filipino,
Noong mga bata pa tayo,
Wala tayong ibang iniisip
Maliban sa paglalaro.
Takbuhan, habulan
At kung minsan, asaran.
Sa maghapon tayo ang magkasama
Mundo nati'y nasa isa't isa.
Mga tawanan na parang musika
Mga ngiti na kita kahit sa mga mata.
Mga lugar na tayo lang ang nakakaalam
Mga lugar na hindi pwedeng magpaalam.
Ngunit may isang laro na gustong-gusto kong ulit-ulitin.
Sa loob ng bahay-bahayang
Pareho nating binuo.
Kahit na bubong nito'y karton
At di man tumagal nang mahabang panahon,
Bawat sulok naman nito'y puno ng mga alaala
Ng ating kabataang napakasaya.
Ngayon, malaki na tayo
Nasa alaala na lang ang ating mumunting tahanan.
Binago man tayo ng panahon
Alam kong puso nati'y nanatili tulad ng dati.
Ang kaibahan lang ngayon, hindi na tayo naglalaro
Wala na tayo sa gitna ng ating mga imahinasyon
Tayo'y nasa realidad kung saan
Ang bahay-bahayan ay nauwi sa totohanan.
Literary: Bahay-bahayan

0 comments: