beca sinchongco,

UPIS parenting seminar, inilunsad

11/17/2016 08:48:00 PM Media Center 0 Comments



Isinagawa ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Department of Student Services ang parenting seminar na may temang Positive Parenting: Raising Confident and Disciplined Children noong Nobyembre 5, 2016 sa Bulwagan 3-6.

Layunin ng taunang seminar na matulungan ang mga magulang sa paggabay at pag-unawa sa kanilang mga anak. Tinalakay rito ang mga usaping kinakaharap nila kaugnay sa pagpapalaki ng anak at parenting styles, partikular na sa study habits, self-esteem, at self-regulation ng kanilang mga anak.
Halos 200 na magulang mula Kinder hanggang Grado 11 ang dumalo sa nasabing gawain. Si Prop. Annalyn Capulong ng UP Department of Psychology ang naging tagapagsalita ng seminar.

Bago inilunsad ang aktibidad, nagsagawa muna ng isang needs assessment survey ang Departamento ng Student Services nang sa gayon ay maging gabay ito sa pagpili ng mga paksang higit na makatutulong sa mga magulang. 


HATID-KAALAMAN. Sama-samang nakinig ang mga magulang mula Grado K-11 na dumalo sa parenting seminar.
Photo credit: Ms.Leng Painaga

//ni Rebeca Sinchongco

You Might Also Like

0 comments: