carlos laderas,
Iniuwi ni Jazper Pacis ang Rookie of the Year Award sa Season 79 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Table Tennis Tournament na ginanap noong Oktubre 7,8,14,16 sa ADMU Blue Eagles Gym.
Naging maganda ang ipinakita ni Pacis sa kanyang unang pagsabak sa UAAP. Nagpakitang-gilas siya sa isang "Love Set Performance" sa kanyang kalaban mula sa Adamson Falcons. Tinalo rin niya ang beterano ng ADMU Blue Eagles sa set score na 3-0. Sa laban kontra DLSZ Green Archers, nakagawa siya ng isang comeback matapos habulin ang score na 0-2 at ipanalo ang laro sa 3-2.
Kapana-panabik ang naging pasahan at palitan sa kanyang mga laro, kaya naman lalo pa niyang nakumbinsi ang mga hurado upang mapili siya bilang Rookie of the Year.
"Naging motivation ko po ang kuya ko dahil todo suporta siya sa akin," sabi ni Pacis nang tanungin siya sa kanyang naging motibasyon sa nagdaang season. "Masaya naman po (ang unang taon ng paglalaro)," dagdag pa niya.
Tinapos ng kanilang koponan ang Season 79 sa ika-6 na pwesto.
Hindi man nakamit ng kanilang team ang mataas na posisyon, pinatunayan pa rin ni Pacis ang tapang at puso ng isang UPIS student-athlete nang makuha ang Rookie of the Year Award.
Isa si Jazper Pacis sa mga bagong mag-aaral na Varsity Athletic Admission System (VAAS) Entry ng UPIS ngayong taon. //ni Carlos Laderas
Sports: Jazper Pacis hinirang na Rookie of the Year

LABAN UP.
Handa nang lumaban ang UAAP Season 79 Rookie of the Year ng UPIS Table Tennis
Team na si Jazper Pacis.
Photo credit:
Raymund Creencia
|

0 comments: