filipino,
Literary (Submission): Gusto, Hindi Gusto
Siya na walang ginawa Siya na walang ginawa
Kundi punuin Kundi ang guluhin
Ang aking bawat panaginip. Ang bawat araw ng buhay ko
Hindi ko mapigilan ang aking sarili Hindi ko mapigilan ang pagkaasar
Na tumingin sa kanya’t ngumiti. Sa tuwing aking nahuhuli.
Hindi talaga, Ang mga mata niyang nakatitig sa akin,
Kahit pa mukhang ayaw niya. At sa akin lang.
Ako ang laging nakabuntot, Siya ang laging bumubunot,
Ang laging nakatingin. Siya ang laging nakatingin,
Hindi ko napapansin, Nakakainis na minsan,
Hanggang sa ako ay kalabitin. Nakakainis na pala talaga
Ngunit ano ba ito?
Itong nararamdaman ko?
Sa bawat ginagawa’y,
Tila nababaliktad ang lahat
Ngayon, siya ang laging bumubuntot, Ngayon, ako ang laging nakabuntot,
Siya ang laging nakatingin. Ang laging nakatingin.
Nakakainis na minsan, Hindi ko napapansin,
Nakakainis na pala talaga. Hanggang sa ako ay kalabitin.
Hindi ko mapigilan ang pagkaasar Hindi ko mapigilan ang aking sarili
Sa tuwing nahuhuli na tumingin sa kanya’t ngumiti
Ang mga mata niyang nakatitig sa akin Hindi talaga
At sa akin lang. Kahit pa mukhang ayaw niya.
Hindi ko na siya gusto. Gusto ko na siya.
Siya na walang nang ginawa Siya na walang ginawa
Kundi ang guluhin Kundi ang punuin
Ang bawat araw ng buhay ko. Ang aking bawat panaginip.
0 comments: