bahaghari,

Literary: Bahaghari

12/03/2015 08:33:00 PM Media Center 0 Comments



Itim

Buhay ko'y parang telebisyon
Walang kakulay-kulay noon
Puno ng problema’t magulo
Sadyang simple at malabo

Pula

Minsa’y nasaktan at nadapa
Nainis, nagalit, at sa huli’y lumuha
Pinag-alab ang poot at galit
Sa huli, sarili ang sinisi

Bughaw

Isang araw ika’y lumapit
Niyakap ako ng mahigpit
Nagbigay ng bagong pag-asa
Buhay ko’y biglang lumigaya

Bahaghari

Buhay kong matagal nang nalulumbay
Binigyan mo ng kulay
Pinasaya mo't pinasigla
Ikaw na nga ang hinihintay, wala nang iba

You Might Also Like

0 comments: