would always consult him when I came across having to think of Tagalog words to use in an article. Come to think of it, being in this program widened my vocabulary both in English and in Filipino.

Another thing I remember was that during the process of thinking what to write (since thinking took up a lot of time), I have actually mastered the skill of twirling the pen around my fingers, which was a craze during that era. The pen used for twirling wasn’t an ordinary type of pen, it was a one-foot long pen which was a fad back then.
Before: ‘Simple joys, with simple toys’
Now: ‘No budget, no gadget’

As a features writer, one has to think of a topic that is relevant to the times as well as appropriate to the readers of the publication. It has to be strategically structured in such a way that would make the readers read all the way to the end. This is where the style and the creativity of the writers differ from one another and the experience in this program was sort of to kick-start the kind of a writer in us.

Our Work Program back then was the counterpart of the current Senior High School Academic Track program. As it aims to prepare the students for the courses they choose in college, the Work Program had 5 choices, one of which was the Media Center where I belong. Being in this program somehow honed my independence and strengthened the characteristics I needed to work with a team. Every member in a team is given an assignment which has to be accomplished within a given deadline and upon completion of this task, this then has to be shared with the entire team, just like a piece of a puzzle, in order to achieve a common goal. I hope that those who will go through the Academic Track program will see its importance and significance for their future.

The photo below shows the design my sister made for our shirt. I remember asking my big sister to design our shirt since she was at that time a student in fine arts. 

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Room 115

8/31/2019 09:07:00 PM Media Center 0 Comments




Sa pagpasok ng silid,
agad makikita
ang mga nakaayos na silya't lamesa,
malalaking aparador at mga kurtina,
pati naglalakihang pisara
na pag tiningnan ng sama-sama'y
mistulang maliit na opisina

Sa pagdating ng mga bata,
napuno ng ingay at tawa,
ang silid na dating kwarto lamang
Dito, sila'y laging matatagpuang
tumatapos ng mga gawaing
nakaatas sa kanila

Sa bawat
artikulong kanilang pinag-isipan,
proyektong pinaghirapan,
tulang isinulat,
at istoryang binigyang-buhay,
baon nila'y mga alaala
ng pagtawa't pagluha,
ng pagsisimula't pagpapaalam,
ng pagkakamali't pagtatama

Sa kanilang paglisan,
Pasasalamat ang kanilang alay
Sa lahat ng taong
minsan nilang nakasama't nakasalamuha
sa silid na iyon
na kanilang naging tahanan

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): D.I.Y Lit

8/31/2019 09:04:00 PM Media Center 0 Comments



Ano ang sawi lit mo?

Paboritong # sa Electric Fan…
● 1: Nagmahal, tuloy…
● 2: Tumaya kaso…
● 3: Nangako kaso…
● Aircon na lang: Umasa kaya…

Month of Birth
● January – March: nabigo.
● April – June: nasaktan.
● July – September: napagod.
● October – December: iniwan.

Zodiac Sign
● Aries, Taurus, Gemini, Cancer: Sana lang…
● Leo, Virgo, Libra, Scorpio: Bakit pa…
● Sagittarius, Capricorn, Aquarius, Pisces: Kahit pa…
I am a child of the…
● Moon: naghintay…
● Sun: nagpaliwanag…
● N/A (ang boring naman ☹): nagsabi…

Class Number
● 1 – 5: Magkalayo na ngayon.
● 6 – 10: Wala nang magagawa.
● 11 – 15: Malalim na ang sugat.
● 16 – 20: Hindi ka na makilala.
● 21 – 25: Hindi na maibabalik ang dati.
● 26 – 30: Nakalimutan na ang tayo.
● 31 – 35: Nakapili na ako.
● 36 – 40: Nakapili ka na.
● 41 – 45: Tapos na ang sa atin.
● 46 – 50? (ang dami niyo ha…): Ang dami ng pagkukulang.

TV Station
● ABS-CBN: Nasayang na ang lahat.
● GMA 7: Huli na ang lahat.
● TV 5: Patawad, sinta. (naks)
● Cable po (yaman): Paalam na.

0 comments:

english,

Literary (Submission): Come Back Home

8/31/2019 09:02:00 PM Media Center 0 Comments




Much to my dislike, I haven’t written anything in what feels like ages. I’m rusty and unsure if I still have the spark. Time hasn’t been nice to me when it comes to writing. I wish words would just flow right from my heart and into my fingertips again just like they used to. Maybe I’ve been too preoccupied and busy or maybe I just lack the inspiration I used to have back then.

When I was young, I never thought I would ever be able to write. I avoided it as much as possible. I tried my hand at it a few times in elementary school but I never seemed to be as good as the others were. It wasn’t until I gave it another go late in high school before I understood why.

Short stuff – I was better at writing short stuff. I wrote best when I put things in the simplest way for other people to understand. I found my niche early on as we took our classes and learned to write different things. I wrote and wrote and wrote (among various other things) for three years. I learned a lot about myself and others too during that time.

True, gone are the days of magic and love I’ve spent in this home, but one thing is for sure. The magic and love will stay and go on for an even longer time. Perhaps, I can relive it.

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Nagliligtas

8/31/2019 08:59:00 PM Media Center 0 Comments




*Hindi ito hango sa totoong pangyayari. Ginamit na batayan ang ilang paksang tinalakay sa klase ng Peryodismo, ngunit malaking bahagi ay mula sa likhang-isip ng may-akda.

Noong lumapit sa akin ang kaibigan ko upang mang-imbita sa pagsimula ng diyaryong pampaaralan, hindi ako gaanong nasabik. Sa lahat ng maaaring gawin upang mabigyang-buhay ang ordinaryo’t nakababagot nang gawain ng estudyante sa modernong taon ng 1973, ang pagsimula pa ng diyaryo ang kaniyang iminungkahing ideya? Sinabi ko pa ngang mayroon na dating mga school paper, ang UP Scroll at UP Highlight, na mukhang hindi naman gaanong itinangkilik ng mga estudyante. Sa kabila ng mga ito, tinuloy niya pa rin ang ideya, at sumama rin ako upang maging mabuti at matulunging kaibigan. Sabi rin ng aming guro na magiging maganda ang paglagay ng ganito sa aming mga résumé sa panahong maghahanap na kami ng trabaho. At iyon, nagsimula ang kwento.

Ang pangalan ng aming binuong diyaryo ay Ang Aninag. Nagsimula kami sa mga simpleng artikulo tungkol sa mga nangyayari sa loob ng kabuuan ng Unibersidad. Bawat linggo ay naglabas kami ng mga pisikal na kopya ng balita, at bawat linggo ay mayroong nagbabasa. Dumami nang dumami ang tumulong sa diyaryo hanggang sa nagkaroon din kami ng mga seksyon para sa Agham at Teknolohiya, Sining, at iba pa. Nakatutuwa ang tugon ng mga tao. Dumating din ang oras na may dumagdag na seksyong pampanitikan sa Ang Aninag.

Matapos ang ilang linggo lamang ng pagsulat sa Aninag, nahanap ko ang kasiyahan sa pagsulat sa diyaryo. Nagkaroon ako ng boses at mahalagang papel sa pagbahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng papel sa paaralan. Hindi ko namalayan ang tunay na epekto ng aming inililimbag hanggang dumating ang isang araw na mayroon akong nakitang dalawang freshman na nagtatalo sa harap ng silid-aklatan, kung saan nakapwesto ang mga diyaryo. Sa aking narinig, pinag-aawayan nila ang estado ng bansa at ang pamamalakad ni Pangulong Marcos. Bumigat ang aking loob. Alam ko ang kahalagahan ng aming isinusulat, ngunit ngayon ko lang nakita ang epekto ng mga ito sa estudyante. Pagkatapos noon ay nagkaroon ako ng bagong perspektibo at uminit lalo ang apoy sa aking dugo para sa pagsusulat. Nag-iba na ang dahilan ng pagsulat: hindi na lamang libangan, hindi na lamang pampalipas-oras. Mayroon akong boses at mahalagang papel.

Tinuloy namin ang pagsulat. Tumuloy ang pagdiskurso, ang paglimbag ng mahalaga sa mga estudyante, ang laban para sa kamalayan. Sa pagdaan ng mga taon, lalong naging mahalaga ang aming diyaryo. Lumaki nang lumaki ang populasyon ng mga estudyanteng nakikilahok at nagsusumite ng kanilang mga gawa, at unti-unting naging mas madali ang aming mga trabaho. Hindi ko masasabing hindi ko na-miss ang paghawak sa lahat ng aspeto ng diyaryo, ngunit, iyon ang kailangan upang makamit ang aming layuning mamulat ang mga mag-aaral.

Sa kabila ng bigat at kahalagahan ng aming ginagawa, hindi naman lahat noon ay seryoso. Tulad nga ng aking binanggit, nagkaroon ng iba’t ibang seksyon ng sulatin, at ang aking paborito ay ang seksyong pampanitikan. Ay, dito matatagpuan ang tunay na katuwaan at kagalakan ng kabataan. Mula sa mga loko-loko at matatapang na kwento tungkol sa nakakikilabot naming gurong hindi na gaanong pinilit pa ng manunulat na itago ang identidad, hanggang sa mga tula tungkol sa pagtakas ng tingin at ningning ng mga mata na ubod ng kilig, dito nailabas ng mga estudyante ang kanilang kinikimkim na personal na damdamin. Dito tumatakas ang mga tao sa tuwinang nagiging masyadong nakatatakot o mabigat ang mundo.

Ako’y isa sa mga taong iyon. Hindi alam ng mga mambabasa na ako ang nagsulat ng ilan sa mga tulang tinitilian nila, o kaya’y iniiyakan. Ako mismo’y isang dramatiko at romantikong tao, kaya’t walang-katapusan ang aking inspirasyon para sa kathang-isip na sulatin. Ang kaibigan kong nandoon na sa simulang-simula ng diyaryo, ang pinakamatalik kong kaibigan, lamang ang nakakaalam na ako pala ang sumusulat sa ilalim ng pangalang “Aliwalas”. Naaalala ko pang napakaraming nagtatanong noon kung sino ‘yun, lalo na’t dahil hindi pa sikat ang paggamit ng ibang pangalan sa pagsulat. Lagi ko na lamang tinatawanan at hindi binibigyang-pansin ang mga sulat na nagtatanong; sariling sikreto na lamang ng manunulat ang kaniyang pisikal na anyo matapos niyang ibunyag ang kaniyang mga isipan at emosyon nang hubo’t hubad.

Sa lahat ng aking pinagdaanan sa paaralan at sa buhay, ang pagsulat na lamang ng mga tula ang nagliligtas at nagbibigay sa akin ng pagkakataong huminga. Hanggang sa puntong iyon ay hindi ko napahalagahan ang ekspresyon. Sa mga oras na ako’y malungkot, ang pagsulat lamang ang nakapagpagaan sa aking mga damdamin. Sa mga oras na ako’y takot o kinakabahan, sa mga tula ako nakahanap ng kamay na mahahawakan, ng pagtuwid ng mga iniisip. Sa mga oras naman ng kasiyahan, sa sanaysay ko naisiguro ang pagdala ng mga emosyong ito kahit saan man ako pumunta. 

Nasisiyahan akong makitang hanggang sa panahong ito ay buhay na buhay ang diyaryong aming binigyang-buhay, at bumuhay din sa aming diwa. Napakalaking karangalang makibahagi sa pagpapalaki at pagtuturo sa mga matatalino, moral, at mulat na mga mag-aaral na puno ng pagmamahal sa buhay, bayan, at kapwa.

Siguro nga’y inaya ako ng kaibigan kong iyon na magsimula ng diyaryo dahil nakita niyang ikabubuti ko ito. Hanggang sa araw na ito, patuloy pa rin ang aking pagsulat. Oo, hindi laging mabuti ang naidudulot; hindi laging masaya. Napakaraming kalungkutan at kasamaan sa mundo. Ngunit nakatutulong tayo sa pagbigay ng boses sa mga ito at nakatutulong tayo sa pagbigay ng taingang makikinig. Sa paraan lang na ito natin mabibigay ang hustisyang nararapat sa bawat tao, sa bawat isa sa atin. At sa kabila ng lahat ng mabibigat na damdamin ay nararanasan ko rin, nakikita, nararamdaman, ang mga bagay na karapat-dapat sulatan ng limanlibong saknong, ang mga bagay na nagbibigay-buhay sa bawat modernong taon, ang kasiyahang sinusulatan ng mga nobela at nararapat na ipakalat sa lahat ng mambabasa. Sa dulo ng lahat, masasabi kong malaking bahagi ng pagligtas sa mundo ang pagsulat sa diyaryo. Ngunit niligtas din nito ako.

0 comments:

english,

Literary (Submission): The Letter I Needed

8/31/2019 08:55:00 PM Media Center 0 Comments




Hello,

You’re probably in a room full of geniuses right now, wondering why you deserve to be in there. They’re all talented in every way possible and you’re not even a master of anything. You’re a terrible speaker, a bad illustrator, and a decent photographer. But at least you know how to write a proper paragraph.

You’re also probably overthinking, down to the most minute of details, if you’ll be able to graduate next year or if you’ll be able to make your family proud with a diploma, or maybe even a medal.
However, as the year passes by, you’ll find out that the stress and pressure you went through just to be what you think is the best version of yourself, is useless.

Senior year is not for you to shine the brightest rather it’s a time for mistakes and embarrassment. Speak in front of a crowd, fail a class, pass a requirement late, and most especially, write without regrets. These are some of the things you won’t be able to do once you don that sablito (sash) you’ve desperately been longing for.

Being part of a family of writers does not mean you have to be the best one there is. You’ll soon realize that these geniuses aren’t so different from you. They’re as confused as you are and they’re not here to make you step up your game or pressure you into being an outstanding writer and editor. They’re here to help you grow and support you in whatever you dream of doing.

So pick up that pen, or more likely, that laptop of yours and write down everything that comes to mind. Ideas fly faster than you think, and knowing you, you probably won’t remember them. The number of drafts you have is simply a social construct to tell you that you already need a final idea. Don’t mind that, you can make as many as you wish. The number of drafts you have is not even your biggest problem. Hitting a wall is far worse, especially when you’re deadline is only a few hours away. During these times, you only have two options: you either break it down or dig a hole right under it. Giving up shouldn’t be in your vocabulary. But don’t fret too much, the words you need would come randomly to you in the most ungodly hour of the morning or at an absurd time during the night.

As a farewell, I am going to let you in on a little secret: being terrible at something only gives you a bigger room to grow. In the end, when the final note in UP Naming Mahal resonates inside that theatre, no one would remember how good you were at playing the guitar, or singing, or even writing. In the end, you’ll all be remembered for being part of a family tied together by smiles, tears, and glory.

Love the people (and things) around you and let that love bleed out onto the pages.

God knows I would’ve done the same if I were back in your place.

From someone you probably stressed a lot about,
[Morayta]

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Media Center? Mahirap 'yon.

8/31/2019 08:52:00 PM Media Center 0 Comments




Gusto kong sabihin sa inyo, mahirap maging parte ng Media Center.

Hindi madaling magsulat ng mga literary na magpipiga sa utak mo hanggang madaling araw, o magsulat ng mga balita, feature, o opinion na kailangan mong i-edit agad dahil kailangan mong ipasa kinabukasan. Hindi madaling mag-isip at gumawa ng banner at teaser sa tuwing may pub kayo. Minsan pa’y mamadaliin mong gawin dahil late magpasa ng lits ang ibang writers niyo. At mas lalong 'di madali ang tanggapin ang mga salitang "NOT FOR PUB" ang nakatatak sa ideya o likha mo.

Mahirap. Minsan gusto mo na lang sumuko. Gusto mo na lang matapos na lahat.

Pero unti-unti, masasanay ka. At sa pagdaan ng maraming papel, marming bersyon ng iyong sulatin, may makapapansin na mas gumagaling ka. Mas nagiging mulat ka sa bawat isyu ng lipunan, sa nangyayari sa ating kapaligiran, at magkakaroon ka ng pakialam sa kaunlaran ng ating paaralan.

Pero sa totoo lang, hindi lang kamulatan at katalinuhan ang makukuha mo sa sa pagiging Media Center.

Sa loob kasi ng apat na sulok ng kwarto ng Media Center, hindi lang mga ideya, balita, sulatin, at research ang nabubuo. Hindi lang away, iyakan, at mga natutulog na estudyante ang nakita nito.

Nasubaybayan nito ang isa-isang pagkabuo ng mga pangarap, pagkakaibigan, at samahan ng bawat isang estudyanteng nanatili rito.

Darating sa punto na mas gugustuhin niyo na lang mag count off kasi kahit sino namang maging kagrupo niyo ay okay lang. Darating sa punto na kahit sino sa loob ng MC ay pwede niyo nang pagkwentuhan kasi alam mong tanggap ka nila.

Sa loob ng MC, magkakaroon ka ng pamilya.

At kapag dumating na ang araw na lilisanin na ang apat na sulok ng silid nito, babalik-balikan mo ang bawat alaalang nagawa mo rito. Mamimiss mo. Pero sa pagtatapos, bitbit ng bawat isa ang turo ng Media Center sa ating puso't-isipan.

Mahirap man ang trabaho ng Media Center, pero it's worth it.

0 comments:

english,

Literary (Submission): To MCxx

8/31/2019 08:49:00 PM Media Center 0 Comments




Dear darling,

In your job,
In the experience of fragmentation,
Incoherence,
And senselessness,
Remember to love the greatest love

Put yourself in a state of grace,
Solitude,
And calmness
Then write what has never been written before

Paint with words what is real
With strokes of your imagination
Tell stories, share secrets
Expose the truth, unravel the facts

Give your all to the love that has loved you
The love that has given you the chance to share
The love that has told you to speak up
The love that has listened to you

Love that love despite
The broken hearts,
Deadlines,
And fights

Love that love despite
Messy tables,
Missing chairs,
And chaotic schedules

Love the love that gave you
Inside jokes,
Pursuit of art
And freedom.

In fragmentation, incoherence, and senselessness,
Remember this love.

It's crazy, daunting, horrifying even
But it's true and great and real

Your job may end, my dear,
But this love is here to stay.

From MC20xx-1

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): BABALA

8/31/2019 08:45:00 PM Media Center 0 Comments




Babala
Baka hindi mo kaya
Babala
Di madali ang mga susunod na eksena
Babala
Teka
Bakit ka nga ba nandito?
Bakit mo ba pinili 'to?
Sigurado ka na ba sa desisyon mo?
Una pa lang ay binabalaan na kita
Sa totoo lang pwede ka pang tumakbo at tumakas
Bakit nandito ka pa?
Handa ka na bang mabaliw at gumawa ng sarili mong lapida?
Magpahinga ka na kung ako sa'yo
Mamaya kasi may ipababasa ako
Maiksi lang, mga tatlong makakapal na libro
Dapat mamaya ay makasulat ka na rin ng reaksyon mo
Kung sa tingin mo’y hindi mo kakayanin,
ngayon pa lang, makalalabas ka na.
Bakit nandito ka pa rin?
Sigurado ka na ba talaga sa nais mong pasukin?
Mahal mo ‘no?
Kaya kahit gabing-gabi na, pinagpupuyatan mo
Mahal mo ‘no?
Kaya kahit alam mong masakit, itutuloy mo
Mahal mo ‘no?
Sino ba kasing sira ulo na pahihirapan ang sarili
Kung alam namang talo sa huli?

Sandali

Pagiging MC nga pala ang pinag-uusapan hindi pagmamahal na walang sukli
Sa MC nga pala lahat ng pagod, nababayaran
‘Di tulad sa relasyon niyo na kahit anong pagod, parang wala pa rin naman.
Sa MC nga pala para ka nang patay kahit buhay ka pa rin ‘di ba?
‘Di tulad sa inyo na patay na patay ka pero hindi naman ikaw ang buhay niya.
Bakit mo pa pinipilit na ituloy ang pag-ibig niyo?
Pag-ibig ba talaga, tama ba ang sinabi ko?
Hindi ba ang pag-ibig dapat pareho kayong umaangat?
Eh bakit parang ikaw na lang ang hindi nagpapaawat?
Bakit kahit alam mo na matagal na siyang bumitaw,
Hindi ka pa rin umaayaw?

Buti pa ang MC kapag minahal mo,
Binigay mo ang lahat pero mababalik nang buo.
Alam ko na kung bakit di ka pa rin umaalis,
Siguro MC ay matagal mo nang kilala,
Alam mo na siguro na ito yung kahit pagpuyatan mo,

Hindi ka talo.

Ito yung kahit lahat ng oras mo’y ibigay,
Panghihinayang ay hindi man lang dadapo sa iyong ulo.
Siguro alam mo na
Na ito yung pag-ibig na kahit ilang beses mong iyakan,
Kahit ilang beses mong sinubukang sukuan,
Kahit lahat ay gusto mo na lang takasan,
Sa dulo, ang lahat ng iyon ay iyo lang pinagdaanan
At makikita mo na ang lahat ng iyong naranasan
Ay humubog sa'yo para mas lalo mong galingan!

Sa MC,
Kapag ika'y sumali,
Hinding-hindi ka magsisisi,
Pero kung sa kalagitnaa’y biglang gusto mo na lang sumuko,
Tandaan mo,
Hindi nagkulang ang babala ko sa'yo
Pero tandaan mo rin
Hindi ba pagsuko'y ‘di darating kung totoo mong mamahalin?

0 comments:

MC2020,

Balik Tanaw

8/31/2019 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

feature,

Feature: Umiwas sa Dengue!

8/28/2019 09:15:00 PM Media Center 0 Comments



Sa tuwing nagsisimula ang bagong akademikong taon, nagsisimula na rin ang paglaganap ng isang sakit na maaaring ‘di agad-agad mapapansin sapagkat ang mga sintomas nito, katulad ng ubo’t sipon, ay hindi natin aakalaing seryoso.

Isang lamok ang nakadapo sa balat ng isang tao. Nakuha mula sa: https://www.ketoisland.com/wp-content/uploads/2016/04/mosquito.jpg

Ang sintomas na ito ay ang Dengue Fever na resulta ng pagkakaroon ng Dengue Virus. Ang Dengue ay isang vector-borne disease sapagkat nakukuha ito mula sa kagat ng mga lamok na may dala-dala ng nasabing virus. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng sakit ng ulo, labis na pagkahilo, sakit ng katawan, rashes, madalas na pagsusuka, at marami pang iba. Ang mga nasabing sintomas ay maaaring lumitaw sa loob ng dalawang linggo.

Kapag nagpakonsulta sa doktor, ang taong may dengue ay inaasahang magkaroon ng mababang platelet count at mababang blood pressure. Kung sakaling mas bumaba pa ang platelet count at blood pressure ng pasyenteng may dengue virus, maaaring manganib ang buhay ng biktima. Sa katunayan, idineklara na ng Department of Health (DOH) ang national dengue epidemic dulot ng pagkakaroon 98% na pagdami ng dengue cases mula Enero. Bukod pa rito, simula Hulyo ay nagkaroon ng humigit-kumulang na 5,100 na kaso ng dengue kada linggo ang kinahaharap ng DOH (Andrade, 2019).

Sadyang nakababahala ang dengue, kaya’t mabuting ngayon pa lang ay mapigilan na ang tuluyang paglaganap nito. Sa nakaraang mga taon, tumaas na rin ang bilang ng mga estudyante ng UPIS na nagkaroon ng Dengue. Dulot nito, nagsagawa ang UPIS ng paraan upang maiwasan ang Dengue katulad na lamang ng fumigation at ang pagpapahintulot sa mga estudyante na magsuot ng jogging pants. Ngunit bukod pa rito, maaari pa nating mas iwasan ang dengue sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

1. Maglinis ng tahanan

Dahil ang dengue ay nakukuha lang mula sa mga lamok, siguraduhing hindi maaaring mamuhay ang mga lamok sa kung saan tayo naninirahan. Tiyaking walang mga container na puno ng tubig na maaaring pangitlugan ng mga lamok. Bukod pa rito, dapat malinis ang mga sulok ng tahanan, dahil dito madalas nagkaroon ng alikabok na madalas ring pinupuntahan ng mga lamok.

Ang mahahabang kasuotan ay nagdadagdag ng isang layer sa ating katawan upang hindi maabot ng mga lamok ang ating balat. Nakuha mula sa: https://www.fashionlady.in/wp-content/uploads/2015/06/monsoon-season-clothes-for-women.jpg

2. Magsuot ng mas angkop na damit

Kung sakali namang aalis ng tahanan, maaari rin tayong magsuot ng mas balot na damit katulad ng pantalon at pang-itaas na mahaba ang mga manggas upang hindi umabot ang mga lamok sa ating balat.

Bukod pa rito, mabuting iwasan natin ang pagsuot ng madidilim na damit, lalong-lalo na ang kulay itim sapagkat ito’y nakaaakit para sa mga lamok.

Mosquito repellant patch. Mga patch na naglalabas ng amoy na nagpapalayo ng mga lamok. Nakuha mula sa: https://kinven.net/wp-content/uploads/2017/09/Untitled-design-600x600.png

3. Gumamit ng mga mosquito repellant

Kung sakali namang naaabot pa rin ng lamok ang ating balat kahit na nakasuot ng mahahabang damit, maaaring gumamit ng mga lotion o patches na naglalabas ng scent na hindi kaaya-aya para sa mga lamok. Ang mga ito ay mabibili kahit sa pinakamalapit na convenience stores o kaya nama’y sa mga supermarket..

4. Panatilihing malinis ang katawan

Panghuli ay ang pinakasimple ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ng ito ay ang pagkakaroon ng maayos na hygiene. Siguraduhin nating maligo araw-araw, o sa tuwing nararamdaman nating hindi na kaaya-aya ang amoy ng ating katawan dahil madaling maakit ang lamok sa amoy ng body odor at pawis.

Iilan lamang ang mga ito sa mga paraan ng pag-iwas sa pagkakaroon ng Dengue. Dulot ng maraming paraan na ang mayroon tayo sa kasalukuyan, mabuting atin nang subukan ang mga ito upang makaiwas sa isang sakit nang sa gayon ay ating matanggihan ang Dengue na iyan.

Sanggunian: Andrade, J. I. (2019) DOH declares national dengue epidemic. Retrieved from: https://newsinfo.inquirer.net/1151103/doh-declares-national-dengue-epidemic //ni Ned Pucyutan

0 comments:

aldric de ocampo,

News Feature: Kumusta na ang Panitikang Pambata?

8/28/2019 09:10:00 PM Media Center 0 Comments




Nagtabi-tabi para sa litrato pagkatapos ng matagumpay na seminar sina (mula sa kaliwa) Prop. Ria P. Rafael, Prop. Eugene Y. Evasco, Bb. Ergoe Tinio, Prop. Ana Maria Margarita S. Salvador, Prop. Jem R. Javier, at Prop. Jesus Federico C. Hernandez.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman ang ilang mga eksperto sa isang seminar ng UP Department of Linguistics na pinamagatang "Curiouser & Curiouser: Linguistic Socialization & Children's Literature" noong Agosto 22, 2019, sa Palma Hall, silid 207.

Ang inimbitahang mga tagapagsalita ng Departamento ng Linggwistika ay sina Prop. Jesus Federico C. Hernandez, Prop. Ana Maria Margarita S. Salvador, Prop. Eugene Y. Evasco, at Bb. Ergoe Tinio.

Tulad ng nasa pamagat ng seminar, ang mga susing salita nito ay ang children's literature, language development of children at linguistic socialization. Tinalakay nila rito ang katangian ng panitikang pambata at ang epekto nito sa paghubog ng kasanayan sa wika ng bata at pagkatuto niya sa isang kultura.

Inilahad nina Bb. Tinio, Prop. Salvador, at Prop. Evasco ang kanilang mga karanasan bilang mga manunulat sa larangan ng panitikang pambata. Ayon kay Bb. Tinio, na marketing officer ng Adarna House, Inc., ang nakikita na lang daw natin sa pamilihan ay ang mga finished product na kuwentong pambata, kaya nagsisilbi na rin daw na "behind the scenes" ang seminar para sa pagsusulat at paglalathala ng mga nasabing akda.

Aminado raw si Bb. Tinio na minsa'y minamadali lang niya ang kanyang mga kuwento, ngunit praktis din ito para makatapos ng sulatin kahit gipit na sa oras. Nabanggit din niya na ang kanyang kwentong "Salusalo para kay Kuya" ay nagmula sa isang ideyang naisip niya noon pa man, ngunit kamakailan lang niya nailapat sa isang libro.

Si Prop. Salvador naman, na isang propesor sa larangan ng Reading Education sa College of Education, ay nagsulat na rin noon ng isang kuwentong pambata, ngunit hindi ito nailathala. Dahil daw ito sa isa pang kuwento na may katulad na premise, na pwede raw magdulot ng isang kompetisyon sa pamilihan. Hangga't maaari raw, iniiwasan ang ganitong mga sabayan para hindi malugi ang isang kuwento.

Dahil dito, nag-isip siya ng iba pang maaari niyang sulatang paksa. Nakakita raw siya ng isang kuwentong pambata tungkol sa alpabeto bilang mga tauhan. Naisip niya, "if the alphabet can be used as characters, why not numbers?" Kasabay ng kanyang pinag-iisipan noong konsepto ng "nothingness" o kawalan, ito ang naging simulain niya para sa kanyang kwentong "When Zero Left Number Land."

Ang huling manunulat namang si Prop. Evasco, na isa ring tagasalin at propesor sa larangan ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa College of Arts and Letters, ay ang sumulat ng kwentong "Anina ng mga Alon." Binibigyang-pansin naman niya ang kultura ng katutubong Pilipino, partikular ng mga Badjao, sa kanyang akda para malinang at yumabong pa ang ganitong uri ng mga kuwento sa industriya.

Ibinahagi rin ni Prop. Evasco ang kanyang karanasan na magsalin ng Charlotte's Web ni E.B. White sa wikang Filipino, kung saan sinabi niyang hinayaan niya lamang ang mga katawagang "Mr." at "Mrs." o "Ms." sa teksto kaysa palitan ng "Gn." at "Gng." o "Bb." para mapanatili ang kulturang pinanggalingan ng akda. Sa ganitong teknikal na kaayusan ng wika makikita ang epekto nito sa pagkakaunawa at pagkakasalamin ng kultura't lipunan sa panitikan. Ito ang tinatawag na linguistic socialization.

Sa panayam kay Prop. Evasco at gayundin kay Prop. Hernandez, na isang kolektor ng mga kuwentong pambata at propesor sa larangang Historical Linguistics sa College of Social Sciences and Philosophy, higit na pinagtuunan nila ng pansin ang linguistic socialization, na naiiba naman sa pokus ni Prop. Salvador na language development.

Sa analisis ni Prop. Hernandez, malaki ang ambag ng panitikang pambata sa paglilinang ng kaalaman ng isang bata tungkol sa mga katangian ng wika ng lipunang kanyang inaalam, tulad ng sintaks at morpolohiya, liban pa sa kultura. Hinuhubog ng mga nababasa natin ang ating pagkakaintindi sa kolektibong alaala ng lipunan at sa ugali ng mga tao rito. Kumbaga kapag may nabasang eksena ang isang bata sa kuwento, nahahanda na niya ang kanyang sarili sa ganitong kondisyon kung sakaling makita niya ito sa tunay na buhay.

Sabi rin ni Prop. Hernandez na sa mga akda ni Dr. Seuss at ni Lewis Carroll, ginagamit din dito ang mga inimbentong salita ng awtor na sumusunod pa rin sa ilang mga katangian ng wikang pinanggalingan nito. Kahit kakaiba ang mga anyo ng mga salita, hinuhubog pa rin ng mga ito ang kaalaman ng mambabasa sa consonant clusters at sa iba pang bahagi ng gramatika sa wikang Ingles. Ang pangunahing halimbawa na lang dito ay ang "curiouser and curiouser" mismo, na nagmula sa Alice's Adventures in Wonderland ni Carroll.

Bukod sa pag-unlad ng kaalaman ng kabataan sa mga nababasa nilang panitikan, ang panitikang pambata mismo ay umuunlad na rin ayon sa mga inimbitahang mga tagapagsalita.

Ang pagtingin sa mga akdang pambata ay hindi na masyadong nalilimitahan ngayon sa mga picture at illustration books ayon kina Bb. Tinio at Prop. Evasco. Nagbago na rin daw kasi ang pagtingin na hindi kaya ng mga bata ang kritikal na pag-iisip. Sa panahon ngayon, hindi na dapat kinikilingan ang pagtingin na mas mababang uri ng panitikan ang panitikang pambata, dahil kaya naman din ng kabataang unawain ang mga nakikita nila sa mga libro. Kaugnay nito, nabanggit din nila at ni Prop. Salvador na sa pagsulat ng panitikang pambata, mahalaga rin ang edad ng mambabasang target ng manunulat, para maging angkop ang kanilang isinusulat na kuwento sa baitang ng bokabularyo ng mga batang babasa.

Ang isa pang magandang pangyayari sa panitikang pambata, ayon kay Prop. Evasco, ay ang pagbabago at paglawak sa mga tema nito. Sa kasalukuyan, tinutugunan na rin ng mga kuwentong pambata ang mga isyung panlipunan tulad ng isyu sa terorismo, polusyon, mga LGBT+, human trafficking, mga kababaihan, mga makabagong bayani, at ang mga katutubo ng Pilipinas.

Dagdag ni Bb. Tinio, may mga indigenous peoples na lumalapit daw sa kanila sa Adarna House, Inc. para magpalimbag ng kanilang isinulat, ngunit hindi nila ito matanggap. Puro Tagalog daw kasi ang alam at pinanggagalingan ng mga editor sa Adarna House kaya nagkaroon sila ng limitasyon sa kakayahan sa wika. Naniniwala sila na sa ganitong sitwasyon, hindi nila mabibigyang-hustisya ang gawa ng mga indigenous peoples.

Ang magandang balita naman daw ay nakahanap ng paraan ang mga katutubo para i-self publish ang kanilang akda. Sinagot naman ito ni Prop. Evasco nang malugod dahil nakatutuwa raw na hindi kailangan ng mga indigenous peoples na pumunta pa sa Metro Manila at sa mga limbagan dito tulad ng Adarna, Lampara, at Anvil para lang mailathala ang kanilang isinulat. Nabanggit niya na ang magandang pwedeng mangyari sa hinaharap ay magtatayo na lamang ng sariling limbagan ang mga katutubo sa kanilang mga rehiyon para umunlad din ang kanilang nalilikhang panitikan, partikular na rin sa pambata.

Ang isyu rin sa wikang gamit sa mga kuwentong pambata ay kanilang natalakay dahil sa isang katanungan ng kalahok sa seminar. Madalas kasi ngayon sa mga kuwentong pambata, sinusunod nito ang bilingual na pagkakasulat sa Filipino at Ingles. May isang pangunahing wika na ginagamit ang manunulat at isasalin na lamang ito sa isa pang wika. Ang naging tanong dito ay "Hindi ba't magiging mapili lang ang mga mambabasa kung may salin?" at "Kung ganito nga ang sitwasyon, paano nila matututunan ang isa pang wika?"

Ang sagot ni Prop. Evasco dito ay "Kung ako ang masusunod, isang wika lang ang ipapalagay ko: Filipino." Dahil din daw ito sa kanyang pansariling bias na itaguyod ang wikang ginagamit niya. Pero para kay Bb. Tinio naman, ang tugon niya'y madalas kailangan daw ang bilingual na pagkakasulat sa mga libro, tulad ng sinulat niya, para sa kompanya. Mas mahirap daw kasing ibenta ang mga akda kung isa lang ang wika nito, na nagdudulot din ng language barrier sa mga mambabasa. Ngunit may mga paglihis din sa kalakaran na ito tulad ng libro ni Prop. Salvador na nakasulat sa Ingles lang, at sa libro rin ni Prop. Evasco na nasa Filipino lang.

Pero sa pangkalahatan, sang-ayon ang lahat ng mga tagapagsalita na mahalaga ang panitikang pambata ng Pilipinas. Hindi rin daw mas mababa ang antas ng wikang Filipino kung ikukumpara sa Ingles, at magkasinghalaga lang ang dalawang ito para sa pagpapaunlad ng kultura natin.

Ang habilin din ni Bb. Tinio bago matapos ang seminar ay, "Please, kapag pumunta kayo sa mga bookstore, dumaan kayo sa customer service at itanong niyo kung nasaan ang panitikang Filipino. Hindi kasi sila naniniwala na may demand pala talaga para dito." //ni Aldric de Ocampo

0 comments:

aldric de ocampo,

Opinion: Huwag Matakot sa Nakikibaka

8/28/2019 09:05:00 PM Media Center 0 Comments



Credits: Cyñl Tecson

Ito na naman tayo sa isang paksang madalas kinagagalitan, kinatatakutan, pinagdududahan, o kaya nama'y iniiwasan ng karamihan sa ating mga Pilipino. Ang tinutukoy ko ay ang paksa ng aktibismo.

Ito ang tatalakayin ko sapagkat nagkaroon ng isang system-wide walkout ang University of the Philippines (UP) noong Agosto 20, 2019 para ipagtanggol ang academic freedom nito sa pamantasan mula sa militarisasyon ng mga pulis at sundalo na galing sa labas ng unibersidad.

Sa halip na gawing pokus ang ipinaglalaban ng mga nagprotesta sa walkout, ang magiging pokus nitong artikulo ay ang kilos ng pagpoprotesta mismo. Sa kasalukuyang panahon, hindi na dapat maging debate ang mga batayang karapatang pantao. Lahat naman kasi tayo siguro ay hindi nais ang makulong nang dahil lang sa may sinabi tayong hindi gusto ng iba. Ang mas makabuluhan na maaaring talakayin ngayon ay ang kritisismo sa kaangkopan ng aktibismo sa loob ng UP.

Bago ang lahat, ano ba ang aktibismo?

Ayon kay Brian Martin sa kanyang artikulo na "Activism, social and political," wala itong isang tiyak na depinisyon. Malawak ang sakop nito kaya pwedeng iba-iba ang ideya ng mga tao tungkol sa bumubuo sa aktibismo. Maaaring maipakita ang aktibismo sa malawakang pakikibaka ng mga mamamayan at pagmamartsa sa kalsada, pero maaari ring maipakita ang aktibismo sa pagtanggi ng isang estudyante sa unipormeng pinipilit ipasuot sa kanila ng paaralan.

Ang mahalagang salitang maiuugat sa konsepto ng aktibismo ay ang salitang "aksyon." Sa kahit anong anyo ng aktibismo, lagi't laging makikita ang pagkilos ng mga tao, sa pamamagitan ng isang aksyon man o reaksyon, sa isang pangyayari sa lipunan. Maaaring nakikibaka ang mga mamamayan para hamunin ang isang polisiyang hindi sila sang-ayon, o maaari ring pinapapurihan nila ang gusto nilang batas. Kahit ang pagpaparaya ay isang uri ng aksyon, dahil hinahayaan nila ang ibang mga tao na kumilos para sa kanila, at nagdudulot naman ito ng pagpapanatili sa status quo.

Sa ganitong pagtingin sa aktibismo, makikitang natural lamang na magkaroon ng ganito sa mga bansa. Mayroon kasing mahalagang papel ang aktibismo sa sistema ng lipunan kahit hindi ito isa sa mga kumbensiyonal na pamamaraan sa politika. Hindi ito kumbensiyonal dahil lagpas pa ito sa arena ng nasabing istruktura. Dinadawit ng aktibismo ang iba pang mga sektor at institusyon ng lipunan para makibahagi ang mga ito at maging aktibo rin sa pagpapasiya ng magiging kalakaran sa pamamahala ng bansa.

Pero bakit ang sama ng tingin ng mga tao sa aktibismo, at kung hihigitan pa, sa UP? Ano ba ang kritisismo ng mga karaniwang mamamayang Pilipino rito?

Una sa lahat, sabi ng mga kritiko, sayang lang daw ang perang inilalaan ng bayan para sa mga iskolar ng UP. Kaysa sayangin ang kanilang oras sa pagmamartsa, bumalik na lang daw sila sa kanilang pag-aaral.

Ang tugon dito ay nag-aaral naman talaga ang mga iskolar ng bayan. Hindi naman nila inilalaan ang kanilang buong apat hanggang limang taong pananatili sa UP para lang mag-rally. Sadyang kaakibat talaga ng tinuturong pag-iisip sa UP ang aktibismo.

Malalim kasi ang pagkakaugat ng pananaw na "walang saysay ang inaaral sa klase kung hindi naman ito gagamitin sa tunay na buhay" sa tradisyon at kultura ng UP. Para magamit nila ang kanilang natutunan sa pamantasan, kinakailangan ang aktibong pakikilahok mula sa mga iskolar ng bayan. Para makapagdulot ng isang pagbabagong panlipunan, nauunawaan ng UP na kailangan nito ang aktibismo.

Para sa isang estudyante ng UP, isinasapuso niya ang bukal-sa-loob na responsibilidad niyang magbalik ng serbisyo sa bayan para ito ay umunlad. Pero para makamit ito, naiintindihan niya ring kailangan niyang kumilos, kahit hindi siya tuwirang dinidiktahan na kumilos siya.

Dahil sa ganitong pagkakasunud-sunod ng lohika at pagkakahubog ng mga kaisipan, mahirap talagang paghiwalayin ang UP at ang aktibismo. Sa sobrang tagal ng ganitong kultura sa unibersidad, nabansagan na itong "bastion of activism" at ang pinagmumulan na rin ng mga "tibak" noong dekada '60 hanggang dekada '70.

Ang ipinagmamalaking katangian ng UP, na sa kasamaang palad ay naipagyayabang na rin nito, ay ang pagkiling nitong maging progresibo. Hinahasa ng pamantasan ang pagkamulat ng mga estudyante sa mga isyu ng lipunan para mas lalo itong mapag-isipan nang malalim. Dahil sa ganito, laganap na talaga sa kultura ng UP na maging kritikal ang mga iskolar ng bayan. Isang halimbawa ng kung saan makikita ang paghubog ng ganitong pag-iisip sa mga estudyante ay ang mga General Education (GE) subjects ng unibersidad.

Kung tutuusin, ang makalumang pananaw rin sa pag-aaral talaga ang humahadlang sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga estudyante. Hindi pumapasok ang mga tao sa paaralan nang dahil lang sa diploma o kaya sa grado. Ang tao ay pumapasok sa paaralan para matuto. Kung ganito ang pananaw natin sa pag-aaral, magiging malinaw ang lohika ng UP kung bakit mahalaga ang aktibismo.

Sa katunayan, may mga unit naman din sa UP mismo na tutol na sa aktibismo. Kahit maiuugnay sa kritikal na pag-iisip ang pinatutungkulang depinisyon ng aktibismo rito sa artikulo, mayroon naman ding mga taong ayaw na talagang maugnay sa mga rally at protesta. Sa ganitong diwa, mahirap nang lahatin na ang mga taga-UP ay nakikibaka sa mga martsa at protesta para ipamalas ang aktibismo.

Liban dito, may karapatan naman din ang ibang mga taga-UP na magtipon-tipon para sa kanilang mga adhikain. Nakalagay sa Artikulo III Seksyon 4 ng Saligang Batas ng 1987 na may "freedom of expression and speech" at "right of the people peaceably to assemble" na hindi dapat hinahadlangan ng pamahalaan. Sa ganitong kondisyon, malaya dapat na mag-rally ang mga gustong mag-rally basta't payapa ito.

Ang isa pang akusasyon ng mga kritiko sa aktibismo ay bayaran lamang ang mga dumadalo rito. Maaaring itugon dito na wala naman talagang litaw na ebidensya ng ganitong pagkilos sa mga aktibista. Kung sakaling mayroon ngang bayaran, mahinang argumento pa rin ito dahil isa itong di-makatwiran na paglalahat. Ang nakararami pa rin ay dumadalo sa mga rally dahil sa kanilang mga ipinaglalabang pananaw. Bukod dito, nililinaw din mismo sa pamantasan na boluntaryo ang pagmamartsa, kaya hindi dapat ito napipilit sa mga estudyante.

Kaakibat din ng akusasyong ito ang argumento na "na-brainwash" lang ng grupong aktibista ang mga estudyante ng UP. Tulad ng nabanggit, boluntaryo ang pakikilahok sa mga rally at protesta kaya napapahalagahan naman ang kalayaan ng mga iskolar ng bayan sa kanilang mga paniniwala. Mayroon ding mga diskurso ang mga estudyante bago magsimula ang rally katulad na lang ng sa walkout noong Agosto 20, kaya nagkakaroon din ng lugar ang mga nagkakatunggali o di nagkakaintindihang mga opinyon sa aktibismo.

Mahalaga ring ipunto na ang mga kritiko ng aktibismo ay nagpapakita rin ng selective bias at false dichotomy sa kanilang mga akusasyon. Dinidirekta nila ang atake sa mga aktibista, ngunit hindi lang naman ang mga aktibista ang maaaring maging bayaran o na-brainwash.

Dagdag dito, depende sa pananaw ng isang tao ang maaaring masabing "na-brainwash" dahil nasa prinsipyo nakasalalay ang pagtingin sa isang mapang-aping ideolohiya. Maaaring sabihin ng mga kritiko na na-brainwash ng mga komunista at leftist groups ang mga estudyante, lalo na ang mga taga-UP. Ngunit pwede naman ding masabi na na-brainwash ng mga kapitalista at pamahalaan ang mga karaniwang mamamayang Pilipino.

Ang kabalintunaan nga'y komunista naman ang Tsina, na kinakaibigan ngayon ng kasalukuyang administrasyon. Sa ganitong pagtingin, nakapagdududa rin isipin kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan.

Ngunit sa kabuuan, ang gusto lang naman ng lahat ng Pilipino ay mabuhay nang mabuti, mapa-ganid man na tao o mapagbigay. At para makamit ito para sa pangmatagalang panahon, hindi maipagkakaila na kailangan ang pagbabago, na mangyayari lang kung may gagalaw sa atin sa lipunan.

Sa ganitong pagtingin, masasabing lahat naman tayo ay aktibista sa ating sari-sariling mga paraan, iskolar ng bayan man o hindi. Ito ang tunay na diwa ng aktibismo na nabanggit ni Marion Nicole A. Manalo na estudyante ng UP sa kanyang artikulo sa Inquirer noong 2011; na hindi lang ito limitado sa mga protesta at mga rally sa kalsada. Isang anyo lamang ng aktibismo ang mga demonstrasyon at walkout, ngunit labis pa rito ang tunay na halaga nito.

At kung natural na kabilang talaga ito sa buhay natin para sa serbisyo sa bayan, bakit natin ito kailangang pigilan? Bakit ba natin kailangang masamain ang mga bagay na nakabubuti naman talaga para sa atin? //ni Aldric de Ocampo

0 comments:

james tolosa,

Mga estudyante ng UP Diliman, buong-loob na nakibaka sa Walkout

8/28/2019 09:00:00 PM Media Center 0 Comments



PANININDIGAN. Magkakasama ang mga mag-aaral at guro nang matibay nilang kinakapit ang kanilang mga karatula. Photo credits: James Tolosa

Nagsama-sama ang mga estudyante at guro ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) bilang pagtutol sa militarisasyon ng kanilang paaralan sa UP Day of Walkout and Action noong Agosto 20.

Pinamunuan ni College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) SALiGAN Ivan Sucgang ang naturang walkout sa AS Lobby ng Palma Hall. Ipinaliwanag niya ang mga ipinaglalaban tulad na lamang ng pagpigil sa nais ng gobyerno na militarisasyon sa loob ng paaralan.

Nagbigay naman ng talumpati sina UPD Student Council Councilor Froilan Cariaga at CSSP Representative Joshua Dy tungkol sa pagbabanta sa kalayaang pang-akademiko ng mga state university. Tinalakay rin nila ang mga posibleng kinahinatnan ng pagpapatuloy ng batas-militar sa Mindanao at mga sinusulong ng Philippine National Police (PNP) na mandatory drug testing at Reserve Officers' Training Corps (ROTC).

Pagkatapos nito, nagmartsa ang mga estudyante at propesor mula AS Steps hanggang Mendiola. Sumama rin sila sa Day of the Mourning sa Liwasang Bonifacio noong ika-3 n.h. upang gunitain ang pagpatay sa mga magsasaka sa Negros noong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Sucgang, “The system-wide walkout is a clear manifestation of student, faculty, staff, and alumni unity in dissent and opposition towards increasing threats and attacks by the state to critical minded individuals, organizations, and institutions.” Dinagdag din ng mga mag-aaral mula sa CSSP na hindi sila “bine-brainwash” ng New People’s Army (NPA), kundi ginagamit lamang ang kanilang kritikal na pag-iisip.

Bukod dito, iginiit nila na ang pagpasok ng militar at pulis sa campus ay maaaring magdulot ng banta sa mga estudyante.

Dumagdag din sa mga bantang ito ang mula sa batas na ipinasa noong panahon ng paghihimagsik ng mga Hukbalahap. Ayon dito, ang sinumang magsagawa ng mga rebelyon at pagreklamo sa gobyerno ay maaaring ikulong. Naibasura na ito noong napatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos ngunit nais muling ibalik ang ng kasalukuyang administrasyon.

Kamakaila’y nagpahayag ng kasunduan si kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga estudyante-ralyista ukol sa pagsusog ng Security Act sa kasalukuyang Saligang-Batas, at kabilang din dito na maaaring makulong ang isang tao ng sampung araw hanggang isang buwan kahit walang warrant of arrest. Aniya, kung papayag sila sa mga pagbabago, ipawawalang-bisa ang batas militar sa Mindanao. Bilang kapalit, ipatutupad ang ROTC sa senior high school.

Bilang pangontra, ipinaliwanag ng mga mag-aaral na lumahok sa rally na ang ROTC ay hindi dapat bilang depensa sa mga maralita kundi sa mga “kaaway” ng bansa. Higit pa rito, ang pagkawala ng warrant of arrest ay pagpapatuloy lamang ng “ipawawalang-bisang” batas militar.

Kabilang din sa mga ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang budget cut sa edukasyon at pabahay. Sa halip na pakinabangan ng mga mamamayan ay binibigay lamang ang pera sa mga militar.

Nagkaroon din ng kasabay na mga walkout at protesta sa iba’t ibang constituent universities tulad ng UP Baguio, UP Cebu, at UP Los Baños. //nina Mariel Diesta at James Tolosa

0 comments:

cj herrero,

Club Orientation para sa Akademikong Taong ‘19-’20

8/28/2019 08:55:00 PM Media Center 0 Comments



SALI NA. Hinihikayat ni Bb. Michelle Molinyawe, tagapayo ng Future Homemakers Club (FHC) ang mga mag-aaral mula Grado 7-10 upang sumali sa kanilang club. Photo Credits: Roel Ramolete

Ginanap ang taunang Club Orientation ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong nakaraang Agosto 15, 2019 sa UPIS Auditorium.

Pinangunahan ang aktibidad na ito ng pangulo ng Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) 7-10 na si Danie Cabrera at ng pangalawang pangulo na si Romi Okada.

Taon-taon hinahanda ang programang ito upang mapakilala sa mga mag-aaral ng Grado 7 ang iba’t ibang organisasyon na maaari nilang salihan. Makatutulong rin ito sa pagdedesisyon ng mga estudyante mula sa Grado 8-10.

Iba’t ibang pamamaraan ng oryentasyon ang ginawa ng 12 organisasyon ngayong taon upang hikayatin ang mga estudyante na sumali, tulad na lamang ang kanilang mga video at powerpoint presentation.

Ang mga organisasyon na maaari nilang salihan para sa akademikong taon na ito ay ang Boy Scouts of the Philippines (BSP), Girl Scouts of the Philippines (GSP), Peer Facilitators’ Club, English Club, Kilusang Araling Panlipunan (KAP), Math Club, Sangguniang Pangwika, Forum, Science Society, UPIS Choir, Inter-School Christian Fellowship, at ang UPIS Student Catholic Action (UPISSCA). //ni Cj Herrero

0 comments:

news,

Mga opisyal at pinuno ng UPIS, binuksan ang akademikong taong ’19-‘20

8/28/2019 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng UPIS 3-12 sa pinagsamang flag ceremony noong Agosto 13 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Gym, kung saan ay pormal na nagbukas ng akademikong taon 2019-2020.

Ang pambungad na pagbati ay naggaling sa Prinsipal ng UPIS na si Dr. Lorina Y. Calingasan kung saan inanunsyo rin niya ang pagpapatuloy ng pangangasiwa kasama sina Prop. Rachel B. Ramirez (Assistant Principal for Academic Program) at Prop. Portia Y. Dimabuyu (Assistant Principal for Administration) para sa kanilang termino ngayong akademikong taon 2019-2020.

Inanunsyo rin ang mga bagong opisyal para sa Pamunuan ng Kamag-Aral (KA) 7-12 para sa akademikong taon. Narito ang mga opisyal at ang kanilang posisyon:

Danielle Cabrera
  Pangulo  
Romi Okada   Pangalawang Pangulo
Cynarina Licuanan   Kalihim
Rafael Alcazar   Ingat-Yaman
Mary Rodriguez   Pangalawang Ingat-Yaman
Dean Cabrera    Tagapangasiwa
Abbie Cuaresma   Tagasuri
Isabel Biason   Tagapamahayag
Raymond Tingco   Tagapamayapang lalaki
Francheska Yanga   Tagapamayapang babae

Ipinakilala rin sa flag ceremony ang mga bagong guro at puno ng mga departamento. Narito ang mga pinuno at ang kanilang pinamumunuang opisina o departamento:

Emmanuel B. Verzo
  Communication Arts: English, Music and Art (CA EMA)
Charlaine G. Guerrero   Office of Research, Development, and Publication (ORDP)
Sharon Rose D.R. Aguila    Communication Arts: Filipino (CA Filipino)
Kristina Grace G. Jamon   Health and Physical Education
Margaret D. Atela   Mathematics
Joe Amiel Benson M. Ferrer   Practical Arts
Regina Carla R. Taduran   Science
Brenson Y. Andres   Social Studies
Stella Pauline D.S. Pascual   Student Services
Sarah Balbuena-Gonzales   K-2  


Inanusyo rin ang KA 3-6 noong araw ng Agosto 13 sa Bulwagan. Hindi lahat ng posisyon ay napuno dahil ang mga boto ng mga kandidato ay hindi umabot sa 66.67% ng bilang ng mga mag-aaral. Narito ang listahan ng mga nahalal na opisyal at ang kanilang posisyon:

Justice Aguinaldo
  Pangulo
Francine Ann S. Candido   Kalihim
Matthew T. Sasing   Ingat-Yaman
Sofia Mikaela L. Tan   Tagasuri
Uno Miguel M. Alarcon   Tagapamayapang Lalaki
Alejandro D. Espinosa    Grade 4 Representative  
Andrea R. Lakip    Grade 5 Representative

//ni Roel Ramolete

0 comments:

english,

Literary (Submission): Empty Words

8/24/2019 09:16:00 PM Media Center 3 Comments






Freedom of the masses restricted
Media and press censored
Many unlawfully convicted
Plundered national treasures

 Military and police brutality
Protection for the ruling class
No suppression of criminality
Innocents imprisoned en masse

 Opposition silenced in one strike
Wants of the masses ignored
Policies like in the Third Reich
Hailing the Supreme Overlord

 

3 comments:

filipino,

Literary (Submission): .?!,…

8/24/2019 09:13:00 PM Media Center 0 Comments




(.)
Ang bawat salitang binibitiwan
Ay may kalakip na kapangyarihan
Maging mulat sa iyong kapaligiran
Pagka-Pilipino'y panindigan

(?)
Bakit ba ganito ang nangyayari sa'ting bayan
Unti-unting pinapatay ng kanyang mamamayan
Maging masusi, magtanong, at iyong pag-isipan
Ang bigat sa iyong likod ay nakapasan

(,)
Huminto, tingnan, balikan ang kasaysayan
Pag-isipan ang susunod na aksyong kinakailangan
Huwag magpadalos-dalos; tiyakin ang pamamaraan
Dahil isip, at hindi dahas, ang sandatang iyong panlaban

(...)
Hindi pa dito lahat magtatapos
Dahil hangga’t wala ang tuldok ay hindi pa ‘to tapos
Tayo ay lalaban kahit katawan ay nakagapos
Salitang makapangyarihan ang bubuhay sa pag-asang kapos

(!)
Lumaban para sa iyong bayang sinilangan
Ipahayag ang damdaming sumisigaw ng katarungan
Iwaksi ang kataksilan ng sariling pamunuan
At dulot na problema'y iyong solusyonan

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Kolehiyo

8/24/2019 09:10:00 PM Media Center 0 Comments




Bakit may wika?
Hindi ko alam

Kanino ang wika?
Sa atin

Ano ang wika?
Kami

Kailan ang wika?
Noon hanggang ngayon

Saan ang wika?
Nasa lahat

Bakit may wika?
Bakit hindi ko alam?

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): What If the Past Pangulos of ‘Pinas Made Salita Conyo

8/24/2019 09:03:00 PM Media Center 0 Comments




Emilio Aguindo: “Daré libertad to those Filipinos, pero I’ll make benta them to América my master and not make tulong them in their away-aways!”

Manuel Quezon: “Ahora es el time to make the Filipinos true libertad. Pero kailangan them to make handa muna for, say, mga diez años. During the war, I’ll make alis para que mantenga mi puesto in the taas.”

José Laurel: “My dear Filipinos, Nippon will make bantay us for tayo to be laya na. Kaya be bait to them, ha? No more away-aways! Hai!”

Sergio Osmeña: “Need na we ask for tulong sa mga dear Americans. America, please! Make laya us from the Japoneses, they’re so asar and sama!”

Manuel Roxas: “My dear America, I’ll make utang some pera, okay? We need it para we can make bawi, our cities are so sira after ‘yung war.”

Elpidio Quirino: “Oh no, the Huks. They made us napaligiran na! America, we need your tulong! To get rid of them, they’re so basuraaaa to our lipunan eh!”

Ramon Magsaysay: (sinusubukang hindi magsalita nang pa-konyo) “Bababa ako. Kailangan kong maging pabor sa masa, at puksain ang impluwensiya ng mga komunista mula sa ating mga kalapit na bansa!”

Carlos Garcia: “International na this. Let’s make tatag a samahan together with the other bansas sa Asia. Para we get more pera and connections sa labas easier!”

Diosdado Macapagal: “Okay, let's make angkin the lupa in Borneo, ha. That Malaysia kasi, nakiki-invade pa our space sa Sabah. Like, let's gawa the Maphilindo to make this more dali.”

Ferdinand Marcos: “Let’s make sabi that Pinas will be martial law mode. It’s needed, kasi of those masasamang communists in Vietnam and China. Pero, it’s just para I’ll be more tagal in the taas!”

Corazon Aquino: “So naka-return na the demokrasya here in 'Pinas... ay! The Pinatubo Volcano made sabog, oh noooooooo! America, we need your tulong again! Come, make bigay us pera and let's repair your bases, they're siraers eh!"

Fidel Ramos: “Our economy needs to make bangon, they make sabi that we’re pinaka-sick sa whole na Asia! Come, let’s make tanggap the manong workers, be more laya in our trade and let the dayuhans manage the kumpanyas!”

Joseph Estrada: “Mga dudeparechongs, let’s make away-away the evil Moros sa Mindanao! Oh no, mga terrorists, Al-Qaeda, that Islamic Front pa, make layas na kasi! You're so basuraaaa to our kasafetyan sa 'Pinas!"

Gloria Arroyo: “Let's make tangka to buhay-ize Spanish once again. Kasi it's necesario for our historia, para we have más conexiones with our Hispanic kapatides!"

Benigno Aquino: “Let's make bisita mga several countries – US, US, US! Let's make gawa new kompanyas with them and strengthen 'yung bases natin! Obama, don't make alis, wait ka lang!"

Rodrigo Duterte: (sinasadyang ‘di magsalita nang pa-conyo) “Mga DDS! Ating ikontra ang mga salot na NPA. Pero kakampi tayo sa China, sabihin man nilang ‘komunista’ sila, para ‘umunlad’ ang bansa.”

*Ang konteksto nito ay nakabase sa tulang “What if Conyo Lahat the People Here in ‘Pinas” ni Israel Lumanglang. Pinalitan ang mga tauhan (mga ordinaryong mamamayan) ng mga pangulo upang mapaigting ang satirikal na tono ng lit. Ilang mga linya tulad ng “I’m nagmama-hurry” at “So asar” ay mga adaptasyon mula sa naturang tula.

0 comments:

filipino,

Literary (Submission): Manlalakbay

8/24/2019 09:00:00 PM Media Center 0 Comments




Ako’y isang manlalakbay
Ako’y isang dayuhan
Ako ay nagtungo
Dumako sa kung saan-saan

Malalayong lupain
Malalalim na katubigan
Aking tinahak
Aking tinawid

Samu’t saring mga tao
Iba’t ibang kulay
Aking nakasalamuha
Iba’t ibang tinig

Kanilang wika
Bago sa aking panrinig
Aking nilabas
baon kong Ingles

Pagkalito, pagkagulat
Bakas sa kanilang mga mukha
At sila’y sumagot
Sa kanilang sariling wika

Kung ang nais ko ay manatili sa kanila
kailangan kong sanayin ang sarili.
Susundin ko ang kanilang kultura,
Bilang tanda ng pagrespeto.

Aking dila
ay kailangan kong hasain
Sa sining ng paggamit
at pagsalita ng kanilang wika

Sa aking pag-uwi
Sa inang bayan kong mahal
Napansin kong ang aking mga kababayan
ay ilag gumamit sa sariling wika

Banyaga ang mga salita
Na lumalabas sa kanilang mga bibig
Sila pa ang nakikibagay
Sa mga dayuhang dito ay naglalagi

Bansag pa nga nila sa mga hindi marunong
Ng wikang banyagang naghahari
Mahina! Mahirap!
‘Di edukado! Walang alam!

Ako ay isang manlalakbay
Ako’y isang dayuhan
Hilig ko ang matuto
Ng iba’t ibang kultura’t wika

Kultura’t wika
na pinapangalagaan
at tinuturo’t pinapalaganap
ng mga bansang aking napuntahan

Sa dami ng aking natutunan
At minahal na mga wika
Ako’y babalik at babalik pa rin
Sa wikang aking kinagisnan

Wikang Filipinong napakayaman
at kay ganda sa tainga
na sa kasawiang palad
Ay isinasantabi natin at ‘di nalilinang

Di tulad sa ibang bansa na
Ipinagmamalaki ang kanilang pagkakakilanlan
At hindi sumusuko at nagpapadaig
sa kultura ng mga dayuhan

Pangarap ko ay makita ang araw
Na hindi tayong nahihiyang magsalita ng sariling wika
Makita ang araw na mawala ng tuluyan
Ang diskriminasyon sa hindi marunong ng salitang banyaga

Makita ang araw na
tayo ang siya pang dadayuhin,
Upang matutunan naman
ang kultura nating tunay na mayaman

0 comments: