filipino,
Sa bawat bagyong parating
May isang paruparong salarin
Punit-punit at mahina
Ang mga pakpak nitong may istorya
Sa bawat bagyong parating
Ang paruparo’y mapapaisip
Kung saan, ano, at sino
Ang nagkamali sa pagpapasya
Itong matandang lalake ba na mag-isa?
Ito bang luhaang buntis na dalaga?
Ang bunso na lumayas sa tirahan nila?
O ang ama na di umiimik kasama ang pamilya?
Sa bawat bagyong parating
May kinalaman ang bawat daang tutunguhin
Walang tama o maling sagot
Ngunit may mas ligtas at mas masalimuot
Sa bawat bagyong parating
Tadhana’y di maaaring suwayin
Kaya’t dapat dahan-dahan sa pagpapasya
Dahil ang bawat daan ay iba’t ibang kuwento ang dala
Literary: Sa Bawat Bagyong Parating
Sa bawat bagyong parating
May isang paruparong salarin
Punit-punit at mahina
Ang mga pakpak nitong may istorya
Sa bawat bagyong parating
Ang paruparo’y mapapaisip
Kung saan, ano, at sino
Ang nagkamali sa pagpapasya
Itong matandang lalake ba na mag-isa?
Ito bang luhaang buntis na dalaga?
Ang bunso na lumayas sa tirahan nila?
O ang ama na di umiimik kasama ang pamilya?
Sa bawat bagyong parating
May kinalaman ang bawat daang tutunguhin
Walang tama o maling sagot
Ngunit may mas ligtas at mas masalimuot
Sa bawat bagyong parating
Tadhana’y di maaaring suwayin
Kaya’t dapat dahan-dahan sa pagpapasya
Dahil ang bawat daan ay iba’t ibang kuwento ang dala
0 comments: