filipino,
“Hindi naman sa ganoon, gusto ko lang mapag-isa
Hahanapin ko lang ang sagot sa tanong na
'Kaya ko pa ba?'
Kailangan ko lang ng kasagutan, kalabisan ba ang aking hiling?
Di ko na kasi alam kung gusto pa kita sa 'king piling”
“Teka lang naman, masyado kang mabilis
Bumalik naman ako sa aking taguan, a? At saglit lamang umalis.
Masyado ka kasing makupad, nainip na ako sa tagu-taguan
Kaya nang iwan ka'y naisip ko 'Mas gusto ko palang magtaya-tayaan'”
“Pasensya na sa 'yo, dapat sinabi ko nang agaran
Nang di humantong sa gan'to; naiwan pa kitang nasasaktan
Kaya ngayon, sasabihin ko na, nang matapos na ang iyong pasakit
Paalam at salamat, sa sandaling oras natin sa langit”
Literary: Laro ng Pag-Ibig at Pagkabigo
Bumaba muna tayo sa lupa habang ula'y pumapatak
Ipahinga lang natin saglit ang ating hapong mga pakpak
Nakakapagod palang magpagaspas nang walang humpay
Aking napagtanto, di tayo sa langit nababagay
Sabi niya,
"Pwede pa ba tayong manatili rito, kahit kaunti pa?"
Aking tugon,
"Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?"
"Paumanhin, ngunit, kailangan ko lang ng oras–"
"Oras? Puwes doon ka sa impiyerno, magsama kayo ni Hudas!”
Im-im-impiyerno
“Hindi naman sa ganoon, gusto ko lang mapag-isa
Hahanapin ko lang ang sagot sa tanong na
'Kaya ko pa ba?'
Kailangan ko lang ng kasagutan, kalabisan ba ang aking hiling?
Di ko na kasi alam kung gusto pa kita sa 'king piling”
“Ah, suko ka na? Lilisan ka na lang nang basta-basta?
Tagu-taguan ba ang larong napili mo?
Kung saan ‘di na kita makita, akala ko ika'y nagtatago
iyon pala'y umalis ka na't may iba ka nang kalaro
Bakit, kasi nagsawa ka na?
Sawa ka na bang ikaw na lang ang laging hinahanap,
kaya naghanap ka rin ng iba?”
Saksak puso, tulo ang dugo
Bumalik naman ako sa aking taguan, a? At saglit lamang umalis.
Masyado ka kasing makupad, nainip na ako sa tagu-taguan
Kaya nang iwan ka'y naisip ko 'Mas gusto ko palang magtaya-tayaan'”
“’Ayan! At inamin mo rin ang katotohanan!
Para akong sinaksak sa puso nang libo-libo't daan-daan!
Bakit kailangan mo pang sabihing oras ang kailangan mo?
Sana sinabi mo nang maaga para nabago ko pa ang laro.”
Patay, buhay
“Pasensya na sa 'yo, dapat sinabi ko nang agaran
Nang di humantong sa gan'to; naiwan pa kitang nasasaktan
Kaya ngayon, sasabihin ko na, nang matapos na ang iyong pasakit
Paalam at salamat, sa sandaling oras natin sa langit”
“Pasensya?
Kung biskwet lang ang iyong mga salita, nabusog sana ang kumakalam na tiyan!
Pero base sa ugali mo, marahil ako'y nabilaukan
Ganyan kasi ang istilo ng iyong pagmamahal;
masarap sa una pero nakakasakal”
Umalis ka na sa pwesto
“Paalam”
“Wala naman akong magagawa, ako naman ang nagyaya na makipaglaro
Nakipaglaro ako sa isang taong dadalhin ka sa langit tapos bigla siyang maglalaho
Pero natuto na ako, alam ko na ang patakaran;
Ang laro ng pag-ibig ay hindi tagu-taguan”
Bagkus ang pag-ibig ay laro ng langit lupa
Minsan ika'y nasa langit, madalas ika'y lumuluha
Pero gayunpaman, ako'y sasahimpapawid pa rin
Maghahanap, mananaya, mamahalin
Baka sakaling makakita ng taong siguradong sa langit ako dadalhin
0 comments: