bolero,

Literary (Submission): Tatlong Taon

2/04/2015 08:31:00 PM Media Center 0 Comments


Marami nang nagbago sa loob ng tatlong taon.
Tatlong taong puno ng mga alaalang ibinaon,
Tatlong taong sariwa pa rin hanggang ngayon-
Mga taon na nalaman kong buhay ko pala’y may rason.

Noong unang taong tayo’y magkaibigan pa lang,
Panahon kung kelan ang pinky swear ay wala lang,
Mga panahong tayo’y sobra pang magalang,
At ang pag-ibig ko sa iyo ay parang biro lang.

Sa ikalawang taon ay aking inamin,
Ang sa iyo’y mayroon akong pagtingin.
Wala kang nasabi na parang ang narinig lang ay hangin,
Kinabukasan ay iba na ang turing sa akin.

Ikatlong sunod na taon puso ko’y iyo pa rin,
Ngunit dahil sa sakit pinilit kong tanggalin.
Isip ko’y gustong-gusto kang limutin,
Ngunit sabi ng puso ko’y ikaw lang ang mamahalin.

Sa loob ng tatlong taon ay marami na ang nagbago,
Na para bang mga laruang bloke o lego.
Pero may mga bagay na aking itinago,
Tulad ng pagmamahal ko sa iyo kahit na ako’y bigo.

You Might Also Like

0 comments: