dictionary,

Feature: Diksyunaryo ng Isang Isko

11/30/2016 09:25:00 PM Media Center 0 Comments



May mga salitang kapag sinabi mo sa isang hindi taga-UPIS, mapapa-ewan na lang sila dahil hindi nila maiintidihan. Pero kung laking-UPIS ka, ang mga salitang walang kabuluhan sa iba ay siguradong may espesyal na lugar sa puso mo. Ang mga sumusunod na karaniwang salita ay madalas nating naririnig sa paaralan. Ito ang mga katagang nabigyan natin ng kakaibang kahulugan- mga salitang talagang atin.


Aling Norms: Mula noon hanggang ngayon, asahan mong mabubusog ka sa kanyang all-time famous siomai at sa lahat ng iba pa niyang paninda.


Bricks: Ang walang kamatayang brick wall na ginagamit ng mga estudyante bilang background ng kanilang mga litrato at agad na gagawing profile picture sa Facebook.


Double Cell: Sikat na laro sa UPIS kung saan kinakailangan ng mabilis na pag-iisip para matalo ang lahat ng kalaban. Kamakailan lamang, naging laro na rin ito sa intrams.


Homegrown: Sila ang mga estudyanteng lumaki sa playground ng K-2, natiis ang init sa Bulwagan, at patuloy na nag-aaral sa 7-12.


Isko/ Iska: Sila ang mga estudyanteng pinapahalagahan nang mabuti ang pag-aaral sapagkat sila ang Iskolar ng Bayan.


Laterals : Sila ang mga bagong estudyante na hindi nag-elementarya sa UPIS, pero may angking talino na pang-Iskolar ng Bayan.


Lorna: ‘Yan ang pangalan ng puting estatuwa ng isang babaeng nasa harap ng eskuwelahan. Pinapaniwalaang nabubuhay at gumagalaw siya tuwing gabi upang hanapin ang kanyang nawawalang lapis.


Papa Herbs: Siya ang patron ng suspensions; Gabi-gabing ipinapanalangin ng mga estudyante sa kanya na sana walang pasok (kahit ‘di naman umuulan).


Pub: Ito ang paglalathala ng articles at literaries sa upismc.blogspot.com na inaabangan ng lahat linggu-linggo!



Sci Cal: Ito ang tanyag na koleksyon ni Sir Manny at karamay natin sa pagsagot ng mga problema sa Algeb, Geom, Trigo, Stat, Physics at Econ. At hindi siya nakakatulog hangga’t hindi ito kumpleto! //ni Hanna David

You Might Also Like

0 comments: