barcode,

Literary: Kulay ng mga Alaala

12/03/2015 09:23:00 PM Media Center 0 Comments



Nang makita ko ang mga punit nating litrato
Agad kong kinuha ang mga piraso
Pinagdikikit ko sila sa pag-aakalang
Maibabalik nito ang mga makukulay nating alaala.

Ang unang litrato ay may hawak kang bughaw na lobo
Noong ikalabing walong kaarawan mo
Una tayong nagkita at nagpakilala ako
Sabay bigay ng regalo at tanong ng numero mo.

Ang ikalawang litrato ay may dilaw na paroparo
Sa mga kamay mo ito ay dumapo
Habang kumakain tayo
Ng ice cream na paborito mo.

Pulang rosas naman ang hawak mo sa ikatlong litrato
Ito ay ang araw na napakasaya ko
Noong sabihin mong, "Oo,
Ikaw lang at ako.”

Sa huling litrato ay may bahaghari sa langit habang magkasama tayo
Hawak ko dito ang kamay mo
Nagniningning ang mga mata mo
Dahil isang taon na tayo.

Sabi ko sa iyo noong araw na iyon na ang pagmamahal ko’y tunay
Ngunit bakit ko nga ba ito sinayang? Ako ngayo’y naalulumbay.

Ngayon, ang mga larawang ito ay nagsisilbi na lang na mga patunay
Na, kahit minsan, ang pag-iibigang ito ay naging makulay.

You Might Also Like

0 comments: