filipino,
Literary: Bahagharing Itim
Ang kulay ng kalikasan
Ay tunay na nakahahalinang pagmasdan
Mula langit hanggang lupa
Mula kanan patungong kaliwa
Sa pagsikat ng dilaw na araw
Isang bagong umaga ang tinatanglaw
Isang malawak na bughaw na kalangitan
At mapuputing ulap na larawan ng kabanalan
Ako’y naliligiran ng maindayog na luntian
At mga bulaklak na itinatanghal sa aking bakuran
Mayrong mga pulang rosas, puting sampagita, at pulang gumamela
Mayroon ding mga santan at ponsetya
Paglabas ng tahanan
Malawak na dagat ang masisilayan
Makukulay na corales sa dalampasigan
At mga dilaw na ibong sa puno’y nag-aawitan
Kay sarap pag masdan
Ng tila bahaghari sa kalupaan
Na noo’y nagbigay katuparan
Sa mga tulad kong may kapansanan
Ilang taon na ang nakararaan
Mula nang aking masilayan ang ganda ng kalikasan
Na ngayo’y isa nalang malawak na kadiliman at kabiguan
Para sa isang katulad kong may kapansanan
0 comments: