drenisse moleta,
Maituturing na mga haligi ang mga guro at kawani sapagkat sila ang pumapatnubay sa mga mag-aaral at nagsisilbing pundasyon ng paaralan. Ang ating mga guro ang tumatayong pangalawang magulang natin. Bagong mga kaalaman at aral sa buhay ang hatid nila nasa loob man o labas tayo ng ating mga silid-aralan. Sa kabilang banda, ang ating mga kawani ang nag-aasikaso ng iba’t ibang dokumento at papeles at nagmimintina ng ating mga pasilidad. Tinitiyak nila na maayos ang ating pangalawang tahanan sa araw-araw. At sa panibagong akademikong taon na ito, nadagdagang muli ang ating mga kasama sa paaralan. Halina’t basahin ang aming inihandang poll upang mas makilala natin sila!
Maligayang pagdating sa mga bagong guro at kawani! Nawa’y maging mainit ang pagtanggap natin sa kanila dahil sila ay kabilang na sa Pamilyang UPIS. Isang maligayang bagong akademikong taon sa inyong lahat!//nina Drenisse Moleta, Geraldine Tingco, at Vea Dacumos
Feature: Fast Talk: Mga Bagong Kawani at Guro

0 comments: