english,
Charyeot
“Atensyon! Magharap ang magkalaban.”
Mga matang nagliliyab ay nagtama
Kagustuhang manalo ang ipinakikita
Pusong pinatibay ng nakaraang pagkatalo aking dala-dala
Sa labang haharapin ko nang mag-isa
Chumbi
“Maghanda sa magaganap na laro.”
Nanlalamig na ang mga palad ko
Puso ko’y nagsimula nang tumakbo
Paghinga nang malalim tanging ginagawa ko
Habang nagdarasal na sana’y makamit ang medalya sa dulo
Sijak
“Simulan na ang laro!”
Mga tira mo’y aking iniilagan at sinasalag
Gamit ang mumunti kong puso bilang kalasag
Pinipilit kong maging matatag at huwag matinag
Kahit na ako’y unti-unti nang nababagabag
Kalyeo
“Itigil na ang laro!”
Hanggang dito na lang ang makakaya ko
Ubos na ang aking lakas upang ipagpatuloy pa ang laro
Bugbog at nanghihingalo na ang aking puso
Oo, ikaw na ang panalo
Kyungre
“Magbigay-respeto.”
Tinatanggap ko ang aking pagkatalo
Alam kong naging duwag ako
Ginawa ko naman ang makakaya ko
Sadyang matagal ka lang talagang nakapag-ensayo
Mahal, sana’y makahanap ka ng bagong kalaro
Na masasabayan ang galing at lakas mo
Upang sa dulo’y ngiti ang makikita sa mga labi ninyo
At hindi dugong bakas ng pagkabigo
Literary: Taekwondo

Sino po ang sumulat nito? Napaka ganda
ReplyDelete