cyrille villanueva,

Opinion: Nakaka-trigger na artikulo para sa mga SJW

8/25/2018 07:38:00 PM Media Center 0 Comments


Photo Credit: Ronnie Bawa Jr., Cyrille Villanueva, at Dianne Santos


“Nigger!” “Fagger!” “Your mom’s gay!”

Iyan ay ilan lamang sa mga salitang ikinapipikon ng mga SJW at itinuturing nilang nakakainsulto.

Ang mga SJW o Social Justice Warrior ay mga indibidwal na ipinaglalaban ang hustisya at pagkakapantay-pantay para sa minorya at mayorya. Maaari ding maging SJW ang isang indibidwal na nabibilang sa mayorya at nakakaramdam ng simpatya para sa mga naaapi at walang boses. Nariyan si Gandhi na ipinagtanggol ang karapatan ng mga kapwa Indian mula sa mga kolonyalista, si Martin Luther King na nagsulong ng karapatang sibil ng mga kapwa niya black, at siyempre ang sarili nating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na lumaban sa mapang-aping mananakop sa pamamagitan ng pagsulat.

Sa panahon ngayon na laganap na ang paggamit ng internet kung saan malayang nagpapahayag ang mga tao ng kanilang mga ideya at saloobin, naglipana rin ang mga SJW. Ngunit kumpara kina Gandhi, King, at Rizal noon, nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin sa mga SJW ngayon na naglalabas ng kanilang mga mensahe at adbokasiya gamit ang kompyuter at gadyet.

Madalas, ang mga SJW ngayon ay ang tipo ng tao na magagalit sa isang meme ng dalawang garlic breads na may label na “If I had a garlic bread for every existing gender.” Bakit siya mapipikon sa meme ng dalawang garlic breads? Bakit siya mapipikon sa isang meme na ang layunin ay mampikon talaga?

Nirerepresenta ng dalawang garlic breads ang dalawang kasarian—ang lalaki at ang babae. Reaksyon ng mga SJW, bakit daw walang pangatlong garlic bread? O pang-apat? O panlima? Bakit daw walang ispektrum ng garlic bread? Masyado raw homophobic ang gumawa ng litrato!


Freedom of Speech at Censorship

Sa kasalukuyan na napakalayang nakapagpapalitan ng impormasyon ang mga tao dahil sa teknolohiya, hindi nangangahulugan na basta-basta ka na lang dapat magsabi ng iyong mga naiisip at nararamdaman. Kailangang may sarili kang sensura o censorship sa bawat sasabihin mo, bawal ang nakaka-offend. ‘Yan ang lagi nating iisipin sa tuwing may ipo-post tayo o sasabihin sa internet.

At talaga namang nakabantay sa usaping iyan ang mga SJW. “Don’t say the N-word,” ‘ika nga nila. “2018 na, guys, bakit niyo pa rin sinasabi ang N-word? Napaka-racist naman.” Pero iyon na nga, 2018 na. Kasabay na nag-e-evolve ng tao ay ang kaniyang mga salita. Kung noong panahon ng pang-aalipin sa Africa, ang salitang nigga ay ginagamit para sa mga black at nangangahulugang mababang uri o ‘di kalebel ng mga puti,’ ngayon, ginagamit na ito ng mga nigga mismo bilang simple at pamilyar na bansag o pantawag sa malalapit na kaibigan at kapatid nila na hindi lang black, maging ibang lahi rin.

Ngayon, kung ang tingin pa rin ng mga SJW sa salitang nigga ay pagpapababa ng turing sa mga black, nasa lohika na nila ang mali at sila rin ang racist mismo. Walang isyu sa non-blacks na tinatawag na nigga ang mga black na kaibigan.

At kapag sila’y may nahanap na gawang panitikan man o sining, na makokonsidera nilang “offensive,” kanilang igigiit na tanggalin ito kasi nakakainsulto raw sa isang ispesipikong pangkat. Sa ganitong kaso, kahit na ang mismong essence ng sining at literatura ay pagiging subhetibo (subjective) nito o kung anuman ang itinakda ng artist o awtor, ikakatwiran nila na dahil sila ang mas may alam at sila raw ay ‘woke’ o mulat, dapat ang kanilang punto lang daw ang ituring na may kredibilidad. Kapag ikaw naman ay hindi sumang-ayon sa kanilang statement, imbes na ika’y pakinggan at magsagawa ng intellectual discourse, kadalasan ika’y pipintahan lang na salot. Isang halimbawa, gustong ipa-ban ng isang magulang sa mga paaralan sa Amerika ang librong “Adventures of Huckleberry Finn” ni Mark Twain. Ito raw kasi ay ‘racist’ dahil gumagamit ng mga termino na hindi na kaaya-aya ngayon. Ang Huckleberry Finn ay isinulat noong 1800s, na tumatalakay sa paglilibot ng isang palaboy at isang African slave at buhay nila sa Mississipi. Lagpas sa salita, dapat tingnan muna ang istorya at tema ng itinuturing na klasik na sa totoo lang ay bumabatikos sa rasismo, at ang awtor nitong si Mark Twain ay isang anti-racism advocate din noon.


Equality?

Nakakatawang isipin na isa sa malalaking problema sa mga SJW ay tinitingnan nila ang kanilang status bilang unique o maituturing na isang special snowflake na natatangi sa ibang mga tao dahil nga kabilang sila sa minorya at bunga nito, kailangan daw silang intindihin at bigyan ng pribilehiyo. Halimbawa, idadahilan ng isang babae na siya raw ay babae kaya dapat na pasingitin sa pagkahaba-habang pila. Para bang naghahanap ng diskriminasyon kung saan wala kadalasan.

Noong mga nakaraang taon, may isang post na kumalat sa internet: isang babae ang nagreklamong hindi man lang siya inalok ng upuan ng lalaking nakaupo gayong babae siya at dapat daw na maging gentleman ang lalaki.

Di ba’t maituturing na equality na rin mismo ang hindi pagpansin ng lalaki sa babae? Naupo ang lalaki doon dahil maaaring pagod siya sa maghapong trabaho. Hindi niya tiningnan ang babae bilang mahina na nangangailangang umupo. Tiningnan niya ito bilang kapantay o maaari ngang mas angat pa sa kaniya—siya na maituturing na mahina at kailangang umupo habang ang babae ay malakas at kayang tumayo.

Equality pa nga ba ang hanap ng babae? O pribilehiyo na makaupo dahil babae siya? Di ba mga persons with disability, nagdadalang-tao, o senior citizen lang dapat ang binibigyan ng ganoong pribilehiyo?

Ang iba namang SJW na feminista ay kapuna-puna rin ang pananaw sa usapin ng “chivalry” o pagmamagandang-loob ng kalalakihan sa kababaihan. Halimbawa, nagkasabay sa paglabas sa pinto ang isang lalaki at isang babae. Hahawakan ng lalaki ang pinto para maunang makadaan ang babae pero magagalit ang babae. Siya raw ay isang strong and independent woman na hindi nangangailangan ng tulong ng isang lalaki. Panghaharas daw ang ginagawa nitong pangmamaliit sa kaniya! Ngunit kung susuriin, taliwas na ito sa ipinaglalaban niyang “social justice.” Ang totoong feminista ay itinataguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay na hindi nang-iinsulto at umuusig sa anumang kasarian.


Double Standards

Kamakailan, may kakilala kaming bakla na nag-post tungkol sa nakita niyang guwapo na nasa isang pampublikong lugar. Sinabi niya na kinulit-kulit niya ito para mapansin siya; tinanong-tanong ng kung ano-ano para lang mapahaba ang usapan. Pero isang buwan bago ito, siya rin itong nag-share ng isang post tungkol sa “creepy” boys sa Facebook na kinukulit ang ibang mga babae—tanong nang tanong, mapahaba lang ang usapan—katulad na katulad ng ginawa niya roon sa poging lalaki na nakatagpo niya sa mall. Bakit nakikita ng mga SJW na creepy ang mga lalaking nangungulit ng mga babae kahit na sila ay ganoon din? Nagiging okey lang pag sila ang gumawa, at mali kapag iba.

Bakas din ang double standards sa paraan nila ng pagpili kung ano ang creepy at hindi creepy. Kapag guwapo ang nagbigay ng papuring, “ang ganda naman,” sweet itong lalaki. Pero kapag di kaguwapuhan ang nagbigay ng papuring ganoon, manyak ito. Bakit kailangang may diskriminasyon, na siyang nilalabanan nila, sa pagpili ng kung alin ang sweet o creepy?

Pero kung itatama mo sila sa mga kamalian nila, ikaw ang yari!

Nakakatakot magsalita laban sa kanila. Magugulat ka na lang, bibigyan ka na nila ng label: Manyak! Homophobe! Sexist! Nazi! White supremacist! Para sa kanila, ikaw at ang mga katulad mong mag-isip ang kontrabida sa mundo nila na dalawa lang ang puwedeng panigan: mamili ka kung kakampi ka sa kanila o kakalaban—walang pagitan.

Imbes na turuan ang mga kalaban, binububungangaan lang nila ang mga ito. Paano ba matututo ang kabilang panig kung walang palitan ng impormasyon at argumento sa pagitan nila?

Sa dami ng mabibigat na problemang kinahaharap ng ating lipunan tulad ng giyera, kagutuman, labis na kahirapan, at iba pa, mga problema pa ba nila ang dapat na unahin? Ganoong kababawan? Kailan pa kaya magma-mature itong mga SJW na parang bata kung mapikon?

Tandaan nila na hindi lang sa kanila umiikot ang mundo. Hindi lahat ng bagay ay nilikha para sa kanila at dapat na umaayon sa kanila. Di naman sa nagkukumpara, pero walang-wala sa dinaranas nilang “pang-aapi” ang mga pang-aapi na nilabanan ng mga naunang SJWs at ng mga taong nakakaranas ng tunay na diskriminasyon at pang-aabuso ng lipunan.//nina Ronnie Bawa Jr. at Cyrille Villanueva

You Might Also Like

0 comments: