filipino,

Literary: Saling Kitkit

11/21/2016 09:02:00 PM Media Center 0 Comments




Ang sayang tumakbo
Lalo na at ikaw ang naghahabol
Pero kahit tumakbo ako papalapit sa ’yo
Iba pa rin ang hinahabol at hahabulin mo

Ang sayang magtago
Lalo na’t ikaw ang naghahanap
Ngunit kahit magpakita ako sa iyo mula sa pinagtataguan ko
Hindi naman ako ang hinahanap mo

Ang sayang magpadausdos sa padulasan
Lalo na’t nakikita kong ikaw ang nag-aabang
Pero kahit anong dulas pa ang gawin ko
Sa iba nakalaan ang mga bisig mong magsasalo

Ang sayang maglaro
Lalo na at ikaw ang kasama ko sa kinahiligan kong libangan
Pero sabi mo hindi naman talaga ako kasali
Dahil ang totoo, saling-kitkit lang ako

You Might Also Like

0 comments: