feature,
Sa likod ng klasrum, habang wala pa ang guro, magkakasama kayong nakatambay ng iyong barkada. Katapat lang ay isang lumang gitara, mapupuno na ang libreng oras ninyo ng walang humpay na kantahan.
“Kamukha mo si Paraluman…”
Napakasarap balikan ang nakaraan, ‘no?
Kamakailan ay ipinalabas at umani ng papuri ang dulang “Ang Huling El Bimbo” na nagtampok sa mga awitin ng sikat na bandang OPM, ang Eraserheads. Ginawa ito sa direksyon ni Dexter Santos at panulat ni Dingdong Novenario. Ibinida rito ang ilan sa mga hits ng grupo tulad ng “Minsan,” “Tindahan ni Aling Nena,” “Pare Ko,” “Magasin,” “Alapaap,” “With a Smile,” “Ligaya,” at siyempre, “Ang Huling El Bimbo.”
Nagsimula ang pagtatanghal sa isang di makilalang patay na katawan sa gitna ng madilim na entablado. Agad namang ipinalabas, matapos ang tagpong iyon, sina Anthony na ginampanan nina Jon Santos at Topper Fabregas (batang Anthony), Emman na ginampanan nina Oj Mariano at Boo Gabunda (batang Emman), at Hector na ginampanan nina Gian Magdangal at Reb Atero at Bibo Reyes (mga batang Hector) sa isang prisinto, nagtataka kung bakit sila ipinatawag doon.
Hindi tuloy-tuloy ang daloy ng kuwento sapagkat pabalik-balik ito sa tagpo sa prisinto sa kasalukuyang panahon at noong 1990s kung kailan nasa kolehiyo pa ang tatlo. Mula sa magkakaibang tipo ng pamilya, nagkakilala sila sa pagpasok nila sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan naging roommates sila sa Kalayaan. Puro katuwaan at maliligayang sandali ang naitampok noong mga panahon na nasa kolehiyo sila dahil nakilala nila si Joy na ginampanan ni Tanya Manlang, isang dalagang nagtatrabaho para sa tindahan ng kaniyang tiya na si Dely na ginampanan naman ni Shiela Francisco. Maraming nabuong masasayang alaala ang apat hanggang sa araw bago ang pagtatapos noong niyaya ni Hector ang tatlo na mag-roadtrip para panoorin ang mga bituin bago sila maghiwa-hiwalay. Habang kumukuha sila ng litrato gamit ang Polaroid ni Hector, nauwi sa kabiguan ang gabi.
Si Anthony ay ang pinakakuwelang karakter sapagkat madalas siyang magbiro. Itinago rin niya ang kanyang identidad bilang isang bakla, dahil noong ‘90s, o kahit hanggang ngayon, hindi ito tanggap ng nakararami.
Si Emman naman ang tauhang pinakadeterminado sa kanilang mag-aral at makakuha ng matataas na marka sa kolehiyo. Mahirap lamang kasi siya at nais niyang patunayan sa kaniyang mga magulang na kaya niyang makipagsabayan sa mga tagasiyudad.
Si Hector naman ang naging pinakamalapit kay Joy. Isa siyang anak-mayaman na nais ipaglaban ang bayan sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ama. Di kalaunan, sa kalagitnaan ng palabas ay nadebelop ang kaniyang damdamin para kay Joy.
Lahat ng ito ay inaalala nila sa prisinto, at halatang magkakakilala ang tatlo bagamat ilang sila sa isa’t isa at pinipili nilang hindi mag-usap. Nagtataka sila kung paano sila napunta sa ganitong sitwasyon. Sa pangalawang bahagi ng dula ay naibunyag na kung paano na sila namuhay nang magkakahiwalay matapos ang trahedya noong gabi bago ang pagtatapos. Si Anthony ay napilitang magpakasal sa isang babaeng hindi niya mahal, si Emman ay nabaon sa mga utang at nagkaroon ng mga problema kasama ang kaniyang asawa, si Hector ay naipit sa maraming karelasyon at naging isang problemadong direktor ng mga pelikula, at si Joy na ginampanan na ni Menchu Lauchengco-Yulonaman (na siya ring artistic director ng dula) ay naging tagabenta ng droga para magkaroon ng pera para sa kaniyang anak na aksidente lamang na nabuo.
Ipinaalala ng iba’t ibang kanta ang pait ng nakaraan ng pagkakaibigan. Maganda man ang kanilang samahan, huli na ang lahat para ayusin pa ang sitwasyon. Nagtapos ang palabas sa pagpapakita ng bangkay ni Joy sa magkakaibigan. Matapos humingi ng tawad kay Joy ay nangako na silang tutuparin nila ang kanilang mga pangarap nang magkasama.
Mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga manonood dahil ‘ika nga’y timeless ang mga obra ng Eraserheads. Nandiyan ang mga kabataan noong lumabas ang mga hits hanggang sa kabataan ngayon na paulit-ulit pa rin ang pagkanta sa mga ito.
“Nagustuhan ko ang dula dahil unang-una, grabe talaga ‘yung artistry—mula sa napakagandang production, magaling na pag-arte, hanggang sa mismong konsepto nu’ng dula, ang galing talaga,” wika ni Eunice Ruivivar, Grado 11, isang masugid na manonood ng mga dula. “Masasabi ko rin na kakaiba siya mula sa ibang mga musical na napanood ko na noon, mainly ‘yung style at ibang elements na minimal lang ‘yung paggamit sa ibang musical [tulad ng] choreography. Gayundin, nagustuhan ko siya kasi hindi ko in-expect. Bago ko mapanood, akala ko magiging feel-good lang at nostalgic ‘yung overall tone nu’ng dula pero it turns out, may nilalaman ding madilim na parte ‘yung dula, maraming na-depict na social issues na hanggang ngayon ay relevant sa lipunan natin.”
“Pagkatapos ko[ng] panoorin ang dula, lahat ng mga tanong na binigay ng dula ay nasagot sa dulo, at tunay na mayroong ‘sense of closure’ ang wakas. Ang puso mo ay hindi makakapahinga sa buong dula. Hindi magsisisi ang mga taong manonood nito,” wika naman ni Owen Bernos, isa ring estudyanteng nanood ng dula.
Masasabi ngang napakahusay ng pagkakagawa sa Ang Huling El Bimbo, lalo na sa pagkakahabi ng mga kanta ng Eraserheads upang maging iisang kuwento. Nagawa nga nilang malungkot ang kantang With a Smile! Kapana-panabik ang mga ganap at bagamat inaasahan na ang wakas dahil sa kantang Ang Huling El Bimbo, matindi pa rin ang kurot nito sa puso.
Itinanghal ang dula sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, simula Hulyo 20 at magpapatuloy pang ipalabas hanggang Setyembre 2. Fan ka man ng Eraserheads, ‘90s kid, o mahilig sa OPM, siguradong magugustuhan mo ang dulang ito kaya tunghayan niyo na habang may mga natitira pang tiket!//nina Wenona Catubig at Nicole Desierto
Feature: Ang Muling El Bimbo
https://www.ticketworld.com.ph/Online |

0 comments: