filipino,
Ang politikal at sosyal na klima sa kasalukuyan
Nababalot sa kadiliman ng kasinungalingan
Halos wala nang masilayang pag-asa ang sangkatauhan
Malabong makamit muli ang hustisya sa kuko ng kataksilan
Di masisisi ang mga tuluyang sumuko na’t ayaw nang mangarap
‘Pagkat bangungot ng kahirapa’t kasamaan ang t’wina’y nakakaharap
Mga balitang ayaw at ang katotohanan ibinabaon ng nakatataas
Sa ilalim ng bundok ng korupsyon at nakaw na perang winawaldas
Pero ano ba ang ambag ng tulad mo?
Di naman mayaman, di naman kilala
Di naman politiko na mataas ang puwesto
Di naman makapangyarihan tulad ng iilang tao
Sa totoo lang, di naman kailangan ang lahat ng iyan
Kung pagbabago ang habol, boses mo lang ang kailangan
Bawat post sa social media na laban sa kasinungalingan
Bawat rali at protesta laban sa katiwalian
Bawat tapat na salitang galing sa iyo
Magiging talumpati na kakapitan ng mga puso
Ang mahina nating boses na halos pabulong
Pagsama-samahi’t magiging sigaw na dadagundong
Literary: Ano ang Ambag Mo?

0 comments: