jasmine esguerra,
Ikatlong tagumpay na ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons nang magapi nila ang Mapua University (MU) Red Robins, 106-79, sa Sulit.ph Breakdown Basketball Invitational (BBI) Tournament noong Linggo, Agosto 19, sa Ateneo Moro Lorenzo Sports Center, Katipunan Avenue.
Hindi pa sila nakakalasap ng pagkatalo matapos pabagsakin ang mga naunang katunggali na OB Montessori Center Basketball Team (98-12) at Arellano Junior Basketball Team (76-72).
Sa laro kontra MU, simula pa lamang, naging mabangis na ang UPIS nang maagang nagpaulan ng tatlong magkakasunod na tres si Jacob Estrera. Pinilit sabayan ng kalaban ang sunod-sunod na steal at tira ng Maroons ngunit kinapos hanggang sa nagtapos ang kuwarter, 32-18.
Tuloy-tuloy ang magandang laro ng UPIS sa ikalawang yugto, buhay na buhay ang depensa na pinangunahan ni Jordi Gomez De Liaño sa kaniyang defensive rebounds. Samantala, ang kabilang koponan ay nagsumikap sa pagtataguyod ni Ruben Mardoquio pero bigo sila sa panghaharang ng Maroons na umungos sa iskor na 64-37.
Maganda ang atake ng team kontra sa depensa ng Red Robins sa ikatlong kuwarter. Naging magandang oportunidad ang pag-foul ng kalaban na nagpa-free throw kina John Timothy Tuason at King Vergeire. Makailang ulit ding naagaw ng UPIS ang bola na nagbunga ng ibayong paglamang, 83-56.
Kamangha-mangha naman ang naging depensa ni Sean Aldous Torculas sa mga tira ng Red Robins sa huling kuwarter. Sinubukan pang humabol ni Mardoquio ngunit lubhang malaki na ang agwat ng iskor na nagtapos sa 27 puntos.
“Sabi ng coaches to start strong and mag-lead kaming mga seniors. Sinunod lang namin ‘yun and naging sobrang solid ng start namin. Nadala namin ‘yung intesity hanggang dulo kaya kami nanalo,” sagot ni Polo Labao, ang top scorer, nang tanungin ang kanilang estratehiya sa laro.
Pang-apat na nakaharap ng Junior Maroons ang AMA University Junior Basketball Team na kanila ring napatumba nitong Agosto 21, 94-91.
Sunod nilang makakabangga ang Treston International College sa Agosto 26 at ang De La Salle Zobel naman sa Agosto 27 sa parehong venue.
Mga iskor:
UPIS 106 — Labao 22, Estrera 20, Vergeire 20, Torculas 15, Tuason 12, Gomez de Liaño 9, Dimaculangan 3, Armamento 2, Torres 2, Condalor 1, Ebreo 0
MU 79 — Mardoquio 15, Roncal 11, Cataga 9, Gapay 9, Jugo 8, Maximo 7, Castor 6, Manalang 6, San Juan 5, Ejercito 3, Catubag 0, Gaspar 0, Lucas 0 //nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: Junior Maroons, tinambakan ang Mapua Red Robins
ANGAT. Mabangis na lumusot sa depensa ng Mapua si King Vergeire upang siya’y maka-layup. Photo Credit: Renzo Dela Cruz
|

0 comments: