filipino,
Bagong school year, pero di pa rin nagbabago ang makukulit at mahaharot na mga kaklase ko. Minsan maiinis ka, minsan matatawa, pero madalas ay maiingayan ka lang talaga.
“Psst! Psst! ‘Oy, may ¼ ka ba?”
“Wala. Di kasi ako responsableng estudyante,” sarkastikong sagot ko sa iyo habang kinukuha ang file case ko. Buong saya mo namang inilahad ang mga kamay mo na para bang namamalimos. Ang laki pa ng ngiti mo, kitang-kita ang gilagid. Kaasar.
“’Ayan, sa susunod kasi, bumili ka ng school supplies,” padabog kong ibinigay sa iyo ‘yung papel.
“Bakit pa ako bibili, e, nandiyan ka naman para bigyan ako?” sabay pisil sa pisngi ko.
Napahiyaw ako sa diin ng pagkakapisil mo at hinampas ko ang mga kamay mo. Tinawanan mo lang ako.
“Ay, ang sweet naman ng mga ‘to! Ang aga-aga, nang-iingit kayo ng mga single!” kantiyaw ng isang kaklase natin.
“Luh, ‘nong sinasabi mo? Mandiri ka nga,” asar kong tugon at umayos na sa pagkakaupo ko.
Parati na lang ganiyan. Tutuksuhin nila tayo sa tuwing lalapit ka sa akin, o ako sa iyo. Sabi kasi nila, bagay tayo.
Jusko, tayo, bagay? E, para nga tayong mga aso’t pusa tuwing naglalapit. Pag hihingan o hihiraman mo ako ng gamit, may mangyayari munang asaran o hampasan bago ko ibigay sa iyo ‘yung hinihingi mo. Pag magkatabi naman tayo sa upuan ay napakaingay natin kasi parati mo akong kukulitin at maaasar ako sa iyo.
Talagang aabangan nila ang bawat kilos natin pag magkasama tayo. Ewan ko ba sa kanila, akala yata nila gusto natin ang isa’t isa. Napipikon na nga ako. Pilit sila nang pilit, di naman totoo.
Nakakainis talaga, nakakairita, nakakabuwi—
“Ay, naputol.” Naputol ‘yung dulo ng lapis na gamit ko. “Ano ba naman ‘yan, wala pa naman akong pantasa.”
“Meron ako, teka lang,” sabi mo sa akin. Narinig mo pala ako. Inabot mo sa akin ang maliit na pantasa, pero bigla mong binawi nang hawak ko na.
“Libre mo muna ako,” ngiting-ngiti mong sabi habang tinatago ‘yung pantasa sa likod mo.
“’Di pa ba sapat ‘yung mga binigay ko sa ’yong papel, pinahiram na bolpen at correction tape simula Grade 7? Grabe, abuso ka, a!”
“Dali na, kahit isang Chocnut lang.”
“YIEEEEEEE!” narinig kong naghiyawan na ‘yung mga kaklase natin. ‘Eto na naman tayo.
“Ano ba ‘yan, doon nga kayo sa labas. Nilalanggam na ‘yung room!”
Nakakainis.
“Puwede ba, tama na?” saway ko sa kanila.
“Ang alin?” tanong mo.
“’Yung pag-a-assume nila. Di naman kasi totoo.”
“Na?”
“Na may gusto tayo sa isa’t isa! E, di naman—”
“Gusto mo, totohanin natin?”
Napatitig ako sa iyo. Seryoso ‘yung mukha mo. Di ko akalaing sasabihin mo ‘yun. Naguluhan ako, pero bigla kang napangisi at tumawa nang malakas.
“Ang benta mo! HAHAHAHAHAHAHA!”
Anak ng tokwa.
“Kainis ka, buset.” Hinampas kita. Nakakainis.
“Aray! Oo na, joke lang ‘yon. Pero sa bagay, di naman talaga totoo ‘yun,” sabi mo.
Nanikip ‘yung dibdib ko. Bakit ba ako nagagalit? Buwiset.
“Pa’no, e, ako lang naman kasi ‘yung may gusto sa ’yo,” bigla mong sinabi sa akin.
Bagong school year na, pero di pa rin nagbabago ang makulit kong puso. Hanggang ngayon, gusto kita, simula pa man nang nanghingi ka ng ¼ na papel noon, noong napansin ko ‘yung inosente mong ngiti na tumatak sa puso ko.
Literary: Wamport

0 comments: