filipino,

Literary: Kung

8/18/2018 08:39:00 PM Media Center 0 Comments



Kung itinago lang sana
Ang cell phone na mapanggambala,
Nakinig, natuto, upang makauno,
E, di sana ngayon, ako na’y may trabaho!

Kung inamin lang sana
Ang tunay na nadarama,
Lumapit, tumapik, sa dalagang marikit,
E, di sana ngayon, siya’y aking kapiling!

Kung tinanggihan lang sana
Ang alok na alak ng barkada,
Umayaw, lumingon, para sa ibang maiinom,
E, di sana ngayon, atay ko’y di sinusumpong!

Kung hindi ko lang sana
Sinukuan ang problema,
Tinanggap, hinarap, sinubukang lusutan,
E, di sana ngayon, hindi ako tinatapak-tapakan!

Hindi ko lang talaga maiwasang isipin na
Sa loob kaya ng mga segundong iyon
Posible ba kaya talagang nabago
Ang takbo ng aking mundo?

You Might Also Like

0 comments: