batman,

Literary (Submission): Masayang Kwento

11/29/2017 09:35:00 PM Media Center 0 Comments




Panimula
Noong magsimula ang ating kwento
Alam kong panghabambuhay na tayo
Habambuhay tayong masaya
Habambuhay nating mahal ang isa’t isa
At nangako akong pasasayahin ka
Anupaman ang iyong maging problema
x
Noong magsimula ang ating kwento
Nagduda ako kung magtatagal ba ‘to
Baka nagmamadali lang tayo
Baka nasabik lang masyado
Pero kahit walang kasiguraduhan
Pareho tayong may kinapitan

Katawan
May mga pagkakataong hindi maiiwasan
Na tayo ay may ‘di pagkakaunawaan
Humihingi ako ng tawad
Dahil sa’kin ito nagsisimula
Nagsisimula sa aking kakulitan
Nagsisimula sa aking kababawan
x
Natakot ako dahil sa isang dahilan
Nagsimula tayong ‘di magkaintindihan
Away roon, away rito
Kaya tinatanong nila
Bakit hindi pahiwalayan ka na?
Pasensya na, mahal ko siya.

Dulo
Alam ko ang mga kasalanan ko
At pangakong hindi na uulitin ito
Pagkat itutuloy pa ang masaya nating kwento
At pangakong hindi na matatapos ito
Pagkat aalagaan ang masaya nating kuwento
At mamahalin ka nang buong-buo
x
Pero lahat ng ‘di pagkakaintindihan
Lahat ng tawanan, kakulitan, kababawan
Ay mga dahilan kung bakit ka nagustuhan
Kung bakit iniintindi ang ating pagkakaiba
Kung bakit mahal na mahal kita
Kaya’t ipinapangako ko
Hindi matatapos ang kwentong ito

You Might Also Like

0 comments: