filipino,

Literary: Itim

12/03/2015 09:27:00 PM Media Center 0 Comments



Nababaon sa limot pati ang hindi dapat
Mga sinasabi, parang 'di napakikinggan
Ngunit sa iba, tandang-tandang tanda ang lahat
Sa akin, puting papel, hindi nasusulatan

Ano nga ba ang puti?

Sa dulo ng araw, sa tuwing magpapaalam na
Kahit anong subukan ko'y mananatiling uhaw
Sa kahit kaway man lang, kaya't ang nadarama
Tulad ng madilim na ulap, sa langit na bughaw.

Ngunit itim lang ang nakikita ko.

Kahit anong sakripisyong hindi mababawi
Ano mang pakitang gilas at hugot na tula
Ang masayang ngiti sa 'yong pulang mga labi
Sa ibang tao mo pa rin ipinapipinta

Ngunit itim lang ang nakikita ko.

Sa kabila ng gulo, away at pagkukulang
Mananatiling tapat at tuluyang lalaban
Kung natatakot pa'y dito nalang maniwala
Ang nagmamahal, walang dahilan 'di magmahal
Pagkat ang tunay na pag-ibig, tunay na bulag.

You Might Also Like

0 comments: