filipino,
Ang kuwentong ito ay karugtong ng akdang pinamagatang “Sa Di Malamang Dahilan” na nailathala sa Ang Aninag Online.
Unang Bahagi: http://upismc.blogspot.com/2018/04/literary-sa-di-malamang-dahilan.html
Sampung taon ko nang alagang aso si Chic, isang itim at malaking Doberman-Rottweiler mix.
Araw-araw ko siyang nilalakad sa labas ng aming tahanan paggising ko sa umaga. Buwan-buwan ko siyang dinadala sa beterinaryo para ma-update ang kaniyang mga bakuna. Minsan nga ay sinasamahan mo pa ako kapag natataon sa Sabado ang aking mga appointment. Palagi mo rin akong sinasabihan na bumili ng mga laruan para sa kaniya kapag may nakita kang maganda sa internet dahil natutuwa tayong panoorin ang kaniyang malikot na buntot, nakalawit na dila, at nakatayong tainga. Mahal na mahal ko si Chic, at siguradong ikaw rin, kaya lagi kong ipinagdarasal na kasintindi ko ring magmahal o higit pa sana ang lahat ng mga pamilyang may alagang aso kagaya ko.
Dalawang taon kang naging parte ng buhay ni Chic.
Nalungkot ako noong sinabi mong kailangan mo muna ng oras mapag-isa. Ibig sabihin, hindi mo na ako maihahatid pauwi, kaya hindi mo na rin makakalaro si Chic. Hindi mo na rin kami masasamahan sa beterinaryo dahil may iba ka nang aatupagin. Nabawasan na ng atensyon si Chic.
Limang buwan ka niyang hinintay.
Gaano ko man kamahal si Chic, dumating din ang panahong umabot na ako ng Grado 11 kung kailan di ko na siya napaglalaanan ng oras dahil sa kaabalahan sa pag-aaral. Lalo na tuloy nabawasan ang nagmamahal sa kaniya. Ako na lang kasi ang nag-aaruga kay Chic, nagpapakain, nagpapaligo, at iba pa. Lagi kasing nasa trabaho ang aking mga magulang kaya iniatas nila sa akin ang responsibilidad. Buong akala ko’y malusog pa rin siya kahit hindi ko na siya nailalakad araw-araw o di kaya’y napapakain ng dog food na inireseta sa kaniya. Pero nagkamali ako—may problema na pala. Isang araw pag-uwi ko mula sa paaralan, di ko na nakita ang sumasalubong na nguso niyang nakalusot sa ilalim ng gate ng aming bahay.
Sampung minuto na pala ang ginugol ko kaiisip kay Chic.
Napagtanto kong maaari pala na siya ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin ito ngayon.
Dalawang oras na ang lumipas mula nang nag-usap tayo.
Ako na lamang ang mag-isa sa PA Pavillion. Nararamdaman ko na ang pawis na tumutulo mula sa aking noo sa isang oras ng pag-iyak. Nakalimutan ko na ring iniwan ko ang aking dalang bag sa pasilyo sa unang palapag. Dumidilim na rin at tinatawag na ako ng guwardiya na lumipat sa Ramp.
Isang oras ang biyahe ko pauwi mula paaralan hanggang bahay.
Nang natapos ko na ang aking mga gawain sa paaralan, di ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga salitang binitiwan mo: “Sa tingin ko, ikaw lang ang nakakaalam niyan.”
Hihintayin ba kita dahil umaasa akong malapit ka nang maging handa? Dahil nararamdaman kong hindi lang kaibigan ang pagtingin mo sa akin? Dahil kailangan kong respetuhin ang desisyon mong di muna makipagrelasyon? Dahil ikaw talaga ang mahal ko? Dahil mahal mo talaga ako? Dahil naniniwala ako sa tadhana at tayo talaga ang itinakda? Alam ko ba talaga ang dahilan?
Binalikan ko ang sagutan natin kanina. Kung hindi ba kita kinausap, magpapakahirap ba akong maghanap ng dahilan sa kung bakit kita kailangang hintayin? Magugulo ba ang isipan ko ngayon? Kung ilang segundo lang siguro tayo nahuli at may nauna sa atin sa booth ng karaoke sa Timezone, aaminin ko ba sa ‘yo ang tunay kong nararamdaman? Magugulo ba ang isipan ko ngayon? Kung hindi ba tayo nagtulungang mag-aral, hindi tayo matutuloy sa ating mga di inaasahang lakad? Magugulo ba ang isipan ko ngayon? Kung hindi mo ako nilapitan noong namatay si Chic, o hindi kita binigyan ng masyadong atensyon noon, magiging malapit na magkaibigan ba tayo ulit? Magugulo ba ang isipan ko ngayon? Kung isinama ko pa rin si Chic sa mga listahan ng priyoridad ko at binigyan ng oras ko, kakausapin mo ba ako ulit? Magugulo ba ang isipan ko ngayon? Aasa pa rin ba ako sa ’yo? Magkakaroon pa ba ako ng maraming tanong? Mamahalin pa ba kita muli?
Lumabas ako mula sa aking silid patungo sa asotea. Umupo ako sa isang kahoy na upuan at tumingin sa langit. Chic, bakit mo kami pinagtagpo ulit? May dahilan ba ang lahat ng ito? Paumanhin dahil hindi na kita nabigyan ng oras. Sana balang araw ay mahanap ko na rin ang dahilan.
Tatlong oras na akong nasa asotea.
Tumingin lang ulit ako sa mga bituin at palihim na humiling na mabigyan ng sagot ang aking mga tanong nang biglang tumunog ang aking telepono. Dali-dali akong pumasok at hinanap ito sa gitna ng gulo sa aking kama. Lagpas alas-onse na ng gabi, tatlong minuto na lamang bago maghatinggabi. May tumawag at nag-iwan ng text mula sa isang pangalan na kabisado na ng puso ko.
“Puwede ba tayong mag-usap bukas?”
Literary: Ikaw Pa Rin Ba

well written
ReplyDelete